"Binibisita ka na nga, may baon ka pa ring attitude," sabi ko at umupo sa gilid. Nag-dekwatro ako at pinasadahan ng daliri ang buhok ko.
Inangat ko ang dala kong supot para ipakita ang meryendang binili ko sa labas para sa kaniya. Baka kasi isipin niyang pumupunta lang ako rito lagi para makikain kaya ngayon, ako naman ang may dala. Medyo masahol pa naman ang ugali niya at hindi imposibleng pag-isipan niya ako ng gano'n.
"Gusto mo?"
"Ano 'yan?" tanong niya at bumalik ulit sa pag-aayos. Nilapag ko sa gilid 'yong supot, malapit sa kaniya.
"Pandesal. Binili ko sa labas."
Tumango siya nang hindi ako tinitignan.
I leaned forward to get a piece of bread. Nang makasandal ako ulit sa upuan, tumama ang mata ko sa kaniya. Nakasimangot na naman.
"Meryenda, Ja. Parang kanina ka pa d'yan," aya ko sa kaniya pero tumango lang siya.
"Jaja," tawag kong muli, mas mahinahon kaysa kanina. "Ja..." Sinadya kong lambingan ang boses para lang pansinin niya ako.
"Oh," mahina at walang emosyong sagot niya, abala pa rin sa pag-aayos.
"Pahinga ka muna, Ja."
"Kuya, labas ako."
Biglang sumulpot si Arjo sa pintuan kaya napatikhim ako at umiwas ng tingin.
"P're, meryenda," sabi ko kaya napatingin na sa akin si Jaja. Kumunot lalo ang noo niya at umirap sa akin.
"Ako kausap mo?" tanong niya.
"Oo. Kanina pa kita inaalok ng tinapay," sabi ko at umiwas ng tingin.
"P're amputa," dinig kong reklamo niya kaya halos hindi ko malunok ang nginunguya ko. "Huwag kang lumabas. Aalis ako mamaya, walang magbabantay kina Lola," baling niya kay Arjo kaya nagdabog na pumasok sa loob itong isa.
Tinawanan ko ang reaction niya saka ako napailing.
It's clear he doesn't want me to call him that.
Hindi ko alam, pero nitong mga nakaraang araw, ang dali na lang para sa aking basahin siya. Hindi katulad dati na parang kailangan ko pang maghalungkat ng kung ano-anong teorya para maintindihan siya. Kulang na lang pumunta ako sa manghuhula.
Somehow, everything felt easy with him. Parang binibigyan niya ako ng pagkakataong makilala siya nang mas mabuti at tuluyang makapasok sa buhay niya.
But honestly, it was easier not to—because that way, I could keep my peace of mind.
Sometimes, I crave a little chaos. The kind that keeps me up at night.
At isa pa, sa mga pagbabagong nangyayari sa pagitan namin ni Jaja ngayon, hindi ko maiwasang itanong sa hangin kung bakit biglang naging ganito ang lahat. Hindi ko naman kasi inaasahan 'to, hindi ako nakapaghanda. Akala ko sapakan ang patutunguhan naming dalawa.
"Gwapo ba ako?"
Bumalik ako sa sarili nang tanungin ako ni Jaja. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
Namuo ang ngiti sa labi ko at nakaramdam ng kung anong haplos sa dibdib ko.
If this happened before, he probably would've snapped with something like, 'Huwag mo nga akong tinitingnan,' or 'Anong tinitingin-tingin mo?'
Binigyan ko siya ng isang iling habang nakapaskil pa rin ang ngiti sa labi ko. "Sakto lang. Mas gwapo pa rin ako," I shot.
Dumampot ako ulit ng pandesal at pangiti-ngiting kumagat doon. Jaja flashed a simple smile before standing up. Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa harap ko.

BINABASA MO ANG
Memory Lane
Romance[BL STORY] STAND ALONE Suddenly, ghosts weren't the eerie creatures that lurked in the dark. They were the memories that slipped through your fingers, leaving only the cold, jagged edges of what's gone and never coming back. _ a rewritten version of...
Chapter 10
Magsimula sa umpisa