Tumingala ako sa kaniya pero binaba niya ang ulo niya sa akin at diretsong kumagat sa tinapay na hawak ko.
I was stunned. Tumalikod siya at bumalik sa motor niya na parang wala lang sa kaniya ang ginawa niya.
"Hindi masarap 'yong binilhan mo ng tinapay. Mas masarap sa kabila," kumento niya pa pero hindi na 'yon nagre-rehistro nang maayos sa utak ko.
Lumunok ako at umiwas ng tingin. Tinuon ko ang atensyon ko sa labas ng gate nila at pinagmasdan ang langit para pakalmahin ang sarili. Putangina nito talaga. Wala man lang paalam. Kapag inatake ako sa puso, makakasuntukan ko na talaga.
Paulit-ulit na lumalabas sa isip ko ang ginawa niya. Kahit sa pag-uwi ko sa bahay, iyon lang ang naaalala ko.
"Punyeta," bulong ko sa sarili.
Pagdating ko sa bukid isang araw, nautusan akong sumama kay Jaja na mag-deliver sa Cordon. Ida-drive niya 'yong pick up nila Tita na minsan ding nagagamit para sa pagde-deliver.
"Tayo lang ba?" tanong ko pagkapasok ko sa loob.
Nang makita ko ang mukha niya ay naalala ko na naman ang pagkagat niya sa tinapay ko kahapon. Tangina talaga! Hindi na ako nilubayan! Mamatay na lang sana ako kung puro ganito rin lang!
Tumango siya sa akin at nag-reverse palabas ng gate ng bukid.
"Ayaw nilang sumama," sabi niya sa akin nang makalabas na kami. Tumango ako at kinabit ang seatbelt bago pa niya sabihin.
"Ju, tell me your favorite song," he demanded. Kinakalikot niya ang screen sa baba ng dashboard at sinusubukang i-connect sa bluetooth ang phone niya.
"Ba't?"
"Patutugtugin natin—"
"Batman."
"Huwag ka na sumama?" mahinahon ngunit naiinis niyang tanong sa akin. Tumawa ako at hinablot ang phone niya para i-search ang Pasensya Ka Na ng Silent Sanctuary. Binalik ko sa kaniya nang ma-play ko na.
Tahimik lang siya buong byahe namin. Naka-repeat pa 'yong kanta kaya kahit natutuwa ako, hindi ako mapakali dahil sa tahimik niya. Feel ko tuloy naiirita na siya sa kantang paulit-ulit na tumutugtog sa sasakyan.
"Patayin mo na 'yong music," sabi ko.
Nilingon niya ako saglit bago niya binalik ang tingin sa daan.
"Bakit?"
Umiling ako. "Paulit-ulit na eh."
"Okay lang. Hindi ko alam 'yong kanta," he muttered.
"Seryoso ka? Sumikat kaya 'yan."
He shrugged. "I'm not into music."
"Maganda ba?" I asked, pertaining to my favorite song.
Tumango siya. "Maganda. Kaya huwag mong patayin."
Hindi namin pinalitan 'yong music mula pagpuntang Cordon hanggang sa pauwi. 'Yon lang ang paulit-ulit na naririnig namin. Medyo nagsasawa na nga ako pero siya naman ang nagsasabing huwag kong palitan.
Hindi ko nga alam kung wala lang siyang pakialam o nagugustuhan na rin niya.
"May pinapasundo si Kuya Alejandro," mahinahon niyang sabi habang nasa daan kami pabalik ng San Isidro.
Tumango ako. "Sino?"
"'Yong anak niya. Nag-iisang babaeng anak. Isasabay na raw niya pauwi mamaya kaya sunduin na natin pagbalik sa bukid."
Tumango lang ako ulit. Wala naman akong reklamo dahil wala naman akong pakialam sa susunduin namin, lalo nang walang problema sa akin.
Kaso lang, hindi ako na mapakali noong nasundo na namin siya.

BINABASA MO ANG
Memory Lane
Romance[BL STORY] STAND ALONE Suddenly, ghosts weren't the eerie creatures that lurked in the dark. They were the memories that slipped through your fingers, leaving only the cold, jagged edges of what's gone and never coming back. _ a rewritten version of...
Chapter 10
Magsimula sa umpisa