抖阴社区

                                        

"Hello Fey?" aniya nang sagutin nya ang tawag.

"Nasan ka?" tanong nito, na parang may pagmamadali sa boses nito.

Napasinghad na lamang sya. "Shouldn't I be the one asking you that?" she countered her question with another question.

Isang malalim na paghinga ang narinig nya sa kabilang linya. "Sorry na! Hindi na ako nakabalik kahapon, may emergency kasi," she apologized sincerely.

Walang syang maisip isasagot kay Fey. Parang nakonsensya din sya sa kanyang ginawa nyang pagtataray rito. Sorry Fey, may mood swing yata ako.

"Nga pala, ba't magkasama kayo ni Melvin kagabi?" tanong nito na agad nagpakaba sa kanyang dibdib.

"How did you know?"

"Nakita ko lang sa IG post. Nagtaka nga ako dahil nandun ka," paliwanag nito.

Ito na ba ang sinasabi nya kagabi? What if mapagkamalan nga talaga syang kasintahan ni Melvin? O baka may magalit sa kanya? Nag-aalala sya! Ayaw pa naman nya ng pinag-uusapan.

"Ayos kalang ba?" pukaw sa kanya ni Fey .

Marahan nyang kinagat ang kanyang pang-ibabang labi, upang kontrolin ang kaba nya. "Oo, ayos lang ako. Papasok kaba?" pag-iiba nya ng paksa.

"Oo, pero mamaya pa. Busy pa kasi ako eh! Mga one hour siguro, bago ang laban ko," sagot nito.

Oo ng pala! Muntikan nya ng makalimutan na may laban pa pala ito sa taekwondo mamayang 6 pm. So, one hour before her tournament, kumbaga mga alas singko pa ito papasok? Ang haba pa ng oras nya.

"Sigurado kabang okay kalang Chloe? Kanina kapa tahimik dyan," nag-aalalang tanong nito.

'Chill Chloe, you're just overreacting. Napaghahalataan ka tuloy,' bulong nya sa kanyang isip.

"Diba sabi mo manonood tayo ng pageant? Ba't hindi ka bumalik?" pag-iiba nya ulit ng usapan.

"Huh? Wala naman akong sinabing ganun uh!" anito at tumawa. "Sabi ko may pageant, hindi ko sinabing manonood tayo!" she clarified.

Napabuntong hininga na lamang si Chloe. Naghintay pa naman ako kahapon.

"Sige Chloe, I'll hang up the call muna, may gagawin pa ako. Bye!" Fey urged.

—— ××× ——

KANINA pa nakatunganga si Chloe sa harapan ng computer sa Campus nila. After her phone call with Fey, she went straight to the Computer Laboratory to go online. Wala kasi syang load!

She really did scrutinize the post Fey was referring to. And thank God, liban sa pag-tag kay Melvin, wala namang nilagay na caption ang babae na nagpa-picture sa kanila kagabi. Pero yun nga lang, kasali sya sa picture kaya maraming paring na-intrigue. But at least, hindi ito nagpakalat ng maling impormasyon lalo na sa pagsang-ayon ni Melvin na magkasintahan sila. Kahit papaano'y nakahinga rin sya ng mapayapa.

Napag-desisyunan nya naman na hwag nalang munang umuwi, at baka mawalan pa sya ng ganang bumalik. Kailangan nyang manood ng laban ni Fey, kung hindi ay magtatampo talaga it.

Yayamang kanina pa sya naroon sa computer lab, at mag-a-alas dose na, nakaramdaman si Chloe ng gutom at pagkainip. Kung kaya't nagtungo sya sa pinakamalapit na canteen mula sa comlab. Doon na lamang siguro sya manananghalian, total may extra money pa naman syang natitira. Hindi kasi sya nakapaghanda ng pambaon, dahil sa masama ang pakiramdam nya kaninang umaga.

After placing his order, she immediately sat down at an empty table and ate peacefully. Sanay syang mag-isa, kung kaya't wala syang pakialam kung kumain man sya ng walang kasama. She was more comfortable that way.

Beyond Control (A Reckless Desire)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon