抖阴社区

                                    

OMG, bakit ba ganito? Parang gusto ko siyang sabunutan, pero bakit may part ng utak ko na... kung siya na lang kaya ‘yung mag-abot ng tubig, ano kaya feeling?

“Pffft,” sabay roll ng eyes ko. “Chill lang, ‘di ba? ‘Yung guy na ‘yan, forever magiging asar sa buhay ko.”

Habang nagkakasiyahan kami sa tabing-dagat, napansin ko na hindi talaga siya mawala sa eksena.

Si Lev, malayo, pero kitang-kita ko pa rin ‘yung mga galaw niya. Parang hindi ko siya matanggal sa isip ko, kahit na pilit ko siyang ini-ignore.

May mga pagkakataong makikita ko siyang tinitingnan ako. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin, pero hindi ko na lang pinansin. Sige, basta ako, hindi ako affected. Promise.

“Hoy, Haven!” tawag ni Janine, parang nahuli ako sa pag-iisip. “Tingnan mo si Kiel oh, may kasunod na naman na spike!”

Okay, si Kiel na lang. Focus na lang ako doon.

Habang nagsimula na ang iba mag-impake, si Kiel tumabi sa’kin at nag-alok ng malamig na inumin. Ako na lang yata ‘yung hindi nakakasabay sa kabaliwan nila. Nagpakita naman ako ng pasasalamat.

Maya-maya, si Lev lumapit sa amin. Tumabi siya sa’kin at bumulong sabay abot ng bag ko.

“Ako na'ng iinom para sa kaniya,” hawak pa rin nito ang bag ko. “Kiel, may problema ba?”

Nagkatinginan kami ni Kiel. Halos mabanggit ko na gusto ko sanang sabihing, “Bakit ba siya ganun? Hindi ba pwedeng magpahinga lang?” Pero napigilan ko. Hindi ko na lang siya pinansin.

Sinadyang maging kalmado lang, hindi ko naman kayang gumawa ng eksena. Sabi ko kay Lev, “Bakit mo ininom para sa akin 'yon?”

Nagkibit-balikat si Lev at naglakad palayo. Para bang walang pakialam. Pero bakit ganun? Laging may paanghang.

Habang patapos na ang araw, nagtipon kami sa bonfire, nagsimula na magsigawan at magtawanan. May mga marshmallows, kaya lang hindi na yata keri ng katawan ko.

“Group picture!” sigaw ni Flor. “Haven, tabi kayo ni Lev!”

Feeling ko napansin ni Lev na medyo awkward na, kaya tumabi siya sa’kin nang mabilis.

Ang bigat ng pakiramdam, para kaming nagkatinginan lang ng saglit, tapos nag-smile kami na parang “okay lang.”

Okay lang ba? Ang awkward na nito, pero siguro… normal lang? Parang may something na hindi ko maintindihan.

Habang papunta kami sa van, nagsimula kaming magbilang. Ang weird kasi may isang tao na hindi namin makita. Bigla, ang sabi ni Janine:

“Haven, nasaan si Flor? Nandiyan ba siya?”

Nag-panic kami ng konti, dahil wala nga siya. Hinanap namin siya sa buong beach, at sa huli, nakita namin siya sa kabilang dulo ng beach. Tumatawa siya at sinabing,

“Naghanap lang ng souvenirs.”

Souvenir. Weird, but hayaan nalang. Kakaibang trip niya, ah.

Pero ‘yun na. Nandiyan kami lahat, nagmamadali, at feeling ko lahat kami may kabuntot na heart attack.

Si Lev, for some reason, hindi siya kumibo at parang may iniisip na malalim. Hindi ko alam kung bakit, pero may awkward vibe siya. Siguro may pinagdadaanan siya?

Pagkababa namin sa van, nagsimula na kaming mag-impake. Si Kiel, mabilis pa sa lahat, tumulong sa pag-aayos ng mga gamit ko.

“Haven, ‘yan na lang,” sabi niya habang inaabot ang bag ko na medyo mabigat.

“Dahil hindi ka pa nakakain ng maayos, baka magka-cramps ka pa.”

“Salamat, Kiel,” sabi ko, medyo natatawa.

“Talaga, sobrang laki ng pasasalamat ko. Kung hindi ka pa tumulong, baka hindi ko natapos lahat.”

Hindi ko alam kung bakit, pero may isang parte sa’kin na parang gusto ko pang sabihin, “Parang may mga times na hindi ko kayang mag-isa, at tuwing nandiyan siya gumagaan ang lahat.” Pero hindi ko na lang ‘yun nasabi.

Si Kiel, mabait naman talaga. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag nandiyan siya. Pero bakit ang weird pa rin na parang hindi ko pa rin kayang magtiwala?

Habang nagkakabuhol-buhol na ang mga gamit, dumaan si Lev mula sa likod ko. Hindi ko siya tinignan agad, ngunit naramdaman ko ang presensya niya.

Hindi siya nagsalita, pero nang makita niyang hindi pa ako tapos mag-impake, umupo siya sa tabi ko. Bawas sa pagod, siguro.

Hala, bakit siya umupo dito? Dapat ba akong ma-stress o okay lang?

Maya-maya, may naramdaman akong movement sa tabi ko. Tumabi na siya sa upuan ko, at bago ko pa man makuha ang pagkakataong magtanong, narinig ko na lang ang isang mahina niyang boses.

“May PA ka na pala ngayon, tskk?” tanong ni Lev, medyo may halong tigas ang tono.

Ano ‘to? Jealousy ba ‘to o assumera lang me? Hindi ko gets.

Si Kiel, na nakatayo malapit lang, napatingin kay Lev at sa’kin. Parang may nangyaring hindi maipaliwanag.

“Ah, hindi naman, tinulungan lang ako ni Kiel magbuhat,” sagot ko, pilit na iniwasan ang mata ni Lev.

Sumimangot si Lev at parang hindi na siya nakialam pa.

Bumuntung-hininga siya at hindi na nagsalita. Parang may unspoken understanding sa pagitan nilang dalawa, at hindi ko alam kung paano mag-react.

Hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko  si Kiel, tapat at mabait, tapos si Lev na may ganitong misteryosong aura na nagpapaisip sa’kin.

“Okay lang ako,” sabi ni Lev, hindi na masyadong masaya, at tumayo na lang bigla. “Tuloy na tayo.”

Hindi na siya nagsalita pa, at ako, tinitingnan lang siya habang umaalis.

Bawat galaw ni Lev, mas lalong gumugulo sa isipan ko pati ang kilos niya minsan nakakalito mahirap basahin hindi kagaya kay Kiel.But speaking of him I don't know pero may ibang pakiramdam ako sa kaniya na hindi ko kayang magtiwala sa kaniya ng buo even mabait siya.

---

Author’s Note

To my Heartstrings,

Thank you so much for taking the time to read my stories. Your support means the world to me, and I’m beyond grateful for each and every one of you who follows along on this journey. I hope my words tug at your heart, just as your feedback and love tug at mine. Please continue to stay with me, because there’s so much more to come. Let’s keep writing this story together!

With all my love,

alwaysysougtsz143

You've reached the end of published parts.

? Last updated: May 08 ?

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never let You Go Where stories live. Discover now