YURA'S POV
Lanta akong tumayo sa kama ko. Ang sama ng pakiramdam ko. Mukhang di ata ako makaka pasok ngayon. Agad akong nag punta sa CR para maligo at mag ayos kahit hindi gaanong sang ayon ang katawan ko. Binilisan ko lang ang pag ligo at pag aayos dahil wala talaga ako sa mood. Sinuot ko ang kung anong unang madampot ko sa closet ko. Hindi ko na rin natignan ang sarili ko sa salamin dahil wala talaga ako sa mood. Napansin din ata ni Aimee na masama ang pakiramdam ko.
"Sigurado ka bang papasok ka ate.? Mukha kang zombie pagewang gewang ka pa." Sabi sa akin ni Aimee na naka ayos na at ako na lang ang hinihintay.
"Hindi ako pwede umabsent. Kabago bago ko lang." Sabi ko at sinuot na ang sling bag ko pag katapos ko mag bihis.
Lumabas na kami ni Aimee ng bahay. Wala ako sa sarili na nag lakad palabas kasama si Aimee.
"Ate umayos ka nga sa pag lalakad mo. Daig mo pa lasing." Saway sa akin ni Aimee. Hindi ko pa rin siya sinagot dahil wala ako sa mood maki pag talo sa kanya ngayon. I just hope na magiging maganda ang pakiramdam ko pag dating ko ng Enigma.
AIMEE'S POV
Mukhang lasing kung mag lakad si Ate Yura. Hindi ko alam kung bakit. Pero nang yari na rin ang ganitong pang yayari dati yung tipong para siyang lantang gulay, yun ay yung nag field trip sila at sumakay siya ng mga rides na hindi niya kaya. Halos 3 days siyang hindi naka pasok. Mahina kasi ang stamina ni Ate sa rides. Actually nakaka awa siya tignan pero pumapasok pa rin siya. I admired ate for her hardwork kaya naisipan ko na lang na ihatid na lang siya sa trabaho niya. Nung una sabi ko hatid ko na lang siya sa pabalik ng bahay kaso ayaw niya. So pinilit niya na lang ako na ihatid siya sa trabaho niya. Medyo inalalayan ko rin siya mag lakad parang anytime kasi pwede siyang matumba. After ilang minutes nakarating na kami sa Enigma. Pag pasok ko pa lang ng building ay iba na talaga ang pakiramdam ko. I feel some goosebumps. Lahat ng tao ay nakatingin sa aming dalawa na parang hindi kami belong dito. Kung tumingin head to toe. Hindi ko na lang ito pinansin at tuloy pa rin ako sa pag alalay kay ate. Kahit pagewang gewang na ang lakad namin ay itinuturo pa rin ni ate kung saan banda ang office niya kaso lang, medyo naramdaman ko na bumigat ata ng kaunti si Ate Yura. Nung tinignan ko siya naka pikit na siya. Hinimatay na ata. Hindi na kinaya. Sa sobrang bigat ni ate Yura halos naka salampak na siya sa sahig kasi hindi ko na siya kaya pang alalayan. Tumingin tingin ako sa paligid to get some help at napatingin ako dun sa may information desk pero lahat sila may ginagawa. Anong klase ba ang mga tao dito.? Hindi ba nila nakita na may nahimatay.? Parang wala silang paki alam. Yung iba nga nakita na kami kaso dirediretso lang. The heck.!
"Ate Yura wake up.!" Tarantang sabi ko habang tinatapik tapik ang pisngi ni ate Yura. Naka upo na ako sa sahig at nakapatong ang ulo niya sa legs ko. Tumingin ako sa paligid at lahat sila walang paki alam. Kaasar.!
"Someone help me please.?!" Halos sigaw na sabi ko kaso tumingin lang sila sa akin at nag sibalik sa sarili nilang trabaho. Kaasar.! Lalo lang tuloy akong namuhi sa Enigma. Ang mga tao dito walang pakealam. Maya maya nakita ko na may lalaking nakakita sa amin. Nakatingin siya kay ate Yura. Akala ko iiwas lang siya ng tingin pero papunta na siya ngayon sa pwesto namin. Thanks GOD. Matangkad siya. Infairness gwapo. Maputi. Pino kong gumalaw. Lalaking lalaki. Naka suot siya ng long sleeves na white at black slacks. Medyo naka bukas ang upper button nito. Papalapit siya sa amin na parang isang modelo. Ang perpekto naman ng lalaking to. Nang makarating na siya sa pwesto namin ay medyo nag lean siya at tinukod ang isa niyang tuhod para tignan si ate Yura. Hinawakan niya ang noo nito.
"Nilalagnat siya." Sabi niya. Seryoso ang mukha. Ni hindi man lang nag bago ang emosyon niya.
"Makulit po kasi. Gustong gusto pa rin pumasok kahit hindi naman kaya." Sabi ko.

BINABASA MO ANG
God's Of Deity
FantasyMeet Yura Gualvez. A fresh gradute who dreamed to work for Enigma- Bata pa lang siya gustong gusto na niyang mag trabaho dito. Kahit anong position ang ibigay sa kanya makapasok lang siya ay tatanggapin niya. Even when she was a kid, she always drea...