TREVOR'S POV
Nasa garden ako ngayon sa paborito kong tambayan sa mayabong na puno. Wala akong ganang kumain kahit break time ngayon. Huminga ako ng malalim. Buti na lang at natapos ang Grand Deity's Fete ng maayos at walang intruder pero hanggang kailan.?
Nanatili pa rin sa pwesto si Kuya Ashton. Asang may mag lakas loob na kalabanin siya.
Alam ko din na mag hihiganti ulit si Augustus kaya hindi pa rin dapat kami mag relax. Sa totoo lang mahina lang naman ang mga pinag samang pwersa ng Cronx at Castellar. Kung tutuusin kayang kayang silang puksain ng council ang kaso pinapahalagahan ng council ang pag kakapantay pantay. Nag aalala din kasi ang council na baka pag gumawa sila ng destructive move laban sa mga taga Crocas baka sugurin nila ang mga tao at gawing bihag ang mga ito. Hindi pumapatay ng tao ang mga taga council kaya malaki ang chance na gamitin ng mga taga Crocas ang mga tao para hindi makagalaw ang council.
Tahimik lang akong nakatulala sa hangin habang nakasandal sa puno habang naka upo. Maya maya biglang lumakas ang hangin at biglang kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan. Lahat ng mga tao sa garden ay nagulat sa sobrang lakas ng kidlat at nag sisilong ang iba. Ako naman ay nasa ilalim pa rin ng puno. Sobrang lakas ng kidlat. Hindi pang karaniwan. Isa lang pumasok sa isip ko. Baka nag wala sa council ang dad ni Kuya Ashton. Si Supremo Alexander.
Sumilong rin ako pero medyo basa na ako noon. Basa na ang blue kong t shirt at buhok. Dumaan muna ako sa locker ko para kumuha ng extrang damit. Nakatingin ang lahat sa akin habang nag lalakad ako papunta sa locker ko. Ngayon lang nakakita ng lalaking nabasa ng ulan.? Maya maya napansin ko na may nakatingin pa sa aking iba. Pag tingin ko si Aimee lang pala pero umiwas din siya agad ng tingin at nag lakad palayo. Ano kayang problema nun.? Nang makuha ko na ang extra shirt ko sa locker ay agad akong nag punta sa Cr para makapag palit na. Nasa loob na ako ng cubicle ng boys Cr para makapag palit na nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Sila Steven at Tyler.
"Matagal tagal na rin tayong nag aaral sa University na ito pero wala pa rin tayong mahanap na makatutulong sa atin para pabagsakin ang mga Louvier." Rinig kong sabi ni Steven.
"Tama ka pero atleast may nalaman naman tayo na girlfriend pala ni Trevor si Aimee. Bawal yun di ba.? Alam na kaya ng council yun.?" Tanong naman ni Tyler kay Steven. Natawa naman ako bigla pero mahina lang. Paniwalang paniwala sila na kami nga talaga ni Aimee.
"Ewan ko pero mapapakinabangan natin si Aimee. Pwede natin siyang dalhin sa lunga ng Crocas at gawing bihag para mapasunod ang council." Sabi ni Steven. Hindi ko nagustuhan ang plano nila. Gaya ng inaasahan ko gagamitin nila ang tao bilang pain.
"Tama. Tsaka balita ko may isa pang tao na nag tratrabaho sa Enigma. Nahuli na dati yun ni Augustus kaso dumating ang mga Louvier. Pwede din natin kunin yun para dalawa na silang bihag." Sabi ni Tyler.
Maya maya may narinig akong may nag bukas ng bag at parang may hinalungkat doon.
"Gamitin mo to at ilagay mo sa inumin ni Aimee pag may pag kakataon ka." Rinig kong sabi ni Steven kay Tyler. Marahil iyon na ang kinuha sa bag kanina.
"Sige kunin ko na, eh paano naman yung isa pang bibihagin natin.?." Rinig kong sabi ni Tyler kay Steven.
"Ako ng bahala doon basta ikaw na ang bahala kay Aimee." Sabi ni Steven kay Tyler at narinig ko ang hakbang palabas. Kailangan ko na silang balaan bago may mangyaring masama.
VICTORIA'S POV
Andito ako ngayon sa mansion ko dala ang bihag kong si Yura. Hinang hina na siya. Nakaka amaze. Natagalan niya ang ginawa kong lason dapat patay na siya ngayon. Hindi alam nila dad na may dala akong tao dito. Nakakulong siya sa abandonadong underground namin. Subukan lang niyang mag ingay lalong mapapadali ang buhay niya.

BINABASA MO ANG
God's Of Deity
FantasyMeet Yura Gualvez. A fresh gradute who dreamed to work for Enigma- Bata pa lang siya gustong gusto na niyang mag trabaho dito. Kahit anong position ang ibigay sa kanya makapasok lang siya ay tatanggapin niya. Even when she was a kid, she always drea...