Continuation......
TREVOR'S POV
After namin mag usap ni kuya Ashton ay umalis na ako sa office niya at pumunta ako ng council. Gusto kong maka usap si Dad.
Pag dating ko doon busy ang lahat ng tao. Agad akong nag punta sa room ng mga Supremo. Sa room nila Supremo Alexander at Supremo Venidict.
Pag pasok ko doon nakita ko doon si Dad. Himala wala si Supremo Alexander pero mas mabuti na rin ito para makapag usap kami ng maayos.
"So alam mo na pala." Sabi sa akin agad ni Dad pag kakita niya agad sa akin. Alam niya na alam ko na ang tungkol sa pag papa alis ng mga tao sa Louvier University at mga katulad na lang namin ang matitira. Nakatayo lang ako sa harapan niya.
"Bakit niyo gagawing exclusive University ang Louvier.? Maraming ordinaryo ang nag aaral dun." Sabi ko.
"I know. May nagawa na kaming excuse para paalisin sila. Sabihin natin na nalulugi na ang University at mag sasara na ito. In that case aalis lahat ng estudyante. Ang aakalain ng mga tao na totoo ito pero ang mga katulad natin na nag aaral dun ay alam na fake reason lang ito." Sabi niya sa akin ng seryoso habang naka upo sa chair niya. Nakatingin lang kami sa isat isa ng seryoso.
"Bakit kailangan ba to.?" Sabi ko. Alam ko na may dahilan kung bakit ginagawa ito ni Dad.
"As you can see. Marami ng naiinvolved na tao sa atin at hindi maganda iyon. Marami ng napapahamak na tao dahil dun so I decided na gawing exclusive school na lang ang Louvier." Sabi niya.
"Akala ko ba gusto mo ng pag kapantay pantay.? Eh anong tawag mo dito.? Hinihiwalay mo ang tao at mga Gods." Sabi ko.
"Alam ko pero mas importante ang kaligtasan ng mga tao." Sabi niya.
Pag katapos nun ay natahimik ang paligid.
Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Supremo Alexander. Lumakad ito sa table niya sa tabi lang din ng table ni Dad. Nakatingin ito sa akin."So I guess sinabi na sayo ni Ashton kaya ka andito." Sabi ni Supremo Alexander sa akin at umupo at sumandal sa kanyang chair at tumingin sa akin. Inaasahan na talaga nila na pupunta ako dito.
"Hindi si Kuya Ashton ang nag sabi. Si Kuya Raven." Sabi ko.
"So napaaga pala ang dating niya." Sabi ni Supremo Alexander.
"Buti pa bumalik ka na lang ng Enigma dahil wala ka na rin namang magagawa." Sabi sa akin ni Dad at tinignan ako. Tinignan ko rin siya. Bago ako umalis ay nag bow ako sa kanila at umalis na ng council.
AIMEE'S POV
Galing ako ng CR ng mapadaan ako sa faculty at narinig ang mga professors sa labas na nag uusap. Tumigil ako saglit at kunwari ay nag kakalikot ng cellphone. Pinakinggan ko sila sa pag uusap nila.
"Isasara na daw tong University.? Nalugi na raw." Sabi nung babaeng professor sa kausap niyang lalaki na professor din. Halata kasi sa uniform nila na professor sila dito.
"Talaga.? Sayang naman. Ang dami pa namang nag aaral dito." Sabi nung lalaking professor sa kausap niya.
After nun ay umalis na ako at bumalik na sa room. Pag dating ko doon tinitignan ko ang upuan ni Trevor at wala siya. Wala rin si Atheria. Saan kaya ang mga iyon.?
Umupo na ako sa chair ko at maya maya pumasok na ang last subject professor namin.
Ang dami ko pa naman gustong itanong sa kanya about sa narinig ko kanina kaso wala siya. Bukas na lang siguro.
YURA'S POV
Nandito pa rin ako sa mini office ko. Mag iisang oras na mula ng makita kong lumabas si Francy habang hila hila si Raven tapos ilang saglit pa nakita ko namang lumabas si Trevor galing din sa office ni Sir Ashton. Ano kayang problema nun at nag silabasan.?

BINABASA MO ANG
God's Of Deity
FantasyMeet Yura Gualvez. A fresh gradute who dreamed to work for Enigma- Bata pa lang siya gustong gusto na niyang mag trabaho dito. Kahit anong position ang ibigay sa kanya makapasok lang siya ay tatanggapin niya. Even when she was a kid, she always drea...