YURA'S POV
Nasa trabaho na ako ngayon. As usuall busy na naman ang lahat maliban sa akin. Walang inuutos eh. Bigla ko namang inaalaa yung nang yari dati. Yung tungkol dun sa folder. Parang may mali. Nag papasalamat ako na kinalimutan na lang ito ni Sir Ashton at ganun din si Sir Francy pero parang hindi ako kontento. May mali.
Ewan ko kung ano. Nasa mini office ko ako ngayon. Naka upo lang ako at nakatulala sa computer ko. Hinihintay ko lang kung anong iuutos sa akin. Nakakabored din pala ang walang ginagawa. Bumaba na lang ako ng cafeteria para kumain. Tamang tama hindi ako nag almusal kanina si Aimee kasi nag mamadali umalis ng bahay. Nitong mga nakaraang araw parang nakakapagtaka ang mga ikinikilos niya. Pag tinanong ko naman walang sinasabi. Ang weweird talaga ng mga pangyayari ngayon.
Pag baba ko ng cafeteria medyo unti pa lang ang tao. Wala pa kasing lunch. Omorder lang ako ng sandwich at juice at umupo sa pinaka malapit na vacant seat na nakita ko. Sinumulan ko ng kumain nang biglang nag ring ang cellphone ko. Pag tingin ko sa screen si mom lang pala.
"Hello anak.? Kamusta na kayo diyan ni Aimee.? Baka mextend ang trip namin ng dad mo kaya kayo muna ang bahala sa bahay. Mag iingat din kayo." Sabi sa amin ni mama. Nasa business trip na naman sila ulit ngayon. Simula ng nalaman nila na nahimatay ako eh lagi ng tumatawag sa amin si mom. Masyadong nag aalala.
"Ok lang kami ni Aimee. Wala kang dapat ipag alala." Sabi ko.
"Sige ingat kayo diyan ah. I have to go bye." Sabi ni mommy at inend na ang call.
Binalik ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at pinag patuloy ang pagkain ko. Ngayon ko lang narealize na ang ganda ng ambiance ng cafeteria. Actually parang hindi siya cafeteria kasi ang ganda. Maaliwalas at maganda parang mamahaling kainan ganun. Di aircon din.
Nang matapos na ako kumain tumayo na ako. Palabas na ako ng canteen na may isang magandang babae akong nasalubong. Alam kong magaganda ang mga tao dito sa Enigma pero yung beauty niya ang ganda talaga. Nakakatibo ang ganda niya. Palabas ako ng canteen at siya naman papasok. Sinundan ko siya ng tingin ang ganda talaga. Feel ko bago lang siya dito kasi ngayon ko lang siya nakita. Nagulat ako ng tumingin siya sa akin at ngumiti. Kilala niya ba ako para ngitian ng ganun.?
Pag katapos nun tuluyan na akong umalis. Bumalik na ako sa mini office ko. Pag balik ko may nakadikit na sticky note doon sa computer ko. Ang ganda ng penmanship. Binasa ko ang nakasulat doon.
Meet me in the parking lot.
-AshtonYun ang nakalagay sa sticky note. Bakit niya ako pinapapunta sa parking lot.? May meeting ba.? Kung meron dapat alam ko, malamang secretary niya ako eh. Kinuha ko ang listahan ng schedules ni Sir Ashton na nasa akin at tinignan ito ng mabuti. Wala naman siyang meeting ngayon kasi halos buong Enigma busy sa hindi ko alam na dahilan. Nag kibit balikat na lang ako at bumaba ng parking lot. Pag baba ko agad kong nakita ang black na kotse ni Sir Ashton. Nakatayo ito sa tabi nito at nakatingin sa akin ng diretso. As always ganun naman tumingin yun. Nilapitan ko siya.
"Bakit niyo po ako pinapunta dito Sir.? Wala ka namang kahit anong meeting today." Sabi ko at tinignan siya.
"May pupuntahan tayo. Basta sumakay ka na." Sabi sa akin ni Sir Ashton at sumakay na siya sa kotse. Ganun din ako. Saan kaya kami pupunta.?
Pag pasok ko sa loob ng kotse ikinabit ko ang seat belt ko ng mabuti. Alam ko naman kasi kung paano siya mag patakbo. Kumapit ako ng mahigpit sa seat belt ko at ipinikit ang mga mata ko. Handa na akong hindi makapasok bukas pag nag kataon. Inistart na niya ang kotse. Nag simula na siya mag patakbo pero hindi katulad ng dati. Aba nag improve ang pag mamaneho niya. Hindi na siya kaskasero. Buti naman. Tahimik lang kami sa kotse. Tinitignan ko lang ang mga dinadaanan namin sa bintana. Wala akong ideya kung saan kami pupunta.

BINABASA MO ANG
God's Of Deity
FantasyMeet Yura Gualvez. A fresh gradute who dreamed to work for Enigma- Bata pa lang siya gustong gusto na niyang mag trabaho dito. Kahit anong position ang ibigay sa kanya makapasok lang siya ay tatanggapin niya. Even when she was a kid, she always drea...