抖阴社区

24.

13 1 1
                                    

YURA'S POV

Nasa office na ako.  Andito si Ayesha sa tabi ko at simula pag kadating ko dito kanina ay wala na siyang ibang bukambibig kundi ang mga nangyari kahapon.  Tuwang tuwa siya at kilig na kilig.

"Ang bait talaga ni Sir Montero.  Tsaka alam mo ba hinatid niya ako kagabi sa bahay kasi nag extend yung kameeting niya kaya ginabi kami. Ang saya ko talaga girl. " Sabi sa akin ni Ayesha na halos parang nabudburan ng glitters ang mga mata sa pag dadaydream at pag kurap.

Habang nag kwekwento siya nakikinig lang ako.  Ayaw ko na mag tanong dahil alam kong hahaba na naman ang usapan namin.

Natigil ang usapan namin dahil biglang may inutos kay Ayesha.  Halatang gusto niya pang mag kwento pero hindi na pwede kasi trabaho muna.

Mag isa na lang ako sa cubicle ko.  Maya maya nakita kong papunta dito si Sir Montero sa pwesto ko. Nakangiti siya sa akin at parang may gusto siyang sabihin sa akin pero nahihiya siya.

"Hi,  pwede ba lunch tayo together mamaya.? " Sabi niya sa akin at napa kamot pa sa ulo niya. Halatang nahihiya siya.

"Sige po. " Sabi ko.

"Sige puntahan na lang kita dito maya. " Sabi niya sa akin at umalis na sa harapan ko.

Sa totoo lang nabobother ako sa kabaitan at pag kafriendly niya sa akin.  Ganun naman siya sa lahat ng staffs niya pero parang sobrang bait niya sa akin.

Gusto ko rin sana mag isa ngayon pero nahiya naman akong tumanggi. Sigurado ako na kapag nalaman yun ni Ayesha ay mag wawala yun at sasabihin niya na inaagawan ko siya.  The Heck.!  Friend lang talaga ang tingin ko sa kanya.

AIMEE'S POV

Nasa school na ako ngayon.  Actually nag lelecture ang professor ko ngayon pero hati ang atensyon ko. Inaalala ko kasi yung sinabi sa akin ni Atheria na mag shopping daw kami together.  Actually excited ako.  Pwede daw namin gawin yun pag katapos ng klase or week ends.  Sa totoo lang gusto kong sumama pero parang ayaw ko.  Naguguluhan ako.  Gusto kong sumama dahil mag shoshoping kami at libre niya pa.  Ang hirap tumanggi di ba.? And the reason why I excited the most is......... I want to see him.

Nag focus na ako sa lecture at baka tawagin ako at wala akong masagot. Hanggang ngayon inaalala ko pa rin yung sinabi sa akin ni Trevor kagabi.  Masaya ako pero in the same time malungkot.

Nasabi kasi sa akin ni Atheria kagabi na kaya daw ginawang exclusive ang Louvier University ay dahil sa aming mga tao.  Gusto daw ng council na putulin ang ugnayan ng mga tao at Gods para na din daw sa kaligtasan namin. Kahit kailan talaga hindi pwede mag sama ang isang God at tao.  Yun din ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi kay Ate Yura ang mga nangyari kagabi.  Alam ko rin kasi na mahal na ni Ate Yura si Kuya Ashton kaya dapat hanggang maaga pa ay wag na kami mag karoon ng ugnayan pa sa kanila.

Natapos ang first subject namin.  Absent ang next professor namin kaya ibig sabihin free time. Naramdaman ko naman sa skirt ko na nag vibrate ang cellphone ko.  Pag tingin ko nag text si Atheria.

"Bonding tayo maya. 3 pm uwian mo di ba.? Same lang sa amin. Shopping tayo punta ka sa bakanteng lote hintayin mo ako. Libre ko. "

Yan ang ang sabi sa text.  Napasandal ako sa upuan ko at napabuntong hininga. Pupunta ba ako.?  Paano pag andun siya.?  Anong gagawin ko.? Bahala na nga.

Dumating ang lunchtime at pumunta na ako sa canteen.  Umorder lang ako ng sandwich at juice.  Umupo  ako sa pinaka malapit.  Medyo maaga pa kasi kaya medyo unti pa ang tao.

God's Of DeityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon