Chapter 22-Guilt
Shanelle's POV
It's Monday. Wala kaming pasok dahil holiday. Kaya nga kahit 9:00 AM na ay nakahiga pa rin ako sa kama ko.
My cell phone rang. Kinuha ko iyon sa bedside cabinet ko and turned it off. Kanina pa kasi iyon ring nang ring dahil sa mga tawag ni Mommy.
Since I learned about the arranged wedding ay palagi na nila akong tinatawagan ni Daddy. Sinabi na kasi ni Auntie sa kanila na alam ko na ang tungkol doon. They tried to reach me through cell phone calls but I always rejected them. Pati nga sa landline tumatawag din sila pero hindi ko pa rin sinasagot kahit nahihiya na ako kay Auntie. Hindi pa rin ako handa na makausap sila. Until now masama pa rin ang loob ko dahil hindi man lang sumagi sa isip ko na magagawa nila akong ipakasal just for the sake of gaining money, for the sake of fame, for the sake of gaining power.
Granted na childhood friend ko ang gusto nilang ipakasal sa akin, pero lalo lang sumasama ang loob ko kapag naiisip ko kung paano ako itrato ni Bryan dito. Simula noong dumating ako, palagi niyang ipinaparamdam sa akin na hindi na lang sana ako bumalik dahil ayaw na niya akong makita at makasama. Wala siyang pakialam kahit na nasasaktan ako tuwing inaangilan niya ako o sinisigawan, o kaya naman kapag tinitingnan niya ako ng masama.
Hindi man lang niya kino-consider ang mga nararamdaman ko. Hindi lang naman siya ang nasasaktan at napipilitan lang na sumunod sa kagustuhan ng mga magulang namin ah. But the way he reacts about the wedding, para bang isa lang akong napaka walang kwentang tao na ipinagpipilitan na ipakasal sa kanya. Pakiramdam ko para akong basura sa paningin niya na pinandididrihan niya to the point na ayaw na niya akong makita kaya mas gugustuhin pa niyang tumira mag-isa sa condo niya para lang maiwasan ako.
My thoughts were cut off when somebody knocked on my door. I sat up and leaned back on my headboard. Ayoko pang tumayo. Mga katulong lang naman ang pwedeng kumatok dahil nasa Hong Kong si Auntie for a business trip.
"Come in," I shouted.
Bumukas ang pinto pero hindi katulong ang pumasok.
"I'm bored," Kyle stated while walking towards my bed.
"Me too," I said in response.
He stared at me. "I want to see Bryan."
Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Kung wala ako rito, I'm sure Bryan would be here with him. Pero dahil sa pag-iwas nito sa akin ay nadadamay pati ang relasyon nilang magkapatid.
"Pupunta ako sa mall. Gusto mong sumama?" Sabi ko na lang kahit wala naman akong balak lumabas ng bahay ngayong araw.
"Can I?"
I smiled at him. "Of course. Let's eat breakfast first?"
He nodded kaya tumayo na ako. Naglalakad na kami palapit sa pinto when somebody knocked again from the outside.
I opened my door.
"Ma'am Shanelle, phone call po from Ma'am Magnolia," sabi ng maid na si Annie habang inaabot sa akin ang telephone handset.
Kinuha ko iyon. "Thanks," sabi ko bago siya lumayo. Itinapat ko sa tainga ko ang receiver. "Hello, Auntie."
"Shanelle!" parang balisa na sigaw nito sa kabilang linya.
Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko ay hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya sa akin. "Auntie?"
"Shanelle, your phone's off. Hindi ka namin matawagan. I just received a phone call from your mother. She said they had to rush your dad to the hospital —"
"What!" I cut her off. Parang sinipa ang dibdib ko sa sobrang kaba. My mind began to panic as worry struck me. "B-bakit daw po?"
"Bigla na lang daw nag-collapse. Wala pang findings dahil nasa ER pa raw ang daddy mo ngayon."
My tears began dripping. Hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng buong katawan ko lalo na ng mga tuhod ko.
Heto ako at puro ang sama ng loob sa kanila ang iniisip. Heto ako at tinitiis silang hindi kausapin. Heto ako at pilit pinatitigas ang puso ko sa kanila without even thinking na baka dahil sa pag-aalala nila sa naging reaction ko tungkol sa arranged married ay naging cause iyon para ma-stress si Daddy kaya bigla na lang siyang nagkasakit.
Pakiramdam ko parang napaka walang kwenta kong anak para hindi maintindihan na gusto lang naman nila na mapabuti ako.
"Shane, are you still there?" tanong ni Auntie sa kabilang linya.
"Y-yeah," it was almost a whisper.
"Shane, please kausapin mo na ang mommy mo. She needs you now very badly," she pleaded.
"Pwede po bang umuwi muna ako sa California ngayon? I just want to be with my dad and mom," I sobbed.
"Of course, Sweetie. Go and fix your things already. I will tell my secretary there to book you for a flight to California."
"Thank you po."
"You take care, okay?"
"Opo."
"Don't worry about Mikylan. I'll just ask Stan to send him to his aunt for a while. Balitaan mo agad ako sa condition ng daddy mo, okay?"
"I will. Thank you po ulit."
Nang mawala na sa kabilang linya si Auntie ay binalingan ko agad ang kanina pa nagtataka sa tabi ko na si Kyle. I stooped down. "Sorry, Mickey. I need to go to my dad. He's in the hospital right now."
He smiled at me. "Yeah, I understand. I hope your dad get well sooner."
Mabilis akong naghanda ng mga dadalhin ko. Inihatid muna ako ni Kuya Stan sa airport bago niya dalhin si Mickey sa tita nito.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Naupo ako sa isa sa mga upuan sa transit lounge ng NAIA habang naghihintay sa flight ko. Mahigit isang oras pa ako maghihintay bago mag-board.
Kinakabahan, natatakot, nag-aalala...Halo-halo na ang nararamdaman ko para sa daddy ko pero mas lamang pa rin ang nararamdaman kong guilt. Ang daming what ifs sa utak ko. What if hindi ako nagalit? What if inintindi ko na lang sila? What if hindi ko sila tiniis? Baka okay pa si Daddy ngayon. Baka Masaya si Daddy ngayon dahil tanggap ko ang decision niya. Wala sana sa ospital si Daddy ngayon.
Naninikip ang dibdib ko sa sobrang kaba. Paano kung may mangyaring masama kay Daddy dahil sa akin? Hindi iyon kakayanin ng konsensya ko. Habambuhay kong sisisihin ang sarili ko pag nangyari iyon.
Naramdaman ko na naman na tumulo ang mga luha ko sa dalawang kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. Ni hindi ko magawang tawagan si Mommy para kamustahin ang condition ni Daddy dahil natatakot ako at kinakain talaga ako ng matinding guilt dahil sa mga ginawa ko.
I bowed my head while crying silently and tightly clenched my trembling hands. Nagulat pa ako nang biglang may kamay na humawak sa left fist ko. I looked up quickly and never expected to see Bryan sitting beside me, looking intently at me, concern written in his eyes.
"I'm sorry about what happened," he said softly.
I sobbed gently after hearing those words coming from him. I don't know what came over me. I just found myself drawing close to him then sobbing gently on his shoulder as he enveloped me inside his arms. I immediately felt comfort. Hindi ko na naisip ang sitwasyon naming dalawa. Hindi ko na naisip ang nararamdaman niya para sa akin. Basta ang alam ko lang, sa mga oras na ito ay medyo napanatag ako masaya ako dahil sa kabila ng pagkainis niya sa akin ay nagpunta pa rin siya rito para damayan ako.
03.13.17

BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...