抖阴社区

Chapter 47

21.4K 414 70
                                    

Chapter 47-Forgive Me

Cole's POV

"I screwed up, man." I said softly while looking down. I cannot even look at Bryan and Shane's faces as they gave me their pitiable gazes.

Nandito kami ngayon sa living room nila at kakatapos ko lang ikwento ang mga nangyari sa amin ni Kamy kanina.

"Baby, did you know about Kameryn and Ace's plan?" Bryan asked.

Nakita kong umiling si Shane. "No. Nagulat nga rin ako sa mga sinabi n'ya," She took a quick glance at me, "Wala kaming alam ni Haley na nagpe-pretend lang pala sila."

"The last time na nagkita kami noon sa Blue Galaxy two weeks ago, I was so damn jealous with the two of them. Sobrang sweet nila tingnan na dalawa. Tapos noong biglang nagpaalam si Kamy na uuwi na, I could feel that something was wrong with her kaya noong umalis sila ni Ace, sinundan ko sila and I saw them hugging each other in the parking lot. Nagtatawanan pa nga sila. That's why I thought na baka sila na. Damn, kung alam ko lang na magpinsan sila."

"Kung alam mo lang na magpinsan sila then what, Cole? Babalik ka lang sa dati mong treatment kay Kameryn. You will always be by her side pero hindi mo pa rin sasabihin sa kanya na gusto mo siya. No. Scratch that. Hindi mo pa rin aaminin sa kanya na mahal mo rin siya." Sabi ni Bryan.

"Wala naman akong sinabing mahal ko siya." Sabi ko sa kanya.

"But the way you are acting whenever you are with her says otherwise."

Tumango-tango si Shane sa tabi niya. "Hindi ko alam kung nagmamanhid-manhiran ka lang, Cole. Buti pa kaming lahat alam namin kung ano ang totoong nararamdaman mo para kay Kamy. But you and Kamy were so oblivious about that. At ikaw, bakit hindi mo maamin sa sarili mo ang totoo?"

Bago pa man ako makasagot ay naunahan na ako ni Bryan. "Because he was afraid."

Napatingin si Shane sa kanya. "Afraid?" she frowned.

"Naduduwag siyang aminin sa sarili niya ang totoong nararamdaman niya."

"Tsss..." I reacted. "Ikaw na maraming alam tungkol sa 'kin."

"Seriously, Cole. Alam ko naman na kaya ka nagkakaganyan ay dahil pa rin sa issue mo kay Jenny."

Napanganga si Shane saka napatingin sa akin. "Gusto mo pa rin si Jenny?'

"Hell, no! Hindi ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan in the first place." Mabilis na sagot ko.

"Alam ko naman na natatakot kang harapin ang feelings mo for Kameryn dahil natatakot ka nang masaktan ulit. But we are talking about Kameryn here—ang babae na ginawa ang lahat for the past six years para lang mapansin mo at walang ibang ginawa kundi mahalin ka. That was something, man. Saan ka pa makakakita ng katulad niya these days? Kahit naman may pagkaluka-luka 'yon, sa 'yo naman siya nababaliw. Kaya bakit ka matatakot na iwanan niya. Hindi ka pa ba natuto sa mga pinagdaanan ko? Dahil sa kaduwagan ko na aminin sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko, nasaktan ko pa tuloy 'yong babaeng mahal ko."

"Sino 'yon, Bryee?" Shane asked, tugging on Bryan's shirt, faking innocence.

He smirked at her. "No other than..." then he pecked Shane's lips.

Shane blushed right away.

--___-- okay, sila na ang sweet.

"I really can't believe na ang coward n'yong dalawa." Shane told us. "Buti pa si Claive at Blaise na puro kalokohan at pambabae ang alam gawin noon—"

"Ngayon mga under na." Bryan continued.

Inirapan siya ni Shane. "At least silang dalawa, hindi nila itinatago ang totoong nararamdaman nila. Very vocal silang dalawa kahit na palagi n'yo pa silang inaasar sa pagiging under nila. And they're not afraid to show their real feelings. Pati pambababae nila nagawa nilang tigilan dahil sa love na 'yan. Eh kayo?"

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon