抖阴社区

Chapter 54

16.6K 319 10
                                    

Chapter 54-Endless Surprises

Shanelle's POV

"Ready for your next surprise, baby?" nakangiting tanong ni Bryan habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa dito sa living room. Pagkatapos namin mag-lunch ay dito kami dumiretso para magpahinga.

Napatulala tuloy ako sa kanya.

Natawa sila Mommy at Daddy sa kabilang sofa. "Hindi na yata kinakaya ng utak niya ang dami ng mga surprises mo simula pa lang kahapon na nag-propose ka." Sabi ni Daddy sa kanya.

Paano naman kasi kasasabi lang nila sa akin na dito na ulit sila titira for good sa Pilipinas. Tapos biglang sasabihin na meron na naman sorpresa.

Tumayo si Bryan at inilahad ang kamay sa akin. "Let's go?"

Inabot ko naman ang kamay ko sa kanya. Naglakad kami palabas ng bahay. Kasunod namin sila Mommy sa likuran namin.

"Can we join also?"

Nagulat pa kami nang paglabas namin ng bahay ay isang ngiting-ngiting Mommy Magz at nakabusangot ang mukha na Mickey ang sumalubong sa amin.

–___– "Do we have another choice?" masungit na sabi ni Bryan.

"Lagi ka na lang ganyan sa akin, anak." Nakalabing sabi ni Mommy Magz.

"Cut out all your dramas, Mom. It doesn't suit you." At mas masungit na sabi ni Mickey.

Nagkatawanan tuloy kami.

"Mga anak ko ba talaga kayo ha?" singhal niya kila Bryan at Mickey.

"Hi there, Kyle!" bati ni Mommy sa masungit pero cute na bata sa tabi ni Mommy Magz with arms wide open.

Noon ko lang nakitang ngumisi si Kyle ng ganoon saka patakbong lumapit kay Mommy. "Mommy Shin-shin!" Yumakap pa talaga siya kay Mommy.

–____– Okay? Masyado lang ba talaga akong disoriented sa dami ng mga problema ko noon para hindi mapansin na ganito pala ka-close si Mickey sa mommy ko? In fact kahit pinupugpog siya ng halik ni Mommy sa pisngi, tawa pa nga siya ng tawa! Wait! Stop! Oo, tumatawa talaga si Mickey! Oh my shocking boo! Magugunaw na yata ang mundo!

"Ipapahanda ko na talaga kay Attorney ang adoption papers mo, Kyle." Nakangusong sabi ni Mommy Magz.

-_- "Okay." He answered then turned to my mom again. ^_^ "You're gonna be my new Mommy now."

Hindi ko na napigilan ang pagtawa ng malakas nang makita kong parang gigil na gigil si Mommy Magz kay Mickey habang enjoy na enjoy naman ang magaling na bulilit sa pang-aasar sa mommy niya.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Nandito na kami sa labas ng gate namin.

"Bryee, saan ba talaga tayo pupunta?" kanina pa talaga ako naku-curious sa sinasabi niyang sorpresa.

Hinila lang niya ang kamay ko papunta doon sa old Schmidt mansion.

"Do-don't tell me binili mo rin 'to?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya ng matamis. "Nope!"

"Sir Bryan! Ma'am Magnolia!" malakas na bati ng guard bago kami pinagbuksan ng gate.

Ano na naman ba 'to? Nagtatakang tanong ko sa sarili ko habang naglalakad kami sa driveway papunta sa harap ng bahay. Ang laki na ng ipinagbago ng paligid pero mas lalo pang gumanda kaysa noong huli akong nakapunta dito bago kami umalis papuntang California.

Huminto kami sa tapat ng malaking front door. Napatingin ako kay Bryan na nakatitig din sa pinto. Itatanong ko sana kung bakit pero naramdaman kong may inilagay siya sa kamay ko na kanina lang ay hawak pa niya.

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon