抖阴社区

Chapter 73

14.4K 279 14
                                    

Chapter 73- Mini Me

Bryan's POV

"Your baby is in perfect shape. Very healthy so no need to worry. Just more than a month at mahahawakan n'yo na rin siya." Nakangiting sabi ni Tita Beatriz sa amin after my wife's ultrasound.

Ako naman ay hindi mahugot ang tingin mula sa monitor. Ganito ako palagi tuwing ultrasound ni Shane. Lagi na lang akong napapatulala sa monitor at namumula ang mga mata. Hindi ko kasi mapigilan ang emotion ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na nakagawa kami ng isang napaka-amazing na creature sa loob ng tiyan niya.

"Tita, pwede n'yo na po bang sabihin sa amin ang sëx ng baby namin? Gusto na po naming malaman." I heard her asked Tita Beatriz.

"Really? What made you change your minds?"

Sinabi niya ang mga dahilan na sinabi rin niya sa akin kaninang breakfast.

"Okay. Actually, your baby is a healthy little boy."

Damn! And I really wanted to cry right now. Okay lang naman sa akin kahit na ano pa ang sex ng baby namin pero mas gusto ko talaga na maging boy ang first baby namin para pag nagkaroon na kami ng princess namin in the future ay mag-aalaga sa kanya tulad ng pag-aalaga ko sa mommy nila noong bata pa kami.

I gently tore my gaze away from the monitor to look at my wife still lying on the bed. "Hey, we have a boy, Shanee."

Ngumiti rin siya sa akin at naiiyak na rin.

"Do you want to see now kung sino ang kamukha niya?" Nakangiting tanong ni Tita sa amin. Last month pa kasi siya nag-suggest ng isang 4D ultrasound para makita raw namin kung ano ang totoong itsura ng baby namin pero tumanggi kami. Gusto nga kasi ni Shane na maging surprise ang lahat.

But this time when I looked at her, she smiled at me and said, "What do you think?"

"Masaya na akong malaman na boy siya. But if you want, mas okay sa akin siyempre."

Kaya nga pumayag na kaming isagawa ang 4D ultrasound na iyan. Ngayon lang ulit ako naging ganito ka-excited simula noong ikinasal kami ni Shane.

I was biting my lip while waiting for the image of our baby in the monitor to be cleared. And I was unconsciously holding my breath habang palinaw ng palinaw iyong image. I held Shanee's hand habang unti-unting nabubuo iyong image. And when we finally got the clear view of our baby, tuluyan na bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. He was so amazing and I can't believe that I can already see his face now.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Shanelle's POV

Gusto ko nang sampalin ang mukha ni Bryan habang nandito kami sa loob ng kotse. Ilang minuto na kasi kami dito pero hanggang ngayon ay nakatulala pa rin siya. Hindi siya maka-move on sa mga nakita niya.

"Bryee, gutom na 'ko." Nakanguso kong sabi sa kanya.

Lumingon siya sa akin tapos ngumiti. "Baby, I can't believe I finally see him that close."

Napangiti na rin ako. Nakakahawa ang sobrang pagiging enthusiastic niya. "Oo nga eh. Lakas ng dugo mo. Wala man lang kinuha sa akin."

Natawa siya saka kinuha ang kamay ko at hinalikan. "Hey, he got your lips. Parang ang sarap tuloy niyang halikan."

Namula talaga ako sa sinabi niya kaya pabiro ko siyang hinampas sa braso niya. Tinitigan ko ang sonogram picture ng baby namin sa kamay ko. Oo nga, iyong lips ko lang talaga ang nakuha niya. Pero hindi pa namin sigurado sa mata dahil nakapikit pa si baby. "Sana makuha niya rin ang eyes mo, Bry."

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon