Chapter 75- Bitter Escape
Kameryn's POV
"Wake up! Breakfast in bed!"
Pinilit kong idilat ang mga mata ko pero agad ko rin ipinikit. Ang hapdi kasi.
"Bangon na!" malakas na sigaw ni Arez.
Naramdaman ko na lang na hinihila niya ako paupo tapos isinandal niya ako sa headboard ng kama ko. I groaned. Wala naman akong hangover pero ang sakit ng ulo ko.
"Oh." Inilapag niya ang isang tray sa kandungan ko. "Cheesy omelette na favorite mo."
Napatitig ako sa pinggan. "Ows?" Dati isang mahabang pilitan at kulitan pa ang mangyayari bago niya ako ipagluto ng super favorite kong cheesy omelette niya, pero ngayon inihahain pa mismo niya sa harap ko? "Ano'ng meron?"
Umupo siya sa gilid ng kama ko paharap sa akin. "You tell me, Kamy. Ano'ng meron?"
Nagbaba na lang ako ng tingin. "Pag 'di ka tumahimik, hindi ko kakainin 'to."
"Pinagbantaan mo pa 'ko. Alam ko naman na hindi mo matitiis na hindi kainin 'yan."
Ngumuso ako. "Buti alam mo." Sabi ko saka nagsimula lang lantakan ang cheesy omelette niya. Oo, lantak talaga ang term dahil bukod sa super favorite ko ito ay super gutom na rin ako.
"Natapos mo na 'yong case study mo para kay Mrs. Mariano?"
Nilunok ko iyong nginunguya ko. "Bakit? Mangongopya ka 'no?"
"Igagaya mo pa 'ko sa 'yong tamad. Nasa'n na?"
"Nasa ibabaw ng desktop ko. Bakit ba?"
"Ipapasa ko. Hindi ka muna raw papasok sabi ni Mommy. Isasama ka raw niya sa Pangasinan."
Nanlaki ang mga mata ko. "Holy Mac! Really?" Ano ba talaga ang meron? Dati ayaw na ayaw kong isama ni Mommy sa business namin doon dahil maa-absent daw ako sa school tapos magigising na lang ako ngayon na pupunta sa Pangasinan? Hell yeah!
"Kaya nga bilisan mo. Aalis na daw kayo within an hour."
Mabilis kong inubos ang breakfast ko saka mabilis na naligo. And off we go to Pangasinan! Yeepee!
~~~
"Ang dami kasi ng mga aasikasuhin ng Daddy mo sa Lewis Gardens kaya solo ako ngayon pupunta sa branch natin sa Pangasinan. Sabi niya isama raw kita para may kakwentuhan ako sa biyahe." Sabi ni Mommy habang nagda-drive dito sa NLEX.
"Wow naman. I feel so special and wanted. Second option lang pala ako." Sarkastiko kong sabi at natigilan ako. Second option lang pati sa puso ng boyfriend ko. Boyfriend pa nga ba o ex-boyfriend na?
Mommy patted my thigh. "Dramatic actress. Manang-mana ka talaga sa akin. May sandwiches sa backseat. Kain ka na lang."
"'Yan ang gusto ko sa 'yo, Mommy. Pinatataba mo ako." Kinuha ko iyong sandwiches na sinasabi niya at nagsimula nang kumain. Sinusubuan ko na lang si Mommy para pareho kaming busog.
Nasa may part ng Pampanga na kami nang maisipan kong buksan ang cellphone ko na in-off ko last night. Puro quotes at good morning messages lang naman ang pumasok pero may tatlong text messages ang kumuha ng atensiyon ko.
Cole My Loves 6:07AM
Morning, Kamy! :)
May good ba sa morning pagkatapos ng mga ginawa niya kagabi? Hindi man lang ba siya nagi-guilty na niloloko niya ako at nakikipagkita pa pala siya sa Jenny na iyon at nakikipag-date pa, tapos nakikipaghalikan? Kapal naman ng mukha niyang magsabi ng good morning.

BINABASA MO ANG
Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)
Teen FictionI wrote this story 4 years ago during the time na wholesome pa yung utak ko at puro teen fictions pa lang yung binabasa ko rito sa watty. Hahaha! Kaya ito po ay teen fiction. Naisipan ko lang i-upload dito para di naman masayang yung effort ko sa ka...