抖阴社区

                                        

"Hmm? Bakit naman? Mas okay nga kung mata mo ang makuha niya para mas masarap siyang titigan." At ngumisi pa talaga ang loko.

"Kasi ang mga mata mo ang pinaka gusto kong part ng mukha mo."

Tumaas ang mga kilay niya at lalo pang lumawak ang pagkakangisi. "Hindi lips ko?"

Nahampas ko na naman siya. Pakiramdam ko sobrang pulang-pula na talaga ang mukha ko. "Maganda kasi yung eyes mo saka sobrang expressive. Kahit hindi ka nagsasalita, tumingin ka lang sa akin alam ko nang mahal na mahal mo ako." Then I bit my lip. Nakakahiya! Feeling ko nag-init ng husto ang buong mukha ko.

Natawa siya ng malakas. "At idagdag mo na rin na adik na adik ako sa 'yo."

He winked at me. Duh! Bakit ba sobrang gwapo ng asawa ko at talagang sobrang kinikilig ako?

Kinuha niya ang sonogram picture sa kamay ko. "Mini me." Nailing na sabi niya. Kinuhanan niya iyon ng picture gamit ang cellphone niya at pinost sa facebook niya with his new status: "Proud daddy here with his Mommy Shanelle." Tinag niya iyon sa akin pati kay Daddy, Mommy, Mommy Magz, even kay Mickey, at sa barkada namin.

"Uulanin na naman iyan ng sobrang daming likes at comments." Nailing na sabi ko. Everytime kasi na nagpapa-ultrasound ako ay palagi niyang pino-post sa facebook niya ang sonogram pictures ng baby namin at palagi iyong inuulan ng mga likes at comments. Tinitigan ko ang copy ng video ng 4D ultrasound ko kanina sa kamay ko. Tama siya. Sobrang nakaka-proud talaga.

Ngumisi siya. "Schmidt eh. Kaya wag ka nang magtaka." Mayabang na sabi niya saka tinitigan ang picture ng baby namin. "Siguradong maraming mahu-hook sa 'yo paglabas mo kaya ikukulong kita sa room namin para lagi kitang masosolo."

Natawa naman ako sa sinabi niya. He's right, marami nga ang mahuhumaling kay baby dahil kami nga ay hook na hook na sa kanya.

He smiled at me and bent down to kiss my big tummy. "See you soon, Little One. Can't wait to hold you in my arms." He said while caressing my stomach.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

After our dinner na si Bryan na naman ang nagluto ay umakyat na kami sa room namin para magpahinga. Sa totoo lang nagi-guilty na ako dahil palagi na lang siya ang nag-aasikaso sa akin. Pakiramdam ko, simula noong naging mag-asawa kami ay wala man lang akong nagagawa para sa kanya na dapat sana ay ako mismo ang nag-aasikaso sa kanya. Kaya talaga after ko manganak, ako naman ang mag-aalaga sa kanya. Babawi talaga ako sa kanya.

Dumapa si Bryan sa tabi ko, komportableng-komportable sa suot niyang boxer briefs. Nasanay na rin naman akong matulog na ganyan lang ang suot niya. Minsan nga wala pa eh. Oh my shocking boo! Censored thoughts!

"Sana palagi na lang holiday para buong araw kitang nakakasama." Tumagilid siya at yumakap sa akin. "What are you thinking, baby?"

"'Yong abs mo-ay gaga!" Nahampas ko siya paano biglang tumawa ng sobrang lakas tapos malapit pa sa tenga ko. Tanga, Shane! Tanga, Shane! Dapat tagala i-voice out 'yon?

"Grabe ka, baby. You're perving on my abs huh?" at tumawa na naman ng malakas ang loko.

Inirapan ko siya. "Tse!" Nakanguso kong sabi. Inabot ko ang cellphone ko. Walang text messages pero maraming facebook notifications. Binuksan ko ang facebook app ko. "Whoa! 1,758 likes and 825 comments. Ikaw na talaga, baby."

"Patingin!" Hinawakan niya ang kamay ko para iharap sa kanya ang cellphone ko. "Tsk! Gano'n talaga. Gwapo ang daddy kaya gwapo rin ang baby."

"Mahangin ang daddy. Wag sana manahin ni baby." Sabi ko at tawa siya ng tawa. Binuksan ko iyong mga comments. Grabe, ang dami talaga. Ang hirap mag-scroll ha. Karamihan sa mga nag-comments ay hindi ko naman mga kilala dahil puro mga friends ng mga tinag ni Bryan sa picture ni Little One ang mga iyon. Hinanap ko ang mga comments ng family and close friends namin.

Kameryn Jewel Lewis Holy macaroni! Congrats, Bessie! You got a he! He's so cuuuuuuuteeee! Pakurot pag labas niya. ^__^

"Shanee, remind me to keep our baby away from Kamy, okay?" sabi ni Bryan sa tabi ko.

Natawa na lang ako saka itinuloy ang pagbabasa ng comments.

Sheena Marie Quinn Oh he's so beautiful...tears of joy here, sweetie. I love him already. Printed copy of Bryan huh? Love you both!

Mikylan Reath T. Schmidt ♪London Bridge is falling down, falling down, falling down. ♪ Way cuter than Bryan. :P

Tawa ako ng tawa sa comment ni Mickey. Hanggang sa facebook kinakantahan pa rin niya ng London Bridge si baby.

Magnolia T. Schmidt Ahhhh! So cuuuuute! Really looks like my Bryan when he was still a baby. Congrats to both of you! :)

Edward Ross M. Quinn And a proud lolo here! Congrats, mga anak. Hugs and kisses!

Haley Krizia Sanchez Aweeee! So cute naman ng baby nyo, Shanelle and Bryan. Congrats! :D

Arez Jax Lewis Ang gwapo naman. Akin na lang paglabas. Haha! :D

Cole Jameson Montessa May i-spoilin na si Bryan nyan, Shanelle. Happy for both of you. Congrats! :)

Alyanna Erin Martinez Gwapong bata. Wag sana manahin ang kasungitan ng tatay. Hahahaha! Congrats, Shanelle and Bryan. :)

Blaise Ni Babe Haley Wow! Nagmana sa Tito Blaise! Kamukha ko oh! Wahahaha! XD

Claive Ni Iyah Sungit Hoy Blaise, tingin-tingin din sa salamin pag may time! That's blasphemy to the whole Schmidt family! Congratulations, Shanelle and Bryan! Would certainly break a lot of hearts when he gets older. Hehehe! :)

Tippy Jane Orteza Got yourselves a boy huh! Congrats, Bryan and Shanelle. XD

Ngiting-ngiti ako sa mga comments nila. "Ang kukulit nila."

Nakita kong kinuha ni Bryan ang cellphone niya at nag-open din ng FB niya at nag-type ng comment. Binasa ko iyon mula sa cellphone ko.

Bryan Kendrix Schmidt Hoy Blaise, kilabutan ka sa mga sinasabi mo! Gusto mo na bang mamatay ha?!

Shanelle Ainsley Q. Schmidt Pity Blaise. Hehehe! Thank you po sa lahat ng mga bumati. Love you all.

Bryan Kendrix Schmidt Hoy Shanelle, ako lang dapat mahal mo.

Shanelle Ainsley Q. Schmidt Love you so much, Bryee ko. Mwaaaaahhhhh! :*

Bryan Kendrix Schmidt Love you, Shanee! XOXO

Kameryn Jewel Lewis PDA alert on facebook! Wang wang wang!

Bryan Kendrix Schmidt Kameryn, baliw!

Kameryn Jewel Lewis Tse! Panget mo! >_<

Bryan Kendrix Schmidt Mas panget ka! :P

Shanelle Ainsley Q. Schmidt Hahahaha! Geh, away pa kayo! :D

Kameryn Jewel Lewis Cole oh, inaaway ako ng bestfriend mo. T­^T

Cole Jameson Montessa --____--

Kameryn Jewel Lewis Cole pagtanggol mo naman ako.

Cole Jameson Montessa --____--

Blaise Ni Babe Haley No comment si Cole. Wawa naman Kameryn. Bwahahahaha! :D

Kameryn Jewel Lewis Die, Blaise A-Jax! Die!

05.16.17

Relationship Status: Married but It's Complicated (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon