抖阴社区

                                        

"Sayang. Balak ko pa namang ilibre ka mamaya." Sabi ko. Bigla siyang lumingon sakin, "Joke lang, hahaha!"

Inirapan niya ko nung binawi ko yung sinabi ko.

Pagkatapos kumain dumiretso kami ng room.

"Hala! May assignment nga pala!" Sigaw ni Cads.

"Saan?" Gulat na tanong ni Reeses.

"Sa English." Sagot ni Cads kaya dali-dali kaming kumuha ng book sa english saka nagsagot nung assignment.

Bwisit naman oh!

_________________________________

Nung uwian dumiretso agad kami sa bahay namin.

Pagdating sa bahay nag-park muna kami ng kotse saka naglakad papuntang front door.

"Siguraduhin niyong hindi masungit mga magulang niyo ah! Nako talaga!"

Parang baliw 'to si Xiella. Kanina pa 'yan kinakabahan eh.

"Hindi nga." Sabay naming sagot ni Celix. Nagkatinginan kami saka niya ko inirapan.

Napailing nalang ako. Mamaya ko na 'to lalambingin. Hahaha!

Pagpasok sa bahay sila Moira saka Nics agad yung nakita namin. Remember them?

"Nasaan sila Mom?" Tanong ni Snow.

"Nando'n sa kusina." Sagot ni Moira.

"Hi! Celix ko! Bakit ka nakabusangot? Anyway, okay lang 'yan, gwapo ka parin naman." Sigaw ni Nics.

"By the way. She's Moira Keylah, my cousin." Sabi ni Aze sabay turo kay Moira, "And she's Nicole Cassy, Moira's friend." Dagdag niya saka tinuro si Nics.

"Hello!" Sabay na sabi nila Moira.

"Hi!" Sabi nila Zia.

"Tara na. Nasa kusina sila Mom." Sabi ko.

"Ang ganda ng bahay niyo." Sabi ni Reeses habang kumakain ng cookies.

"Syempre maganda yung nakatira." Sabi ko. Inirapan naman nila 'ko kaya natawa ako.

"Mom! Dad!" Sabay naming sigaw ni Celix.

Pagdating sa kusina nakita namin silang nag-aayos ng mga plato. Tapos yung mga lalaki nakaupo lang. Tss.

"Oh! Sila na ba 'yon? Hi, I'm Aze' father. Just call me Tito Pogi. Hahaha!"

"Wag niyong pansinin 'yan. May sapak talaga ang tatay ni Aze. I'm Snow's mother, call me Tita Ally. And call him Tito RD, okay?"

Nagpakilala na isa-isa sila Mom.

Umupo kami sa lamesa saka nagsimulang kumain.

"So, who's Lux?" Tanong ni Mom.

"I'm Lux po, Tita Ced." Sagot ni Lux.

"What's your whole name?" Tanong ulit ni Mom habang nakangiti.

"Luxury Voltaire Lavigne po."

"Luxury... Siguro gwapo tatay mo." Sabi ni Mom kaya napatingin si Dad kay Mom habang nakataas ang kilay.

Tumingin sakin si Mom na parang sinasabing sumakay ako sa pang-aasar niya kay Dad.

"Ay oo. Ang gwapo ng tatay niya Mom. Nakita ko sa picture. Hawig sila ni Lux." Sabi ko kahit na hindi ko pa naman talaga nakikita, hahaha!

"Ilang taon na ang papa mo, Lux." Tanong ni Mom.

"38 years old po."

"Oy, Mom. Magkasing-edad lang kayo, hahaha! Pwede, hahahaha!" Sabi ko.

Unpredictable ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon