Jhaixe
* The next day *
Sabay-sabay ulit kaming pumasok kinabukasan. Lagi naman eh. Ano naman kaya ang mangyayari ngayon? Naalala ko pa kagabi sila Tito Mark.
* Flashback *
Nung natapos namin yung kinakain namin nagtakbuhan agad kami papunta sa bahay nila Tita Ally. Tinext na rin namin sila Mom saka Dad para pumunta din sila kela Tito Jeff, ganun din sila Alas. Si Celix na ang nagtext kela Tita Ange.
Hindi naman na nag-reply sila Mom.
"Hey! Where are we pupunta ba?" Nagtatakang tanong ni Nyebe.
"Malamang sa bahay niyo!" Sagot ko.
"What?!" Gulat na tanong nito, hahaha! Hindi na namin sila pinansin saka nagpatuloy sa pagtakbo papunta kela Tita Ally. Pagdating do'n, nakita na namin sila Mom na nakaupo sa sofa.
"Bakit niyo kami pinapunta dito?" Nagtatakang tanong ni Tita Agatha.
"Oo nga. Nagulat ako may mga kuto na sa sala namin. Akala ko nga tumubo eh." Pang-aasar ni Tita Ally. Syempre naman hindi pwedeng walang aangal.
"Kuto mo ulo mo. Garapata ka tanga. Hahahaha!" Sabi ni Tita Agatha at hindi mawawala ang pagtawa niya ng malakas.
"Garapata ako, askal ka. Okay lang." Bawi naman ni Tita Ally.
"Nag aaway na kayo d'yan eh hindi pa nga natin alam kung bakit tayo nandito." Sabi ni Tita Ange.
"Oo nga. Teka, Jhaixe. Wag mong sabihing magtatanan na kayo ni Lux." Sabi ni Tita Ally.
"Grabe ka naman, Tita Ally! May magtatanan bang magpapaalam? Tsaka hindi no! Bakit kami magtatanan eh legal naman kami." Sabi ko. Nakita ko pang namumula si Lux.
"Oo nga no." Sabi ni Tita Ally saka napatitig sa kawalan na parang may na-realize.
"Oo nga no, oo nga no ka d'yan. Ang bobo mo." Sabi naman ni Tita Hanny na ngayon lang nagsalita kasi natapos ng kumain ng chocolate niya. Nakita ko pa yung pangalan ni Cads sa balat nung chocolate.
"Tita Hanny pustahan bente hindi sayo yan." Ngumuso siya saka nagkibit balikat.
"Nakita ko lang kanina sa ref eh." Sagot niya.
"Kat, hindi nga 'ata sayo 'yan. May pangalan ni Cads oh." Bulong ni Tito Darryl na narinig naman namin.
"Oo nga no...? Wag kang maingay kay Cads ah." Sabi naman ni Tita Hanny kaya napatingin kami kay Cads na nakasimangot habang nakatingin sa magulang niya.
Buti nalang medyo mas matino si Cads kela Tita Hanny. Medyo lang kasi minsan may topak din 'yan eh, hahaha!
"Mamaya na nga 'yan. Dun muna tayo sa kung bakit tayo nandito." Sabi ni Tita Ange.
Umupo na kami sa sofa kaya tumingin sila samin. Nanahimik ang paligid.
"Ano na?" Sabay-sabay nilang tanong kaya tumingin kami kela Bato.
"Huy, ano na raw." Sabi ko. Namula sila parehas kaya naalala ko yung sinabi kong magpapaparty kami kasi nahiya si Bato. Mamaya isisingit ko 'yon, hahaha!
Tumingin naman sila kela Snow saka Rock. Natahimik ulit ang paligid hanggang sa nagsalita si Bato. Naks atapang atao, hahaha!
"Kami na ni Snow." Parang normal na sabi nito.

BINABASA MO ANG
Unpredictable ??
Teen FictionThis story is about a girl who knows how to predict EVERYONE'S future... except him... "Why are you so hard to predict?" - Jhaixe "She's open to everyone but there's something about her that remains untold." - Luxury Started: 01/15/17 Completed: 09...