抖阴社区

②③

5.5K 244 57
                                        

Jhaixe


Biglang nanahimik ang paligid. Hindi ko alam ang sasabihin ko at hindi pa 'ko makapagsalita dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas nararamdaman ko na.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Lux ng hindi ako sumagot. Sinubsob niya ang mukha niya sa gilid ng leeg ko kaya lalong bumilis tibok ng puso ko, to the point na parang ang hirap ng huminga.

"Please, Jhaixe. Let me court you. I'll do everything to make you happy." Bulong nito.

Lux... you're killing me.

"L-Lux." Nanghihinang tawag ko dito.

Humarap ako sa kanya saka sinubsob yung mukha ko sa dibdib niya saka siya niyakap ng mahigpit kasi nahihiya akong sumagot.

"May I know your answer, Jhaixe Cairine Clark? Will you let me court you?" Tanong ulit nito.

Mabilis akong tumango. Lalong humigpit yung yakap niya sakin at ramdam ko ang pagngiti nito.

"Thanks. Thank you, Jhaixe. Thank you." Paulit ulit nitong sabi. Napangiti nalang ako ng maramdaman ko ang saya sa boses niya.

Hindi ako makapaniwala. Alam kong hindi ako nananaginip dahil hanggang ngayon ramdam ko parin yung tibok ng puso ko. Si Lux... liligawan ako.

Lumayo si Lux sakin kaya kitang kita ko ang pula niyang mukha. Nagkamot ito ng ulo.

"Uhm... Can I kiss you?... In the cheeks, of course." Nauutal nitong sabi kaya ako naman an namula.

Akala ko naman kung saan. Sayang. Joke hahahaha!

Tumango ulit ako. Parang ang hirap magsalita ngayon.

Ngumiti ito ng malapad.

Dahil matangkad ito, kailangan niya pang yumuko para maabot yung pisngi ko at matagal iyong hinalikan.

"LUX! TARA NA! MAMAYA NA 'YAN. ALAM KONG EXCITED KA SA PANLILIGAW MO PERO KAILANGAN NA NATING MAG-AYOS. HAHAHA!"

Bigla kaming napatingin kami kay Xiella na sumigaw. Sa lakas ng boses nito malamang ay narinig na ng iba.

"Bakit sinabi mo sakanila?" Nakanguso kong sabi habang namumula.

Natawa si Lux saka kinurot yung pisngi ko.

"Sila ang pumilit sakin." Tagalog nitong sabi.

"O-okay. Tara na?" Pagyayaya ko. Tumango ito. Inilahad niya yung kamay niya na parang nagpapaalam kung pwedeng hawakan ang kamay ko.

Napangiti ako saka hinawakan yung kamay niya.

Pumasok na kami sa loob.

"Kyaaaaah! You're so maswerte, Jhaixe." Kinikilig na sabi ni Snow habang nagtatatalon at yakap ako.

Napatingin ako kay Rock na nakatingin kay Snow. Napatingin ito sakin kaya kinindatan ko siya na parang sinasabing 'ligawan mo na.'

Sinamaan niya 'ko ng tingin kaya natawa ako.

"Why are you tumatawa?" Tanong ni Snow. Umiling ako.

"Wala." Sagot ko.

"TARA NA'T MAG-AYOS!" Sigaw ni Xiella. Nagsigawan kami saka nagsimula ng mag-ayos.

________________________________

* After 4 hours *

Lahat kami nakahiga sa sahig habang nakatingin sa kisame. Pawis na pawis kami kahit tinodo na namin yung aircon. But at least natapos na namin yung music room.

Unpredictable ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon