抖阴社区

③⑥

4.6K 202 27
                                    

Hi TinaMaeJuan, this chapter is dedicated for you. Pasensya kung maedyo natagalan yung ud, hehehe. Anyway, ito na nga so enjoy reading! :)


Jhaixe

* Two days before the dance battle (Thursday) *

Alas siyete ng gabi nandito kami sa dance studio kasi inaayos na namin yung mga gagamitin namin sa sayaw, sa susunod na araw na kasi 'yon.

"Jhaixe natutulog ka ba sa tamang oras? May eye bags ka oh." Sabi ni Xiella.

"Ganyan talaga lahat ng magaganda, may eye bags, hahaha!" Sabi ko.

"Sus, ba't naman ako? Maganda pero walang eye bags." Sabi ni Alas kaya napatingin kami sakanya na nakasuot ng wig na hindi ko alam kung saan niya nakuha, naka pose pa siya ng peace sign.

"Kadiri ka naman Alas. Nakakakilabot ka." Sabi ni Zia.

"At least walang eye bags, hahaha!" Sabi pa ng g*go tapos nag pose na parang model, ay g*go nga.

"Pero bakit ka nga may eye bags, Jhaixe?" Tanong ni Cads.

"Baka hindi nakakatulog ng maayos kasi iniisip si Lux, hehehe." Sabi naman ni Reeses.

"Ano ba?! Inaano ba kayo ng eye bags ko? Jusko, pinagpuyatan ko 'yan kaya wag niyong pag usapan." Sabi ko.

"Hahahaha! Kingina mo." Tumatawang sabi ni Celix.

Tawa-tawa 'to. May nakakatawa ba?

"But Jhaixe, tell me honestly. Are you sleeping in the right time?" Napanguso ako sa tanong ni Lux, ang seryoso naman nito.

"Gusto kong matulog ng maaga pero hindi ko magawa kasi panay ang ihi ko tuwing gabi.

"Baka binabalisawsaw ka?" Tanong ni Xiella.

"Ewan." Sabi ko nalang saka niligpit na yung damit ko.

Nagpigil ako ng tawa ng tumayo si Rock. Ito nanaman po tayo, sa lahat ng gwapong tao na nakilala ko siya lang yung clumsy, hahahaha! Si author kasi eh, ang lakas maka fast forward. Hindi ko tuloy nakwento yung mga katangahan ni Bato, hahaha!

"Where are you pupunta, Rock?" Tanong ni Snow.

"CR." Sagot ni Bato. Hindi niya napansin yung wig na kinalat ni Alas kaya nadulas siya do'n at napaupo sa sahig.

"Wahahahahahahaha!" Malakas kong tawa.

"Ouch! F*ck!" Daing nito habang nakahawak sa pwetan niya.

"Bato naman! Hahaha! Wala na bang lunas dyan?" Tanong ni Alas kaya sinamaan siya ng tingin ni Rock.

"Ikaw ang may kasalanan nito! F*ck, ang sakit." Sabi pa nito saka tumayo.

Iika-ika itong nagpunta sa banyo kaya natawa ako.

Lagi naman akong natatawa eh.

Whatever.

"Ang putla mo Snow." Sabi ko habang nilalaro yung mga daliri ni Lux. Bakit kaya ang puti ng kamay nitong lalaking 'to? Maputi din naman yung akin pero nagtataka lang ako kasi karamihan sa lalake hindi ganto kaputi yung kamay.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong ni Lux habang nakatingin sa ginagawa ko.

"Wala naman, hehehe." Sagot ko saka nginitian siya ng matamis. Ngumiti rin siya saka ginulo yung buhok ko. Tumingin siya kay Snow.

"Are you sick?" Tanong niya. Umiling si Snow.

"Inaantok lang ako." Sabi nito.

"Edi tara na. Uwi na tayo." Sabi ko.

Unpredictable ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon