抖阴社区

①⑨

6K 251 55
                                        

This chapter is dedicated to gang_ster03. Dati mo pa sinasabi 'to eh, 'yan na, hahahaha! Gawa ka na ng story mo ah (Hellow Kitty)


Jhaixe

Naglalakad na kami papunta sa parking lot dahil... uwian na. Hahaha!

Bukas pa malalaman kung sino ang mga masasali sa Battle Song.

Nakakapit ako sa bag ni Celix habang naglalakad.

"May magi-email mamaya sa website ng Street Dance, check niyo ah." Sabi ko. Nagugutom na 'ko.

"Street Dance?" Tanong ni Lux kaya napatingin ako sakanya.

"Street Dance. Yung sumasayaw na street, hahaha! Joke. Yung alam niyo na, pusta-pusta sa sumasayaw. Ganun." Sabi ko.

"Pusta-pusta? Edi ilegal yun." Sabi ni Xiella. Napatingin ako sakanya.

"Grabe ka naman! Sasali ba kami do'n kung ilegal 'yon." Sabi ko.

"Oo nga no? Sorry naman. Tanggalin niyo na kasi si Alas sa grupo niyo, nagmumukha kayong kahinahinala dahil sakanya eh." Sabi ni Xiella kaya natawa kami.

"Ang sama mo naman!" Sigaw ni Aze.

"Ate ang bigat ng kamay mo! Bitawan mo na bag ko." Sabi ni Celix.

"Eh." Pagtanggi ko.

"Bakit naman kayo sumali sa mga Street Dance?" Tanong ni Reeses habang kumakain ng cookies.

"Wala. We're bored that time eh." Sagot ni Snow.

"Ah. Eh bakit may e-mail mamaya?" Tanong ni Zia.

"Invitation." Sagot ko.

"Para saan?" Tanong ni Xiella.

"Mga laban, ganun." Sagot ni Celix.

"Pwedeng sumama?" Excited na tanong ni Reeses. Nagniningning pa yung mata niya.

"Oo naman." Sagot ni Cads na kumakain ng chocolate.

"Waaah! Talaga?!" Masayang tanong ni Reeses.

"Di, joke lang." Sagot ulit ni Cads kaya napahagalpak kami ng tawa ni Alas kasi natulala si Reeses saka napatigil sa paglalakad kaya medyo naiwan siya.

"Hahaha! Joke lang 'yon. Pwede kang sumama." Sabi ko. Masaya siyang napatingin sakin.

"Talaga? Yes!" Hahaha!

Tiningnan niya si Cads ng masama.

Napatingin ako sa kanan ko at sakto namang napatingin din sakin si Lux.

Hindi ko alam pero bumilis tibok ng puso ko. Nanlaki mata ko saka umiwas ng tingin. Ang... init. Ang init ng mukha ko! Ano ba 'to? Oh my gosh! Baka may sakit ako sa puso? Hala! K-kailangan ko na bang magpacheck-up?

Hinawakan ko yung dibdib ko kung nasan yung puso ko. Ang bilis talaga ng tibok. Hoo! Kalma, Jhaixe. Ano bcng nangyayari sayo?!

Unpredictable ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon