抖阴社区

②⑨

5.1K 217 45
                                        

This chapter is dedicated to DanielLetadaDiaz6. Thanks for supporting my story, hehehe. Labyu hahaha! And god bless you.


Jhaixe

* After 2 weeks (1:13 am) *

Nagising ako dahil sa uhaw kaya bumaba na 'ko para kumuha ng tubig. Oo nga pala, waaaaah! Excited na 'ko mamayang tanghali kasi laban na nina Lux! Kakanta na sila! Sa buong dalawang linggo puro practice kami pagkatapos ng klase. Syempre naman pumapasok kami no! Edi nabugbog kami ng magulang namin kung puro practice ang ginawa namin.

Laban na nila Lux bukas, laban na nila Lux bukas, teehee.

Binuksan ko yung ilaw sa kusina saka nagpunta sa ref at kumuha ng pitsel. Kumuha ako ng baso saka nilagyan 'yon ng tubig. Uminom ako malamang. Nilagay ko yung baso sa lababo saka humarap. Napatalon ako ng makita si Dad na naglalakad papunta dito sa kusina. Akala ko halimaw, hahaha!

"Dad? Saan ka galing?" Takang tanong ko.

Bumuntong hininga ito. Halata pa na inaantok ito kasi medyo nakapikit na yung mata niya pero pinipilit paring idilat.

"Nanghingi na spaghetti yung mama mo eh." Sagot ni Dad saka inilapag yung paper bag na hawak niya at nilabas yung lalagyanan ng spaghetti daw.

"Bakit bumili ka pa, Dad? Eh may ingredients naman tayo d'yan." Sabi ko. Tumingin siya sakin.

"Hindi ako marunong gumawa ng spaghetti na cookies and cream." Bored na sabi nito. bigla akong kinilabutan.

Spaghetti na cookies and cream naman ngayon? Dati ice cream na spaghetti flavor naman. Tapos naging graham pero brocolli ang laman. Meron pang shake na champorado flavor with matching paminta. Tapos cake na spaghetti sauce ang icing. Kadiri, sana sinabi ni Mom na kumakain pala siya ng kanin baboy, ugh.

Hinanda na ni Dad yung pagkain at halos masuka ako sa itsura kahit na maganda ang pagkakagawa.

"Pakitawag naman yung Mama mo." Sabi ni Dad habang inaayos yung pagkakainan ni Mom.

Tumango nalang ako ng nakangiwi.

"Okay." Sagot ko saka umakyat.

Naalala ko si Alas na hanggang ngayon eh grounded parin, hahaha! Buti nga sakanya, ang bastos eh. Umalis kami nung araw na 'yon ng puro pasa si Aze sa mukha kasi nga binugbog ko, hahaha! Pero dahil naawa ako, ako na bumili ng bago niyang phone na nasira ko.

Pagdating ko sa kwarto kinatok ko yung kwarto nila Mom.

"Ma. Nandyan na si Dad." Sabi ko. Bigla nalang bumukas yung pinto at bumungad si Mom na naka roba.

"Okay. Bababa ka pa ba?" Tanong niya saakin. Tumango naman ako kasi medyo nawala na yung antok ko, babawiin ko lang.

Bumaba na kami. Ngumiti si Dad nung nakita niya si Mom.

"Kain na." Sabi ni Dad kaya umupo na si Mom at kumain. Napangiwi nalang ako nang makitang parang sarap na sarap si Mom sa pagkain.

Nagtimpla nalang ako ng gatas.

Umupo ulit ako sa inuupuan ko kanina saka uminom ng gatas.

"Gusto mo, Jhaixe?" Nabuga ko yung iniinom ko saka nasamid. Ugh.

"A-ayoko. S-sayo nalang 'yan, Mom. Mukhang kulang pa sayo eh." Palusot ko. Tumango naman ito.

"Ay, malamang magugustuhan 'to ng kambal mo. Lagi no'n kinakain yung mga kinakain ko eh. Tawagin mo nga, Jhaixe." Sabi ni Mom.

Unpredictable ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon