Steph:
Ano nga ba ang isang hacker? Ito ang mga taong ginagamit ang computer para kumuha ng impormasyon mula sa ibang tao nang hindi nila nalalaman.
May tatlong klase ng mga hackers:
1. White hat – ito ang nang-hahack para lamang sa kanilang pansariling intensyon at katuwaan. Sila ang mga tumutulong sa iba para mas maganda ang secury system ng mga kompanya.
2. Black hat – ito ang gumagawa ng kasamaan at ginagamit ang kanilang kaalaman sa pansariling pakay tulad ng pagnanakaw.
3. Gray hat – ito ang taong nasa gitna kung saan kaya niyang gumawa ng masama at mabuti.
“Stephy! Asan ka dito sa tatlo!” panggugulat ng teacher namin.
Medyo nakatulog kasi ako habang binabasa ang nakasulat sa projector. Hindi kasi ako masyadong nakakakita mula sa malayo at ayoko ring gumamit ng salamin dahil magmumukha na akong nerd.
“Maam,” at napatayo pa ako dahil sa biglaang pagtawag at dahil na nga sa pagkataranta ko ay nahulog ang mga gamit ko sa sahig na siyang dahilan ng pagtatawanan ng mga kaklase ko. Nakitawa nalang din ako sa kanila.
“I said saan ka sa tatlong ito,” tanong uli ni Maam. “Narinig ko na na-hack mo ang servers ng school how did you do that?”
“White hacker po maam,” sabi ko naman. At sumagot pa talaga ako... Pero sa tingin ko naman ay Gray hat hacker ako dahil masama rin naman ang intensyon ko dati.
“Well that’s good to hear,” sabi ni Mrs. Molina. Siya nga pala ang anak ni Gurang and at the same time dean namin sa department. Ang malas ko naman dahil nakipagkasundo ako kay Gurang kailangan ko tuloy magpaiwan tuwing gabi dahil sa isang sekretong klase kung saan tinuturo ang mga basics ng hacking. Tama, I agreed to the condition and that is to take lessons on how to hack. Gusto ko rin namang matuto kaya pumayag na rin ako.
“White hat hackers are very helpful in the society. They are the ones that test the security systems of banks and secured networks. While the black hat hackers steals money through transactions people made in the web. I hope none of you will do that,” sabi ni Maam.
Tama nga naman si Maam. If ever hindi nila ako nahuli ay madali ko lang ma-acess ang mga test papers ng school or my grades and change them remotely from our house.
“That’s it for now dahil meron pa kaming faculty meeting,” sabi ni Maam na tuluyan na ring umalis.
“Totoo ba Steph na nahack mo ang servers ng school?” tanong ni Kim.
“Ha?”
“Kung ganun meron ka nang idea sa mga exams natin?” tanong naman ni John.
“Wala. At hindi totoo iyon dahil kung nagkataon ay siguradong expelled na ako sa school na ito,” sagot ko naman sa kanila.
“Nakita ka naming isinama ni Gurang sa kanyang office,” sabi uli ni Kim.
“Ah kasi daw I have to be punished for what I did.”
“And?” tanong ni Xenica.
“I must report to the library para tumulong sa pagsasara nito.”
I must be on the library at 8 PM not help but to go to my class. Kaya nga medyo napuyat ako dahil meron agad kaming assigments and that is to make our first programs. Ganun kabilis ang phase ng klase namin... on our first day tinuruan agad kami on how to bypass a lot of security systems at marami rin akong natutunan.
“So totoo ngang na-hack mo ang servers ng school,” pagpapatuloy ni Kim. “Why are they punishing you for the crimes you didn’t comitted.”
“Slight lang,” sabi ko sa kanya. “Kailangan ko ring sumunod dahil magiging ma-expell ako.”
Nakitawa na rin ako sa kanila at inaya ko silang mag-snack muna para makalimutan nila ang tungkol sa panghahack. Nakita ko si kuya at si mama na nag-uusap sa canteen na parang masyadong seryoso.
“Kuya!” panggugulat ko sa kanya. Hehe... gulat na gulat si kuya at pinagpawisan nang makita ako. Masyadong OA ang kanyanng reaksyon. Para namang ngayon ko lang ginawa ang mang-goodtime sa kanya.
“Mom,” sabi ko sabay mano.
Meron pa akong isang problema. Si mama ay dito na nga pala nagtuturo sa school. It’s just weird dahil hindi ko nga alam kung anong natapos niya. I just thought she’s a model when she was younger. Maganda naman talaga si mama na parang hindi man lang tumanda.
“Huwag ka na ngang mag-mano. Nagmumukha tuloy akong matanda dahil sa iyo...”
“Tssss... masyadong kayong OA ni kuya!”
At pinagtawanan lang nila ako dahil sa reaksyon ko.
“Hey hon,” sabay kaway ni mama nang pumasok si papa mula sa pinto ng canteen. At nandito rin si papa? Hwag mong sabihing dito rin siya nagtuturo? What is he doing here?
“I cooked lunch,” sabi niya sabay abot kay mama ng lunchbox. Nakita kong pinagtitinginan na sila ng lahat. I mean kaming nandito sa mesa dahil meron pang kasamang kiss si mama nang abutin niya ang bigay ni papa. Ang gulo naman nito... Si papa lang pala ang inaantay nila kuya at mama and I am here as well... isang buong pamilya na kami sa mesang ito.
“Uy ang Stepheniele ko!” sabay hug ni papa sa leeg ko. This is really embarassang. Umalis ako sa mesa ng mga kaibigan ko dahil ayokong sumagot sa mga katanungan nila but here I am on this table with my family. Damn, gusto ko nang ilublob ang ulo ko sa sabaw na nasa harapan ko.
Louise:
I am Steph’s mom and I am here in her school for a mission and also to protect her. Nalaman ko sa mga contacts ko sa Russia na meron silang ilulunsad na malawakang operasyon sa buong bansa and sad to say na dito sa Jacksonville University mangyayari ang pagtatagpo ng mga kalaban. Mabuti na rin lang at katuwang ko sa misyon ko dito si Jasper, Nica at ang isa ko pang anak na si Yuri. Walang kaalam-alam si Steph sa mga nangyayari dito at ayoko ring madamay pa siya sa kaguluhan ng pamilya ko. Dalawang anak ko na nga pala ang mga spies at hindi ko na siguro kakayanin kung maidagdag pa si Steph.
“I heard that you have your punishment tuwing 8 PM,” pag-uumpisa ni mama.
“Yes, I need to help in the library.”
Then it’s good dahil makakagalaw ang team namin ng maayos without thinking that Steph will go home early. I too a job here in the school as a substitute teacher kaya hindi masyadong malaki ang load ko. The president ordered NICA to be stationed here so that we can keep track of the activities of the KGB agents stationed here. KGB was already disbanded pero meron pa rin silang grupo dito sa Pilipinas who still holds on to the KGB’s principle and wants to distabilize the government.
“Alis na po muna ako mom, dad... kuya... Meron pa kasi akong class,” sabi ni Steph. She grew up to be just like me. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong kabataan ko pa lamang. I hope na hindi siya maging tulad namin na parating nasa alanganin ang mga buhay dahil sa trabahong ginusto rin naman namin. We are here to protect this country and we are here to protect our children.

BINABASA MO ANG
Ako, Hacker
Mystery / ThrillerWhat if ang inakala mong boring na pamilya ay binubuo pala ng mga spies? Nalaman mong ang Papa mo ay dating espiya ng CIA... Ang mama mo ay isang assassin ng KGB... Samantalang ang Kuya mo naman at ang kanyang fake na girlfriend ay espiya ng NICA...