Mavericks:
“Ayaw mo pa ring magsalita ah!” sabi ko sa nakagapos na si yuri. Nakaupo siya sa isang bangko at nakapusas ang kanyang mga kamay. “You’re going to tell us or else!”
Isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagsasalita si Yuri. Makailang beses ko na siyang tinanong pero wala pa rin kaming nakuhang sagot mula sa kanya. Noong isang araw nga ay nasuntok ko pa siya dahil ngumiti pa siya sa akin ng tanungin ko siya kung saan niya dinala si Steph. Napagalitan pa nga ako dahil sa pangyayaring iyon.
Pero kaninang umaga ay pinahintulutan na rin kami ng Direktor na ipagpatuloy ang imbestigasyon kay Yuri. Kinuha namin siya sa kanyang selda at dinala dito sa second level interrogation room. Ito ang room kung saan pinapaamin namin sa pamamagitan ng torture ang mga nahuhuli naming nagmamatigas pa rin. Maraming paraan sa pagtotorture ang maiisip mo sa lugar na ito dahil maraming kasangkapan ang makikita mo sa buong paligid.
Ito ay sadyang ginawa para lang takutin ang mga suspek na hindi umaamin. Madalas nangyayari ang ganitong interrogation kung wala kaming nakuhang cooperation galing sa mga suspek.
“Again tell me kung nasaan ang kinuha mong babae kahapon!” sabay suntok sa kanyang pisngi. “Tell me where she is!” at nasuntok ko na naman siya sa kabilang pisngi dahil sa galit. Dumugo pa nga ang kanyang labi dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya pero lalo pa siyang ngumiti at nang-inis sa akin. Ito ang tinatawang nilang makalumang paraan ng pagtatanong pero sa tingin ko ay hindi rin ito gagana sa lalaking ito. Malaki ang katawan ni Yuri at di hamak na mas matangkad sa akin pero alam ko rin na bibigay rin siya kapag umabot na kami sa iba’t-ibang klase ng torture.
“Tama na ‘yan!” pag-awat sa akin ni Denver. “We’ll be in great trouble if nalaman ni Chief ang ginagawa mo!” kunwaring sabi ni Denver. Baka gumana kasi ang Good Cop-Bad Cop strategy sa taong ito. Pero sa tingin ko ay sanay itong si Yuri sa interrogation dahil si Chief nga ay walang nakuha sa kanya. Hindi talaga siya nagsasalita kahit alam namin na nakakapagsalita at nakakaintindi siya ng Tagalog.
“Wala akong pakialam!” at sinuntok ko na naman si Yuri na parang nasaktan na sa ginagawa ko. Ang lalaking ito lang ang tanging link namin sa pagsabog sa library at siya rin ang kumuha kay Steph habang nagkakagulo ang lahat.
Susuntukin ko na naman sana siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chief kasama ang isang babae.
“What the heck are you doing?!” galit na sigaw ni Chief sa akin. Ngumiti lang babae pero isa itong makahulugan at nakakatakot na ngiti. Napansin ko rin na pinagpapawisan si Chief na pumasok sa room. Alam na man niya kung anong ginagawa namin kaya bakit pa siya nagtatanong. Kinabahan ako nang tinignan ko sa mata ang babaeng kasama niya. Nakangiti lang ito pero ang mga tingin na ay nakakatakot na parang gusto na niya akong patayin sa pagkakataong iyon.
“Let our supect go,” nakakapanlumong sabi ni Chief sa amin.
“What?!” halos sabay naming sabi ni Denver. Anong pinagsasabi niya? Na pakawalan lang namin ang bihag namin? Baliw na ba siya?
Hindi maaari! Kinabahan ako nang ngumiti na naman ang babaeng kasama niya.
“I said pakawalan ninyo ang suspect natin!” sabi ni Chief. Bubunot na sana ako ng baril pero biglang lumabas sa likuran ng babae si Steph na may hawak na baril at nakatutok ito sa amin.
“Steph?” hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit nandito siya at may hawak na baril. Parang iba ang kanyang kilos at sa tingin ko ay napipilitan lang siya. Napansin ko kasing nanginginig pa ang kanyang mga kamay.

BINABASA MO ANG
Ako, Hacker
Mystery / ThrillerWhat if ang inakala mong boring na pamilya ay binubuo pala ng mga spies? Nalaman mong ang Papa mo ay dating espiya ng CIA... Ang mama mo ay isang assassin ng KGB... Samantalang ang Kuya mo naman at ang kanyang fake na girlfriend ay espiya ng NICA...