抖阴社区

Chapter 7 - Abnormal Family

363 29 6
                                    

Steph:

“We have to get you out from that school dahil marami ang gustong kumuha sa iyo,” ito ang sabi ni papa habang sarap na sarap siya sa kinakain niyang adobo. Madalas ito ang normal na eksena namin sa hapag kainan tuwing gabi pero ang araw na ito ay iba sa lahat.

“Wala ba talaga kayong kinalaman sa mga nangyaring pagsabog kanina sa library?” para sa akin kasi si Yuri ang may pakana ng lahat ng mga pangyayari kanina. At kasama sila nina mama at kuya so hindi malayong magkasabwat sila sa pagsabog sa University.

“Do you think we can do that?” pagpapatuloy ni papa. Pero base sa nasaksihan ko ay kayang kaya nilang gawin iyon. Sa tingin ko ay sila pa rin ang dating kong mga kasama dito sa bahay dahil ganito palagi ang eksena habang kumakain kami ng late dinner. Si mama pa nga ang nagluto ng haponan at hindi ako maaaring magkamali na luto talaga ni mama ang adobong ito. Samantalang si Papa naman ay katulad pa rin ng dati kahit sabihin nating cool siyang kumilos kanina.

“We have to rush to get you out of that place dahil merong protocol ang school ninyo to clean up that mess and I know that you won’t like the way they handle situations like that,” si mama naman ngayon ang nagsalita.

Hindi pa talaga magsink-in ang pinagsasabi nila pero bahala na nga.

“Anong ibig sabihin nyo ng clean up the mess?” tanong ko.

“Ang Jacksonville University ay isang secret facility ng ating gobyerno at gagawin nila ang lahat para lamang walang makaalam sa pangyayaring naganap kanin,” pagpapatuloy ni mama.

Ano daw ang school ko ay isang government facility? Pero si Mama ang na nga ang nagsabi at walang kumukontra kay mama dito sa bahay.

“I think they will keep that incident from going out from the media and probably kill those who are involved,” ito naman ang walang reaksyong sabi ni Nica habang hinihiwa ng kutsilyo ang steak.

Kill? Did she mean the other students na nandoon sa lugar na iyon?

“Don’t worry little sis hindi ka naman namin papabayaan eh!” ito naman ang sagot ni kuya. Si Nica na rin ang nagsabi kaya maniniwala rin ako dahil hindi rin nagbibiro ang babaeng ito tulad ni Mama.

“What about my friends there?”

Naisip kong bigla si Maviricks na siyang nagligtas sa akin. May nakita rin akong ibang estudyante sa lugar na iyon na sugatan. I hope walang nasawi sa pangyayaring iyon.

“Most of them are NBI agents so you don’t need to worry about them. Yuri is going back on that place to check out what happened,” si mama naman ngayon ang nagsalita.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanila pero I know in my heart that they are not clones. Sila talaga ang pamilya ko pero medyo weird nga lang kasi mga spies sila.

Si mama ay dating assassin ng KGB samantalang si Papa naman ay dating CIA agent. Talagang napaka-cool ng lahat samantalang ang kuya ko naman ay miyembro ng spy agency ng Pilipinas… ang NICA. Hindi ko alam na meron palang ganun. I am really fooled by them dahil matagal na palang nangyayari ang lahat ng ito sa bahay namin. Naikwento rin nila sa akin na isang clone si kuya. I was wondering kung magkapatid ba talaga kami. At ang kunwaring girlfriend ni kuya na si Nica (Haha tama ako na hindi pwedeng magkagirlfriend si kuya ng maganda) ay isa rin palang agent.

“Hayaan mo Steph bukas na bukas rin ay pasasamahan kita sa Kuya mo to see what really happened. He’ll also tell you everything you have to know,” sabi ni Mama. “Kaya magpahinga ka na dahil may pasok ka pa bukas.”

Ako, HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon