Steph:
Meron na akong command center sa loob ng kwarto ko at nag-install na rin ako ng mga cameras sa bawat sulok ng bahay namin. Hindi nila ako napansin dahil halos madaling araw ko na itong ginawa. Sinigurado ko munang nakatulog na sina mama at si Yuri.
Sampung monitors talaga ang binili ko. I used different names in the purchase at ginawa ko ito sa magkaibang mga computer stores. Iba pa rin ang maingat. Don’t ask me kung paano ko ito dinala sa bahay nang hindi nila nalalaman. Bukas ko na ito ikakabit… dahil inaantok na rin ako sa pinaggagawa ko. Binuksan ko muna ang computer ko at sinadyang mang-hack pa ng impormasyon tungkol sa NICA. Naisip ko kasing habang natutulog ay makuha ang lahat ng impormasyong kinakailangan ko to build a database about the said Spy Agency ng Pilipinas. Kailangan kong malaman kung ano ba ang history nito, sino-sino ang mga kasapi, at kanilang operasyon…
It’s already 3:10 nang biglang tumunog ang cellphone ko…
“Hi little sis,” sabi ni Kuya. “Mom said to check on you, busy ka daw sa pamimili ng mga gamit ah!”
“What?”
“Alam mo naman si mama may pagka-espiya kaya wala kang matatago sa kanya. Tulog ka na daw dahil di rin siya nakakatulog.”
Nakakainis naman ‘to oh!
“Sige na nga!” sabi ko. “Anong ginagawa nyo dyan sa Paris ha! Honeymoon?”
“Sort of…” sabi ni kuya pero naririnig ko ang ilang putok ng baril sa background.
“Anong nangyayari dyan?”
“Got to go little sis,” sabi niya at pinatay na niya ang phone.
Napakaweird talaga ng family ko no? So mom is still awake? Naisip kong magpunta na muna sa baba just to make sure… Nakita ko si mama na nagkakape sa kitchen.
“Mom?”
“Kailangan mo nang matulog Steph,” paalala niya.
Magtitimpla pa sana ako ng kape pero nakakatakot talaga si mama. Pagkatapos ay umakyat na siya sa kanyang kwarto pero lumingon muna siya sa akin saglit. “Just be careful okay?” sabi niya at ngumiti pa siya sa akin bago tuluyang umalis.
Nakita ko naman si Yuri na gising pa rin at nasa sala. Nakahiga sa sofa at may katabing baril.
“What?” nakakainis kasi ang mga tingin niya sa akin eh.
“Nothing,” sabi niya in a Russian way.
Aalis na sana ako kasi biglang nagsalita si Yuri.
“I think it’s best to hide your command center in a different place… I got a feeling that your fried Mavericks will be coming here with a warrant anytime soon.”
Ang tanga ko talaga… all this time they are watching me. Nakangiti si Yuri sa katangahan ko. How come I never thought of that before doing such irrational decision.
“Saan ko naman itatago ang lahat ng iyon?”
Biglang tumayo si Yuri. “You don’t know that you have a command center under your house?”
“Ano?”
Hindi ko talaga alam na meron pala kaming underground sa bahay namin. I mean this is really amazing! At ako na naman ang walang alam dito? Bakit si Yuri alam niyang merong ganito sa bahay namin? Namangha talaga ako sa nakita ko. Pinindot lang niya ang isang buton at bumukas ang isang lagusan mula sa kitchen namin. Napakalawak ng underground at merong mga kwarto dito na parang opisina. Nakakita ako ng mini-gym, library, at office. Nakakita rin ako state of the art equipments, mga monitors at mga computers… I also found out that we have our own servers and technical equipments needed for any operations.
“What is this place?” tanong ko kay Yuri.
“We call this one ‘HOME’, our base of operations… apart from NICA we have our own base here.”
I hate may parents for hiding this from me…
Matapos akong tulungan ni Yuri na maglipat ay natulog na muna ako dahil inaantok na talaga ako. Nakakapagod rin kayang maghakot ng mga kagamitan pero mabuti na lang at tinulungan ako ni Kuya Yuri… hahaha… Sa wakas ay tinawag ko na rin siyang kuya dahil nga siya lang ang tanging nagsabi sa akin tungkol dito.
“Thanks Kuya,” pero parang hindi niya ako narinig dahil umalis na rin siya. Ilang saglit ay nakatulog na rin ako… hindi sa kwarto ko kundi sa bago kong command center…

BINABASA MO ANG
Ako, Hacker
Mystery / ThrillerWhat if ang inakala mong boring na pamilya ay binubuo pala ng mga spies? Nalaman mong ang Papa mo ay dating espiya ng CIA... Ang mama mo ay isang assassin ng KGB... Samantalang ang Kuya mo naman at ang kanyang fake na girlfriend ay espiya ng NICA...