抖阴社区

Chapter 10 - The Start

250 23 6
                                    

Steph:

Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon… I just went into an underground NBI station para lang iligtas ang isang lalaking sinasabi ni mama na Kuya ko raw. Hindi ko gustong maniwala pero he’s more like me at medyo Rusian rin siya ng features. At nalaman ko rin na hindi ko tunay na kuya si Kuya Jasper na pumunta daw sa isang misyon kasama ang kanyang fake na girlfriend na si Nica.

“Nasaan ba sina Kuya?”

“That’s confidential,” sabi naman ni Mama sa akin.

“So meron na naman kayong lihim sa akin?” sabi ko sa kanya.

Akala ko talaga na ang boring ng pamilya namin pero ang dami palang aksyon ang nagaganap sa bahay namin. Kaya pala minsan ay wala silang lahat dito at nagbabakasyon ng hindi ako kasama.

“Yon bang pumunta kayo ng Batanggas at hindi ninyo ako isinama?”

“May mahalaga kaming misyon that time kasama ang kuya mo. I’m sorry Steph, kailangan naming maglihim sa iyo this whole time para protektahan ka,” sagot naman ni mama.

“At talagang Kuya ko ‘tong lalaking ‘to?” sabay turo kay Yuri na nakaupo sa dining table namin at ginagamot ni Mama ang kanyang mga sugat.

“He’s my son when I was still in the KGB,” sabi ni Mama.

“At si Kuya Jasper?”

“I carried him inside my womb so technically we’re all related.”

Naguguluhan ako sa pinagsasabi ni Mama pero wala naman akong magagawa kundi ang maniwala sa kanyang pinagsasabi.

“I want to know everything! Bakit hindi nyo pinapaalam sa akin ang lahat? Diba ako na rin ang nakapagturo kung nasaan ang base ng NBI sa school namin? I deserved an answer now!”

“Okay pero isang tanong lang!” sabi ni Mama. Siya pa rin ang Mama ko pero meron talagang kakaiba sa kanya.

“I want to be an Agent of NICA!”

“No!”

“What?”

“No is my answer!”

At umalis na si Mama at naiwan naman akong kasama ang kuya ko sa labas.

“What?”

“I think you’re still not ready,” ito lang ang naging sabi niya kaya nag-walk-out na rin ako. At least I have the olympus key on my laptop and mom doesn’t know that I have it. If she doesn’t want me to know where my stupid brother is then I’ll find out on my own.

Napangiti nalang ako ng maisip ko uli kung paano ko natrace ang lokasyon ng NBI station. I just traced Yuri’s number kaya ito rin ang gagawin ko kay kuya. Binuksan ko uli ang computer para itrace kung nasaan sina kuya… at tinaype ko ang kanyang number… Wala pang isang sigundo ay naglabas ito ng mapa ng mundo at ilang segundo pa ay natagpuan ko na rin ang lokasyon nina kuya…

PARIS??? Nasa Paris sina Kuya at Nica?

Nakakainis naman ‘to oh!

Kaya naisip kong subukang magresearch tungkol sa NICA pero bago ko ginawa ‘yon ay nanghack muna ako ng pera sa isang kilalang pulitiko. Damn! This is really great… Konti lang naman ang nilagay ko sa ATM ko. Mga 100,000 pesos lang naman… at agad akong lumabas para magwithdraw ng pera. That money is really untraceable dahil galing pa iyon sa ibang bansa. Hahahaha… ang galing talaga ng Olympus key. Gusto ko kasing bumili ng mga equipments para gumawa ng isang base… yup! Gusto kong gumawa ng base of operations sa kwarto ko.

Ako, HackerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon