抖阴社区

V

2.9K 74 3
                                    

MY DADDY’S ASSISTANT
Chapter 5
Rob's POV

Agad na sumugod ang mga  lalaki  sa pwesto namin kaya naman ay kaagad kaming naghanda. Para sa kanilang laki ay medyo nakakagulat ang kanilang bilis at liksi kaya medyo nahirapan kami ni Nathan sa pakikipaglaban sa kanila.

"Durugin niyo sila!" sigaw nang leader nila habang namimilipit sa sakit dulot nang pagsipa ko sa kanyang tiyan. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kapansin pansin na mas naging agresibo ang kanyang mga kasamahan kaya mas nahirapan kami ni Nathan na sanggain ang kanilang mga suntok at sipa.

"Kahit anong mangyari, huwag kang aalis sa aking tabi. Hindi natin alam ang motibo nila at baka dukutin ka nila." paalala ni Nathan sa akin nang magtama ang likod namin.  Napalingon naman ako sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyon at nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala niya sa sitwasyon ko. Napatango nalang ako na tanda ng pagsang ayon sa kagustuhan niya.

Katulad kanina ay isa isa ulit na sumugod ang mga lalaki sa pwesto namin ni Nathan at kaagad naman namin silang  panatutyadahan ng mga suntok at tadyak. Paminsan minsan ay natatamaan rin nila kami ngunit hindi pa naman nila kami napupuruhan.

"Nate, bakit parang di ata sila nababawasan?" nagtatakang tanong ko kay Nathan. Mahigit kalahating oras na rin kasi ang nagdaan at ganoon pa rin kadami ang mga lalaki na patuloy na umaatake sa amin at hindi man lang nabawasan. Pagod na pagod na ako at alam kong ganoon din si Nathan.

“Ewan ko, parang di nga sila tinatablan nan gating mga suntok at sipa eh.” Sagot naman ni Nathan sa akin na naghahabol na ng kanyang hininga.

“Rob,  sariwa pa ang sugat mo. Magiingat ka.” paalala pa niya sa akin .
“Oo, ayos lang ako.” Tugon ko naman sa kanya. At doon ko lang ulit naramdaman ang aking sugat na unti unti nanamang kumirot.

Nakakapagtaka lang kung bakit ni hindi man lang sia nakaramdam nang pagod kahit na buong lakas kaming umaatake ni Nathan. Mula pa kanina ay ni wala man lang kami may napatumba ni Nathan gayong kami ay halos mapaupo nalang sa sobrang pagod.

“Saan naman nila kinuha ‘tong mga tubo  at troso na ‘to? Kanina wala pa to ah!” nagtatakang tanong ko nang mapansin ko ang mga lalaki na may hawak na naglalakihang kahoy at mabibigat na tubong metal.

“Aba malay ko! Hindi ko nga alam na pinaghandaan pala nila ito at may pa-props pa.” Pabirong sagot naman ni Naathan sa tanong ko saka tumawa.

"Rob! sa likod mo!" sigaw sa akin ni Nathan. Agad kong nilingon ang aking likoran at nakita ko ang sang goon na may hawak na dos por dos at akmang hahatawin ako. Agad naman akong nakailag na tinadyakan siya sa kanyang binti tsaka inupper cut kaya napaatras ulit ang lalaki.

“Mukhang dehado kayo ngayon ah.” wika sa akin ni Nathan habang pailing iling. Nakita kong putok  na ang kanyang labi at nagkasugat sugat na rin siya sa kanyang mga braso.

“Ok ka lang?” tanong niya pa sa akin. Doon ko lang napansin na gulong gulo na rin ako at naliligo na sa sariling pawis, putok na rin ang mga labi ko at may blackeye na ako.

“Ok lang.” sagot ko naman Agad Kaman siyang napatango sa akin at nagsiimula ulit na sumugod sa mga lalaki.

Muli, ay lumapit nanaman ang mga lalaki sa amin, nakita kong napabuntong hininga nalang si Nathan at pumorma na naman lami ulit  bilang paghahanda sa kanilang pagatake. Pero bago pa makalapit ay umalingawngaw ang isang boses na nasa likuran namin.

“Sandali! Anong kaguluhan ‘to?” 

Nakita kong napahinto naman ang mga lalaki sa kanilang pagsugod. Napalingon naman kaming dalawa ni Nathan saaming  likuran at doon namin nakita Ken at Warren na naglalakad palapit sa pwesto namin.

My Daddy's Assistant   [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon