抖阴社区

XV

2K 73 17
                                    


MY DADDY'S ASSISTANT

Chapter 15

Rob's POV


"Mom, kailangan ko na talagang pumasok sa school. Halos kalahati ng semester ang hindi ko napasukan dahil sa mga nangyari sa akin nitong nakaraang buwan." pagkukumbinsi ko kay Mommy habang kumakain kami ng agahan.

Nakita ko namang napangiwi si Mommy dahil sa ginawa kong pamimilit sa kanya. Mula kasi nung madischarge ako tatlong araw nang na ang nakaraan ay ganito palagi ang tagpo namin, Pipilitin ko silang payagan akong pumasok at sila nama'y papagalitan ako dahil sa katigasan ng aking ulo. Mabuti na nga lang at wala ngayon si Daddy dahil maaga siyang umalis kanina dahil daw may pagdinig sa kongreso dahil kung hindi ay siguradong sermon nanaman ang aabuutin ko sa kanya.

"Rob, alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon. Sobrang delikado. At isa pa, isang linggo palang buhat nang madischarge ka sa hospital. Hindi pa magaling iyang tahi sa sugat mo. So, hindi ka muna papasok ng school." Pagdadahilan ni Mommy sa akin.

"Pero Mom!" Angal ko naman sa kanya. Oo, Naiintindihan ko ang kanilang pinanggagalingan kung bakit ganito sila kalalang mag-alala sa akin. Pero sana intindihin din nila ang sitwasyon ko. Kailangan ko rin kasi talagang humabol sa aming mga aralin para hindi ako bumagsak at magretake ng subjects. Isa pa, pahilom na rin naman ang aking mga sugat kaya hindi na masyadong makirot.

"No, Don't. It's not safe, Rob, lalo na at wala si Warren ngayon." Mariing tugon naman ni Mommy nang mapansin ang pagsimangot ng mukha ko.

Tila napantig naman ang tenga ko nang marinig ko mula kay Mommy ang pangalan ni Warren. Halos isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Mula nang magkasagutan kami sa kwarto ko sa ospital ay hindi na siya nagpakita pa ulit sa akin. Laking gulat ko rin nang malamang umalis na rin sa bahay si Warren. Gusto ko sanang tanungin sina Mommy at Daddy kung bakit umalis si Warren ngunit wala naman akong rason para itanong sa kanila ang bagay na iyon. Hinihintay ko rin si Daddy na sabihin sa akin kung ano ang dahilan kung bakit hindi na pumupunta dito si Warren ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nababanggit sa akin.

"No, Ma, Papasok ako. Whether you like it or not." Matigas ko namang saad kay Mommy bago tuluyang umalis ng kusina at nagmadaling umakyat patungo sa aking kwarto. Pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ay agad din akong naligo at nag-ayos ng akin sarili.

Alas syete y media na nang matapos ang ako sa aking pag-aayos. Alas otso ang unang klase ko kaya naman wala na akong sinayang na oras at agad din akong bumaba. Dumaan muna ako sa kusina kung nasaan si Mommy para magpaalam ng pormla kahit tutol man ito sa desisyon ko. Nang nasa bungad na ako ng kusina nang marinig ko ang pamilyar na boses na kasalukuyang kausap ni Mommy.

"Naku, Warren, anak, Congratulations! Sobrang proud ako sa'yo." Wika ni Mommy sa kausap niya.

"Maraming salamat po, Ma'am. Medyo nahihiya nga po ako sa'yo dahil sa mga nangyari." Nahihiyang sagot niya kay Mommy.

"Naku, wag mo nang alalahanin iyon. Ang importante at ok tayong lahat." Pampalubag ng loob na sagot ni Mommy sa kanya.

Tila hindi naman magkamayaw sa pagkabog ang puso nang marinig ang boses ni Warren. Mahigit isang linggo ko din siyang hindi nakita at hindi ko maipagkakaila na sobrang namiss ko siya. Hindi ko maiwasan kabahan. Alam kong galit pa rin siya sa akin dahil sa mga sinabi ko sa kanya noong huli naming pagkikita ngunit wala na akong magagawa doon. Mas mainam siguro na hayaan ko nalang ang panahon ang maghilom sa mga sugat na idinulot namin sa isa't isa.

Ilang beses akong bumuntong hininga bago pumasok. Doon nadatnan ko silang dalawa ni Mommy na nagkakape. Naka corporite attire ito. Nakaupo siya sa dining table habang kinakausap ni Mommy.

My Daddy's Assistant   [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon