抖阴社区

XIX

2.3K 82 27
                                    

MY DADDY'S ASSISTANT

Chapter 19

Rob's POV

"Uulitin ko. Umuwi na tayo, Rob." Seryoso niyang sabi sa akin. Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nanatiling pa ring matigas ang ekspresyon nito.

"Maaga pa, Warren. Tsaka ano ba ang pakialam mo ha? Babalik din naman kami sa school mamayang alas kwatro y media ah. " naiirita kong sagot sa kanya. Nakita kong medyo nagulat si Warren sa aking sinabi. Marahil ay hindi niya inaasahang tatanggi ako sa kanya.

Sa totoo lang ay hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Matapos ang lahat ng nangyari kanina ay narito nanaman siya at e-eksena na parang ok lang ang lahat. Idagdag mo pa ang pamimilit niya sa akin na umuwi ngayon, hindi ko na alam kung hanggang kalian ko kayang magtimpi sa kanya.

"Bodyguard mo ako, Rob, kaya kailangang malaman ko kung nasaan ka at kung ano ang ginagawa mo sa lahat ng oras dahil ako ang malalagot kapag may mangyaring masama sa'yo. " singhal niya naman sa akin. Medyo napataas rin ang tono ng kanyang boses nang sabihin niya ito.

"Walang mangyayaring masama sa akin, Warren! kasi unang una, nag-iingat ako. Isa pa, kasama ko naman si Yllios kaya sigurado akong hindi ako mapapahamak." Sagot ko naman sa kanya. Hanggang sa maaari ay ayokong makipagkumpitensya sa kanya sa pataasan ng boses dahil unang una ay ayokong makuha ang atensyon ng ibang tao kasi eskandalo nanaman iyon pagnagkataon.

"That's exactly my point. Kakakilala mo palang diyan sa lalaking 'yan ay sumama ka na agad. What if masamang tao siya at kinidnap ka niya?! Nag-iisip ka ba?!" sigaw niya sa akin. Gusto ko mang sagutin si Warren sa kanyang mga paratang ay hindi na ako nakaimik. Hindi ko lubos maisip na may ganitong pag-uugali pala si Warren- walang modo at bastos. Unti- unti ko siyang tinignan. Hindi ko maiwasang malungkot at madisappoint sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

Nakita kong medyo nagulat siya sa nang mapatingin sa akin at akmang mag-sasalita nang inunahan siya ni Yllios.

"Hey, pare, I understand na concern ka lang sa kaligtasan ni Rob pero could you give him a break? Minsan lang gumala ang tao at maging masaya, ipagdadamot mo pa? Besides uuwi rin naman kami bago mag four thirty kaya wala kang dapat ipag alala." pagsisingit naman ni Yllios sa usapan.

Nabaling naman ang tingin ko kay Yllios nang sabihin niya iyon. Alam kong naguguluhan siya at nagtataka sa nangyayari. Kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay para ipahiwatig sa kanya na okay lang ang lahat at wala siyang dapat ikabahala.

Nakita kong napadako naman ang tingin ni Warren sa kamay namin ni Yllios na magkahawak kaya naman mas lalong kumunot ang noo nito.

"Naiintindihan mo ba ang mga sinasabi mo, pare? Buhay ni Rob ang nakataya dito. Kapag may masamang mangyari sa kanya mapoprotektahan mo ba siya? Ha?! Teka sino ka ba?" pagalit na tanong ni Warren kay Yllios na kasalukuyang inaayos ang kanyang salamin sa mata.

"Makapag salita ka parang ni minsan hindi napahamak si Rob dahil sayo ah." Seryosong tugon ni Yllios kay Warren. Agad naman kaming natigilan si Warren dahil sa sinabi ni Yllios. Kahit ako ay medyo nagulat din. Hindi ko alam kung sinadya ba iyon ni Yllios, o hindi. Pero malakas ang kutob ko na hindi lang iyon nagkataon.

"Yllios nga pala, pare, kaibigan ni Rob." Pahabol pang pakilala ni Yllios ng kanyang sarili.

"Mabuti pang tumahimik ka nalang, dahil wala kang alam." Tanging sagot nalang ni Warren na tila naging balisa sa sinabi ni Yllios. Agad naman siyang lumapit sa kinatatayuan ko at hinawakan ang kamay ko sabay baling sa akin na nagsisimula ng magpumiglas.

"Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong sumama sa akin." iritang usal ni Warren habang pilit akong kinakaladkad papunta sa exit. Pilit kong inaalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero talagang mahigpit ang pagkakahaw niya dito.

My Daddy's Assistant   [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon