抖阴社区

XI

2.2K 79 3
                                        


MY DADDY'S ASSISTANT

Chapter 11

Rob's POV


Lumalalim na ang gabi at kasalukuyan naming binabagtas ang daan pauwi. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming kibuan ni Warren. Nandoon pa rin ang ilangan namin sa isa't isa dahil sa nangyari kanina. Sa totoo lang ay medyo nababagot na rin ako sa sitwasyon namin. Puro nalang silbato ng mga sasakyan at tunog ng aircon ang naririnig ko sa loob ng sasakyan. Gustuhin ko mang buksan ang audio player ng saskyan ay hindi ko magawa kasi ayoko ring bulabugin ang katahimikan sa pagitan namin. Makailang beses ko na ring kinalikot ang bag ko para hanapin ang headset ko ngunit sa kasamaang palad ay wala iyon doon. Tinext at chinat ko na rin sina Nathan at Ken para sana maghanap ng kausap ngunit hindi naman online ang dalawa at di rin nagrereply ang mga tukmol. Ilang beses ko na ring chineck kung may messages ba at missed calls galing sa mga magulang ko pero ni isa ay wala akong natanggap galing sa kanila.

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa mansion kaya agad ko nang pinahinto ang kotse sa harap ng bahay namin at hindi na ako sumama pa sa Parking Lot.

Agad din akong pumasok sa mansion. Inihanda ko na ang aking sarili sa kanilang sermon ngunit nakapagtataka na wala sila sala. Agad din akong sumaglit sa mini-office ni Dad ngunit wala din sila doon. Hanggang sa pumunta ako sa likod ng bahay at doon ko narinig ang tawa ng mga magulang ko kasama ng isang pamilyar na boses na awtomatikong nagpakulo ng dugo ko at nagpakuyom ng kamao ko.

Agad akong lumabas at doon ay nakita ko sila na nakaupo sa Dining patio namin sa Garden katabi ng fountain.

"Sorry to keep to waiting, hija. I'm sure he'll be here any minute na. You know naman, he's like a prisoner here. Kaya ayun, gumala muna kasama ng kanyang bodyguard." rinig kong paghingi ng paumanhin ni mommy sa demonyita.

"No problem, Tita. I can wait naman po eh. I just miss him so much talaga." Pa sweet na sagot niya kay Mommy. Napailing nalang ako. Sigurado akong kurbado na sa impyerno ang pangalan ng hitad na'to.

Hindi ko maiwasang magtaka kung anong ginagawa niya dito. Hindi pa ba siya kontento sa ipinalit niya sa akin at eto nanaman siya't bumalik sa akin? At heck! Kausap pa siya ngayon ng mga magulang ko. Sa aking palagay ay kanina pa sila nag uusap ng mga magulang ko base na rin sa tono ng pananalita nila na tila komportable na sa isa't isa?

Ang kapal ng mukha ng babaeng ito. Pagkatapos ko siyang makita na may kahalikang lalaki sa bar, she has the guts na pumunta sa pamamahay ko?

Oo, ang ex kong malandi ang kausap ngayon ng mga magulang ko at kasalukuyang silang nagtatawanan sa garden habang umiinom ng juice.

"Oh, look he's here na pala. Roberto, kanina ka pa ba diyan?" sambit ni Daddy ng makita ako. Agad namang napalingon sina Mommy at Amanda sa akin.

"Roberto, come here and join us ." tawag sa akin ni Mommy.

Sa totoo lang ay medyo nag-aalangan pa akong lumapit sa kadahilanang alam ko naman na mabubwisit lang ako sa presensya ng malandi kong ex ngunit ayoko naman maging bastos sa harap ng mga magulang ko kaya wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kinaroroonan nila.

"Hey, young man, where have you been?" magiliw na tanong sa akin ni Daddy habang papalapit ako sa kanila.

"Nagliwaliw po kasama si Warren." Tipid na sagot ko sabay mano sa kanya at kay Mommy. Hindi na ako nag-abala pang tapunan ng tingin ang mallandi kong ex para isampal sa kanya ang katotohanang hindi siya welcome sa teritoryo ko.

"Mabuti naman kung ganoon. Have a sit muna, anak." Utos ni Mommy sa akin. Akala siguro ng malanding tilapia ay sa kanya ako tatabi kaya naman inusog niya ang upuan niya ngunit sa pagkadismaya niya ay doon ako tumabi sa kay Daddy na nasa kabilang dulo. Nakita ko siyang napaismid, at alam kong napansin din iyon ni Daddy ngunit hindi lang ito kumibo.

My Daddy's Assistant   [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon