MY DADDY’S ASSISTANT
Chapter 7
Rob's POV“Rob! Gising na’t baka mahuli ka pa sa klase.” Sigaw ni Mommy sa labas nang pinto.
Agad naman akong napabangon dahil sa lakas ng boses ni Mommy. Ugali niya kasing gisingin ako kapag pasado na alas syete at hindi pa ako nakakalabas nang kwarto. Kahit inaantok pa ay wala naman akong nagawa kung hindi ang bumangon at mag-ayos. Inaasahan ko na rin naman na late akong magigising dahil mag-aalas singko nang umaga na rin ako nakatulog kanina. Agad kong binilisan ang aking pag-aayos. Ayaw na ayaw ko kasing nahuhuli sa klase lalong lalo na tuwing Lunes.
Habang nagbibihis ay nakita ko sa dresser ko ang aking mga piercings. Napangiti ako. Marahil dahil kay Warren ay hindi ko na kilala ang sarili ko.Agad ko namang tinignan ang hitsura ko sa salamin. Malalaking eyebags, mugtong mga mata, at miserable. Hindi ko maiwasang mapailing.
“Hindi ikaw yan, Rob.” Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin.
Siguro nga dahil sa sobrang nasaktan kaya nagbabago ang tao, kaya palagay nila ay kailangan may baguhin sila sa kanilang katawan o pag-uugali para tuluyan nilang makalimutan at maghilom ang kanilang mga sugat. Pero sa kaso ko naman, wala na akong kailaangan baguhin, sa tingin ko ay may kailangan lang akong ibalik. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Nathan.
"Op, pre, anong atin?" bati niya sa akin sa kabilang linya.
"Sabihan mo si Ken, balik na tayo." utos ko sa kanya. Natahimik naman si Nathan sa kabilang linya at maya maya pa ay narinig ko ang pagbuntong hininnga niya.
" Sige sige. Pero sandali, alam ba ni Wa---" hindi ko na siya pinatapos at agad ko ring pinatay ang tawag. Sa totoo lang ay ayaw kong marinig ang pangalan niya ngayong araw. Nasasaktan pa rin kasi at nabubwesit sa kanya at sa nangyari kanina.
Nagkatapos kong ibaba ang tawag ay agad ko ding sinuot ang aking mga piercings. Tatlo sa kanang tenga ko at isa sa bibig. Agad ding akong nagsuot ng itim na sando at tattered na jeans na pinarisan nang combat boots saka leather jacket. Pagkatapos kong magbihis ay tinignan ko muli ang aking sarili sa salamin. Agad akong napangiti.
“Now that’s more like it. Welcome back Roberto Dela Rosa III .” nakangising kausap ko sa sarili ko saka lumabas ng kwarto ko.
Habang pababa ay nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ng aming mga katulong. Alam nilang nagbabalik na ang demonyong Robert na kinatatakutan nila.
Nang dumaan ako sa kusina ay narinig ko pang tinawag pa ako ni Mommy para mag-agahan ngunit hindi ko nalang pinansin. Dumeretso na ako sa garahe. Habang naglalakad sa aming malawak na garahe hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi kasi ako makapaniwala na gagamitin ko ulit ito. Sa tatlong sasakyan ko, ito ang minsan ko lang ginagamit.
Ang palagi ko kasing ginagamit ay yung Porsche 911 GT2 RS MT ko at ang isa ay yung 2017 Maserati Ghibli Base RWD. Ginagamit ko lang ito kapag sobrang galit ako o gusto kong magpasikat sa mga chicks o talagang sobrang frustrated ako. Sa ngayon, gagamitin ko 'to para malaman ng mga tao sa campus na nagbabalik na ako at dapat na silang matakot.
"It's quite unusual to see you walking to that car." sabi ng isang boses sa likod ko na nagpatigil sa akin sa paglalakad.
"Is there something wrong, son?" nag-aalalang tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin na wari mo’y nagaalala.
"Tsss." ismid ko nalang sa kanya at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"I see. Bumalik nanaman si Roberto na aking mortal na kaaway.” May kalakasang sambit niya sa akin dahil medyo nakakalayo na ako. Hindi ko naman iyon pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Habang naglalakad ay ihinahanda ko na rin ang sarili sa mga masasakit na salitang pwede niyang isumbat sa akin.

BINABASA MO ANG
My Daddy's Assistant [boyxboy]
ActionAmidst all chaos, I am happy I found you. all rights reserved, 2019