Malaki ang school campus namin noong high school at may lugar talaga akong pangarap na mabalikan. At napuntahan ko na naman, sa wakas.
Maganda talaga rito. Parang isang portal papuntang langit.
Kung gusto ng katahimikan, dito ang best na puntahang parte ng school: ang Dean's Fountain.
May apat na building ang school namin. Einstein ang sa high school. Newton sa elementary na kaharap ng building namin. Dean's ang likuran ng stage at parehong nasa dulo ng mga building namin. At katabi ng Dean's ang building kung nasaan ang canteen at library sa second floor n'on.
Nasa pagitan ng Newton at Dean's ang location ng fountain. Kasama ng chapel. Isang wooden gate ang entrance at sa loob ay may wishing fountain na limang metro ang lapad at kalahating metro ang taas sa lupa. Seven feet naman ang lalim below the ground. Nakalagay naman sa paalala sa gilid ng fountain ang mga detalye. May bakod pang gawa sa semento na kasintaas lang ng hita ko. May mga engot na nalaglag sa fountain noon at lahat ay mga nabalian at napahiya dahil sa katangahan. Kaya nga bawal na ang mga bata sa lugar at isinara na rin sa iba pang estudyante ang lugar para iwas-aksidente.
May swing at bench na nakatapat sa fountain doon sa dulo na malapit sa bakod. Wooden bench sa katapat ng entrance, swing naman sa kanan na malapit sa chapel. Masarap tumambay roon kasi madalas na tumugtog ng piano si Ma'am Alice sa room na katabi lang ng fountain. Ang ganda ng lugar kasi malilim dahil sa mga puno ng mangga at langka, at kaunting sun rays lang ang tumatama sa lupa. Ang ganda pa ng flooring, puro mga pebble at hindi lang basta maputik na lupa. Ginastusan talaga nina Ma'am Bergado—ang may-ari ng school.
Siyempre, ang lahat ng magaganda at tahimik na lugar ay binabantayan ng isang mabagsik at malupit na guard.
Oh, si Angelo pala ang tinutukoy ko.
Pumasok na 'ko sa gate. Ang entrance papunta sa napaka-breathtaking wishing fountain ng school. Ang gate na pawang mga matatapang lang ang nakakapasok.
Twice pa lang akong nakapasok dito simula noong nagawa 'to. Absent kasi noong mga panahong 'yon si Angelo.
And speaking of Angelo, naabutan ko siyang kumakaing mag-isa sa may bench.
Naglakad ako na parang walang pakialam sa mundo at umupo sa bakod ng fountain sa harapan mismo ni Angelo. Napahinto siya sa pagsubo at gulat na tumingin sa 'kin. Tiningnan ko lang din siya habang nag-de-kuwatro ako at nakapatong ang dalawang kamay sa bakod.
"Ano'ng ginagawa mo rito, ha?" galit niyang tanong sa 'kin.
"Magpapahangin lang," sagot ko naman habang nakangiti.
Padabog niyang ibinalik sa baunan ang kinakain niya at tinakpan 'yon.
"Alis!" Tumayo na siya at lumapit sa 'kin.
"Masama bang tumambay rito, ha?" naiinis kong tanong kasi feeling naman niya, pagmamay-ari niya 'tong fountain.
"Para sa 'yo, oo!" Kinuha niya ang kuwelyo ng blouse ko at hinila ako patayo.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Itinulak ko agad siya nang malakas pagtayo ko kasi . . . grabe naman! Kinuwelyuhan pa talaga 'ko? "Sabi nang—"
At kamalas-malasan pa! Napaatras ako at napatid sa bakod na inupuan ko.
"Angelooo!" Pabagsak ako sa direksyon ng fountain kaya kinuha ko agad ang uniform ni Angelo para may makapitan.
"Hoy!" Nagulat din siya sa ginawa ko kaya nadamay na siya sa pag-atras ko. Napahinto siya nang maihawak ang kaliwang kamay niya sa bakod habang ang kanang braso niya naman ang nakapalibot sa likod ko.

BINABASA MO ANG
When It All Starts Again
Teen FictionAnim na taon mula nang magbago ang nakalakhang buhay ni Stella Daprisia, inisip niyang isang malaking pagkakamali na ang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay. Mula nang iwan ng mga itinuring na kaibigan, iwan ng sariling ama upang sumama sa ibang ba...