抖阴社区

[2nd CHAPTER]: Collide

Magsimula sa umpisa
                                    


"Aray putek!"nanggigigil kong wika nang makagat ako ng langgam sa braso.


Lumingon ako sa hawak kong sanga at narealize na may mga langgam na nagapang dito. Nanlaki naman ang mata ko nang mapatigil si Axel sa pagsasayaw at dinampot ang speaker niya.


"May tao kaya dito? Wala namang ibang tao dito baka may engkanto dito,"mahinang wika ni Axel habang napatitig sa gilid niya.


Pahamak kang langgam ka bwiset, buti na lang shushunga-shunga si Axel at hindi niya nalamang galing sa itaas ng puno yung boses ko.


Pinatay na niya ang speaker niya at binalik ito sa bag.


"Makaalis na nga baka maengkanto ako dito tsk!"tumakbo siya paalis dito.


Takot ba siya sa mga engkanto at multo? Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi eh kasi nakaligtas ako. Tumawa na lang ako nang mahina at bumaba na ako sa puno. Habang naglalakad ako ay saktong may isang MAPEH teacher galing sa MAPEH department na nakakita sa akin kaya napatakbo ako bago pa niya matandaan ang mukha ko.


Siguradong alam niyang galing ako sa likod ng buiding at buti na lang at hindi niya ako kilala. Binilisan ko pa ang takbo papunta sa gate palabas. Palubog na ang araw at kailangan ko na ngang umuwi bago pa ako abutan ng dilim.


"AH!"ungol ko, este sigaw ko nang may makabangga akong tao na mabilis ring natakbo.


Napaatras ako nang kaunti at napaupo sa lupa.. Pareho ba naman kaming natakbo at nagkabanggaan para tuloy kaming trumpo na nagsalpukan.


Napailing na lang ako habang nakapikit ang mga mata ko dahil sa kashungaan ko.


"Abednego! Ikaw pala yan"napadilat ako at napatingin sa taong nakabanggaan ko na napaupo din sa lupa.


Si Axel yung nakabanggan ko patay, karma ko ba ito sa pagsunod ko sa kanya?


"Ok ka lang ba?"tumayo siya at nagpagpag ng pantalon niya.


"Ah, oo naman!"tumayo na rin ako at nagpagpag.


"Sorry ha, hindi kita nakita,"nagkamot siya ng batok na halatang nahihiya.


"Sorry rin, ikaw wala ka bang sugat?"concern ako sa kanya siyempre.


"Wala naman, ayos lang ako,"sagot niya.


"Ganun ba, sige mauuna na ako,"gusto ko nang makaalis baka hindi ko kayanin yung kilig.


"Sige, ingat ka,"ngumiti siya saglit at umalis na.


Ingat ka rin, at ingat rin sila sayo haha. Hindi na ako nakasagot sa kilig, first time na naman niya akong masabihan nun grabe. Buti na lang at hindi siya naghinala sa akin. Ok lang saken na magkabungguan kami, kahit araw-araw pa eh hahaa joke lang.


Umuwi na ako nang hindi maalis ang ngiti sa labi. 


"Himala yata ngayon at ang saya-saya mo nak,"bungad sa akin ni mama na naghahanda para sa hapunan.


"Oo mama, tulungan na kita pagkatapos ko magbihis,"nakakahiya mang aminin, pero mama's boy ako.


Lalo na simula noong mamatay si papa 5 years ago. Kaming tatlo na lang ni mama at ng kuya Andre ang nandito sa bahay.


Pagkatapos naming maghapunan, naligo ako bago magbukas ng facebook at muntik na akong mapasigaw sa nakita ko.


You have 1 new friend request:

Axel Lars Remoto                                                                                                                                                                80 mutual friends                                                                                                                                                  Confirm | Delete


Last year ko pa naging kaklase itong lalaking ito pero ngayon lang naisipang magsend ng friend request. Nahihiya rin naman kasi akong magsend eh gusto ko ibang tao nagsesend ng friend request kahti crush ko pa, pabebe ba ako?

Hindi na ako naghesitate pang pindutin ang confirm button. Tumunog naman ang messenger ko at nakatanggap kaagad ng chat galing kay crush.


Axel:

Hi Abednego :) Wag mong ipagsabi kahit kanino yung nangyari sa atin kanina ha. Lalo na yung pagmention ko sa porn.


Me:

Big deal ba yun para sayo? Wag kang mag-alala, di ko ipagkakalat.

Axel:

Oo? Nagpapabango ako ng pangalan kay Paulyn eh mahirap na baka ma-reject pa ako.

Me:

Geh.

Axel:

Friends na tayo ha ;)


Naku umayos ka, kindat kindat ka na lang diyan baka mahimatay ako sa kilig!

Me:

Sige ba.

Kunwari tigasin ako pero marupok talaga ako pagdating sayo.


Axel:

Tatawagin na lang kitang Abed, masyadong mahaba eh.

Me:

Ikaw bahala.

Tapos seen na lang kaya tumunganga muna ako sa kisame bago mag-advance reading nang kaunti. Hindi ko maiwasang kiligin kasi tatawagin na niya ako sa nickname ko, friends na kami lumelevel-up na kahit papaano at kung may nagugustuhan na siyang iba, mas mapapanatag ako kung hanggang friends na lang kami. 

.

.

.

Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon