Pinaglaruan naman ni Cedric ang cellphone ko at inilagay ito sa back pack ni Aiden. Paano nila nalaman iyon?
"Ibalik mo sakin yan,"sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, ibang usapan na kapag sinira nila ang cellphone ko.
"Wala naman talagang ginagawa si Axel eh, sa akin nanggaling yung letter,"inilabas pa niya ang isa pang letter na kapareho nung nasa akin.
Pero gayang-gaya ang sulat-kamay ni Axel kaya hindi ako nagtaka. Sa bagay, matagal na silang magkakilala at kaya niyang gawin iyon.
"Makakaganti na rin ako sayo kahit papaano,"tumawa siya saglit at naglabas ng isang susi sa bulsa niya.
"Anong gagawin niyo? Ibalik niyo ang cellphone ko!"sinubukan ko siyang hawakan, pero nandito na sa gilid ko ang dalawang kaibigan niya at hinawakan ako sa magkabilang braso ko.
"Pasalamat ka at hindi ka namin masasaktan,"tumingin silang lahat sa akin na parang natatawa.
Tinanggal niya ang kandado sa pintuan ng com lab, wala itong door knob kaya kandado lang ang lock nito sa labas ng room. Binuksan ni Aiden ang com lab na walang bintana dahil airconditioned room ito. Balak nila akong ikulong dito?
"Bitawan niyo ako!"sinubukan kong makawala dahil de hamak na mas matatangkad ako sa kanila, pero hinigpitan nila ang paghawak sa akin.
Lalo na si Cedric na mukhang nanggigigil, wala naman akong naalala na nagawan ko siya ng kasalanan. Kung one on one lang siguro kami ni Aiden ay nakatikim na siya sa akin.
Sumubsob ako sa sahig nang bumwelo ang dalawa at tinulak ako papasok. Bago pa ako makalabas, sinaraduhan nila ako at nag-iisa lang ako sa madilim na room. Nasa kabilang side pa ng room ang switch ng ilaw, pero takot ako sa dilim at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Hoy hindi magandang biro to!"kinalampag ko ang pinto.
Narinig ko ang malalakas na tawanan nila, pakiramdam ko napahiya ako nang sobra.
"Buksan niyo to!"nilakasan ko ang pagsigaw, nagbabakasakaling matakot sila at magbago ang isip nila.
Wala akong kahit sinong mahihingian ng tulong dahil nasa kanila ang cellphone ko. Nagsimulang uminit ang sulok ng mga mata ko at parang tumatak sa isip ko ang tunog ng mga tawanan nila.
"Wag kayong magpanggap na walang narininig! Buksan niyo to!"inilabas ko ang namumuong galit sa loob ko at nilakasan ang pagkalampag sa pintuan.
Matibay ang pinto ng com lab para masigurong hindi ito basta basta mapapasok, kaya naramdaman ko ang paghapdi ng mga kamay ko. Pero mistulang nawala sa isip ko na matibay ito nang mas madagdagan ang galit na nararamdaman ko. Tanging mga pagkalampag at pagsigaw ko lang ang naririnig ko, sana ay may dumaang ibang tao dito.
"Alam kong naririnig niyo ako, palabasin niyo ako please!"inilabas ko ang lahat ng galit sa pagkalampag ng pintuan hanggang sa tumigil ako nang maramdaman kong namamanhid na ang namumula kong kamay.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...