"Anak ng!"nakilala ko kaagad ang boses ni Ren, at bigla niya akong sinugod.
Samantalang yung isang lalaki ay tumakbo paakyat.
"Anon bang gusto mong mangyari Ren?!"sinalo ko ang kamay niyang sasapakin na sana ako. Tinulak ko siya nang malakas papunta sa matibay na lamesa nila Kai.
Dali-dali akong umakyat nang makitang kinakalikot ng isa pang lalaki ang door knob sa kwarto ni Kai. Ipinulupot ko ang kaliwang braso ko sa leeg niya, tinanggal ko ang takip sa mukha niya. Bigla akong siniko ni Daniel sa bandang dibdib, at nabitawan ko siya nang sisikuhin na niya sana ang panga ko.
Bago ko pa siya hatakin palayo sa pintuan ni Kai, ay napasigaw ako nang may maghampas ng kahoy sa likod ko. Pwersahan akong pinaluhod ni Ren, habang si Daniel ay patuloy lang sa pagkalikot ng door knob. Hindi nila pwedeng galawin si Kai!
"Ano bang ginagawa niyo dito? Hindi niyo ba tatantanan si Kai hanggang sa bahay niya?!"hindi ko talaga alam kung ano ang gusto nilang magyari.
"Hindi na sana siya madadamay dito kung hindi niyo siya naging kaibigan nila Axel. Tatakutin lang naman namin yang kaibigan mo. Pero nang dahil sa pagsulpot mo, hindi ko alam kung magbabago ba ang isip ko o hindi,"magkahalong galit at kaba ang naramdaman ko nang sabihan ako ni Ren.
Sinubukan kong hablutin si Ren, pero bago ko pa siya mahawakan ay napasigaw ako nang madiin ang sugat ko sa balikat. Pakiramdam ko dudugo ito sa tindi ng pagkakabao niya.
"Abed!"umakyat lalo ang kaba sa sistema ko nang lalapitan na sana ako ni Kai, pero tinulak siya ni Daniel palayo at sinarado niya ang pintuan para hindi ko makita kung ano man ang gagawin niya. Narinig ko ang tunog ng pagkabasag sa kwarto ni Kai at hindi ko maitago ang panginginig ng kamay ko.
Bago ako mahawakan ni Ren, ay pinigilan ko na ang mga kamay niya at tumayo ako. Sinapak ko siya nang malakas at nang mapahiga siya malapit sa hagdanan, tinadyakan ko siya at gumulong siya pababa ng hagdanan.
Dali-dali akong pumasok sa kwarto at nadatnan kong nakapaibabaw si Daniel, habang sinusuffocate si Kai gamit ang malaking unan. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang bed sheet ni Kai na may bahid ng dugo at nagkalat na bubog ng lamp shade sa sahig. Tuluyan nang nanaig ang galit sa loob ko at malakas na hinatak si Daniel at inihulog siya sa kama. Hinawakan ko nang mahigpit ang buhok niya at inumpog ko siya nang tatlong beses sa sahig.
Ako naman ang pumaibabaw sa kanya para hindi na siya makagalaw.
"Tarantado talaga kayong lahat! Sinaktan niyo si Axel, at ngayon naman ang nananahimik na si Kai! Wala kayong konsensiya!"ilang beses kong sinapak ang mukha niya hanggang sa hindi na siya gumagalaw.
Ang payapa at ang tahimik na buhay ng ordinaryong tao katulad ko ay mababago nang dahil sa mga katulad nilang masasama. Wala naman silang mapapala sa pananakit sa iba at naiinis ako sa takbo ng isip nila na parang hindi nila ginagamit nang maayos ang utak nila.
Naaalala ko na ang isa sa mga hindi magagandang alaala ni Kai sa kabataan niya bukod sa pang-iiwan ng papa niya, ay ang pananakit sa kanya. Lalo na kung wala ang mama at ate niya sa bahay nila, madalas niyang pinagbubuhatan ng kamay ang 7 years old na si Kai at kapag naririnig niya itong umiiyak sa oras ng pagtulog, ipinapatong niya ang unan kay Kai at sinusuffocate siya sa pag-aakalang mananahimik si Kai kapag ginawa niya iyon. Naabutan iyon ng mama niya at doon naglakas-loob ang mama niya na ipademanda at makipaghiwalay sa asawa niya.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...