抖阴社区

[3rd CHAPTER]: Can I Have This Dance?

80 9 3
                                    

Lumipas ang dalawang linggo at unti-unti ko nang nararamdaman na pasukan na talaga. Nakukwento ko naman kay Kai lahat ng tungkol kay Axel.


"Sana lang swertehin tayo sa magiging kagrupo natin sa Practical Research 2,"sabi ni Kai habang naglalakad kami palabas ng canteen.


"Sinabi mo pa, kinakabahan rin ako sa PE kasi sasayaw tayo,"sagot ko naman habang inaalala ang sinabi ng teacher namin kanina.


"Kaya natin to, lalo na ikaw dapat mainspire ka kasi bago tayo gagraduate, magkaibigan na kayo ni Axel!"dinutdot niya ang pisngi ko.


Oo nga, dapat hindi lang ako puro kilig at kaharutan haha.


"Hanggang ngayon pa rin pala ganun ka pa rin, bebe"napalingon kami bigla ni Kai sa taong nagsalita sa gilid namin.


Ang natawag lang sa akin ng bebe ay ang mga nambully sa akin simula Grade 8 nang makita ng kaibigan nila ang ginuhit ko. Apat silang nakakaalam tungkol sa ginuhit ko at sa katotohanang bakla ako. Hindi ko alam kung anong natakbo sa utak nila kung bakit hindi pa nila pinagkakalat na bakla ako.


"Nagkataon pang magkaklase na kayo ni Axel, kaya hindi na ako magtataka kung gusto mong agawin kay Paulyn si Axel,"nakangising wika pa ni Aiden.


Ang tatlo niyang kabarkada ay nasa ABM, siya lang ang nagtake ng HUMSS at nagkataon ring kaklase namin siya ni Kai. Masasabi kong marami siyang pagkakatulad kay Axel pagdating sa talento at ang higit sa kanya, childhood friend siya ni Axel, pero hindi naman sila yung super close basta magkasundo sila. Matagal ko nang tanong kung bakit mainit ang dugo niya sa akin.


"Ikaw naman, walang ginagawa yung kaibigan ko sayo tapos nagsisimula ka na naman,"nanggigigil na sagot ni Kai.


"Basta tandaan mo Abednego, sisiguraduhin kong kakalat ang baho mo kapag naging mas malapit ka pa kay Axel,"pagbabanta niya sa akin at nagtawanan ang mga tropa.


Kailan pa naging masama ang pagiging bakla? Pero yung ginuhit ko noon, masama ba yun?


"Wag ka nang magtaka kung mapapaaway ka sa oras na galawin mo ako, Aiden"I hissed na parang sumpa ang pangalan niya.


Ayoko sa lahat ang inaaway ako at hinahamon kahit nananahimik ako.


"Tignan lang natin,"umalis na ang apat na tukmol.


Sarap umirap.


"Dapat na ba akong kabahan sa gusto niyang gawin sayo?"sarcastic na komento ni Kai.


Tumawa lang ako nang kaunti. Wala akong balak na sundin ang sinasabi niya at hindi naman ako nahihibang para pagtangkaang agawin ang taong alam kong may mahal nang iba.


"Uy!"napakurap ako nang may pumitik sa noo ko.


Medyo mahapdi ha.


"Hello Kai!"si Axel pala yung pumitik, sige ayos lang isa pa.

Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon