抖阴社区

[19th CHAPTER]: Stubborn

64 5 6
                                    

Kaya ko kayang magpanggap nang hindi lasing? Bumaba na rin sa kotse si Kai at nang makalabas siya ay hinatak ko kaagad yung pintuan ng kotse para isarado. Ayokong lumabas yari ako kay kuya!


"Abed, bakit ayaw mong lumabas?"kinatok pa ni kuya ang bintana at napahawak na lang ako sa mukha ko sa kaba.


"Kai, may gusto ka bang sabihin kung anong nangyari?"si Kai ang palaging nagsasabi ng totoo kaya siya ang tinatanong ni kuya sa tuwing ayaw kong magsabi.


"Nalasing po kasi siya Kuya, wala naman pong drinks doon pero may nagbigay po sa kanya ng inumin na hindi po namin alam na cocktail pala,"diretsong sagot ni Kai.


"Ibig-sabihin, may gustong mangtrip sa kapatid ko? May kaaway ba siya?"kalmado pa si kuya sa lagay na yan pero anytime magiging incredible hulk na siya.


"Wag po kayong mag-alala, poprotektahan po namin siya kung may mang-aaway sa kanila. Hindi po kasi alam ng chicks na nagbigay kay Abed na nakakalasing pala yung binigay niya,"ang bilis makagawa ng palusot ni Axel, yun nga naman kasi yung sinabi ni Ren, na galing sa secret admirer yung inumin.


"Imposible naman yata yang sinasabi mo, pinagloloko mo ba ako?"nakahalata ba si kuyang nagsinungaling si Axel?


Mariin niyang tinignan si Axel na kung nakakamatay lang ang tingin ay baka dead on the spot na si Axel.


"Psssst!Lumabas ka na diyan"singit ni Kai at sumilip sa bintana.


"At ikaw, hindi ka makakaligtas saken kung ayaw mong basagin ko ang bintana ng kotse ni Alex!"ako naman ngayon ang makakatikim sa galit niya yari na.


"Axel kasi yun kuya, bobo amputs!"hindi ko mapigilan ang bibig ko at napatakip na lang ako sa bibig ko dahil narinig nilang lahat.


Nagpigil ng tawa si Axel, kabaligtaran naman ni Kai na parang gusto nang maihi sa kaba. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga ni kuya, at bago pa niya totohanin ang pagbasag sa bintana ay lumabas na lang ako.


"Basag basag ka pang nalalaman wala ka namang pambayad tsk! Mabuti nga at nagmalasakit pa si doggie na ihatid ako eh!"sinubukan kong tapatan ang galit niya ng kalokohan ko.


Napasandal na lang ako sa kotse sa hilo at pinat ko ulit ang ulo ni Axel na parang aso.


"Tama na nga yan, walang patutunguhan ang pang-aaway mo sa kaibigan nitong kapatid mo Andre,"kumalma na rin sa wakas si kuya nang marinig niya ang saway ni mama sa kanya.


"At kayong dalawa, umuwi na kayo at may pasok na bukas,"mahinahong sabi ni mama at ningitian sina doggie at ningning.


"Ako na magpapasok sayo sa loob, di pa tayo tapos mag-usap,"hinablot ako ni kuya at inalalayan.


"Sige po, maraming salamat po Tita,"magalang na sabi ni Ningning.


Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon