Hinayaan ko lang ang sarili ko na magpahatak sa taong hindi ko nakita kung sino. Gumaan ang loob ko at hinayaan lang ang sarili na lumuha dahil natatakpan ang mukha ko. May tiwala akong ligtas ako sa taong ito, dahil hinayaan niya akong ilabas ang sakit na nararamdaman ko nang hindi niya ako tinitignan. Binigyan pa niya ako ng privacy sa pamamagitan ng pag-tabon ng blazer niya dahil sigurado akong hindi ko kakayaning makita ng taong hindi ko kilala ang mukha kong panigurado akong namaga na kakaiyak.
Lumakas ang hangin at tumigil na kami sa paglalakad, nang alalayan niya akong umupo sa isang lugar na taging ang ihip ng hangin lang ang naririnig ko.
Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at ilagay ang pamilyar na bagay sa palad ko, ang cellphone ko. Paano niya nalamang nasa kanila rin ang cellphone ko?
"Abed,"napatigil ako sa paghikbi ko nang mahina nang makilala ang boses ni Axel.
Nanaig ang katahimikan, at parang sinasabi ng pananahimik niya na hayaan ko lang ang sarili ko na ilabas lahat ng nararamdaman ko at handa siyang makinig. Tahimik akong lumuluha sa blazer na pagmamay-ari niya pala. Nang magawa ko nang pakalmahin ang sarili ko kahit papaano, ibinaba ko ang blazer na nakapatong sa ulo ko at ang mga mata ko lang ang hinayaan kong makasilip.
Nasa bench kami sa gilid ng oval na walang katao-tao, at hindi ko napigilang tignan si Axel na nakatingin sa akin. Napanatag ako nang makita ang mga mata niya na halatang nag-aalala sa akin, imbes na mapangunahan ng awa na hindi ko kailangan.
"Nabanggit sa akin ni Kai ang kwento kung bakit takot ka sa madilim na silid. Sorry kung napahamak ka nang dahil sa paggamit sa pangalan ko, Abed,"malungkot ang tono ng boses niya at parang nag-iingat siya sa mga salitang sasabihin niya.
"Wala kang kasalanan,"huminga ako nang malalim bago ko ito sabihin.
Dumating naman si Kai, na may bitbit na tatlong bote ng Smart C at inabutan kami ng tig-isa.
"Nagpapasalamat ako sa Diyos na nabiyayaan kami ni Axel ng pasensiya, kundi kanina pa namin nabalatan nang buhay yang grupo ni Aiden,"tinabihan niya ako, at ako ang nakaupo sa gitna nila ni Axel.
"Kung hindi ko kasama si Kai, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanila kanina,"nag-iba ang aura niya at halos magsalubong na ang kilay niya sa galit.
"Cutting muna tayong tatlo ha, isang subject lang naman ang hindi muna natin papasukan. Mag-iinit lang ang dugo ko kapag nakita ko ang pagmumukha ni Aiden,"masaya pang wika ni Kai.
Ito na ata ang first time na mag-cucutting kaming dalawa, ewan ko lang kay Axel.
"Siguradong hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila. Kapag may nangyari pa sayo sa susunod, hindi ko na alam kung makakapagpigil pa ako,"nakatingin lang sa malayo si Axel, pero halata ang pagbabanta sa boses niya.
Ayoko ng gulo, baka maging dahilan pa ito para mapahamak siya o di kaya magkaproblema sa pagmartsa sa graduation. Sa sunod na may gawin sila ulit, wala na akong choice kundi ang tulungan ang sarili ko para hindi na madamay pa si Axel.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...