抖阴社区

Kabanata VII: Ang Pag-iwas at ang Natuklasan

Magsimula sa umpisa
                                    

“B-Bakit?” mahinang tanong niya sa sarili saka napatingin sa sariling repleksyon sa tubig at ngumiti. “Ang talon na ito ay tinatawag na Raz Zi Nae.”

“Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ni Sefarino.

“Ang talon na ito ay ginawa para sa akin.” Malungkot na ngumiti si Raziel habang inaalala ang nakaraan. “Ang talon na kusang pupula ang tubig. Matagal ko rin itong hinanap. Nagbago na kasi ang lahat.” Tumingin siya kay Sefarino saka malugod na napayuko at nagsalo ng isang mainit na yakap. “Maraming salamat sa pagdala mo sa akin dito.”

Sefarino didn’t know how to react right now. He can feel the warmth of Raziel, his breathe, his comforting scent and the way his heart beats, it’s making his heart melts. Sefarino gently pushed away the phoenix. “Paano ’to magiging sa ’yo kung pagmamay-ari namin ito?”

“Ayokong balikan ang nakaraan.” Lumapit siya sa tubig. “Walang pinagbago, hindi pa rin malamig!” sabi ni Raziel na puno ng pagkamangha ang mukha at masayang inilusob sa tubig ang dalawang paa.

Napangiti si Sefarino at lumapit sa kinaroroonan ni Raziel saka tumabi at inilusob ang isang paa sa tubig. “May parang batis kasi sa taas kung saan nanggagaling ang tubig.”

Napatingin naman si Raziel ng nagtataka kay Sefarino. “Alam ko. At alam mo ba kung bakit maraming ilaw?” naeenganyong tanong ni Raziel pero napangiwi lang ang bampira kaya siya na lang din ang sumagot sa katanungan niya. “Ang mga ilaw ay sumisimbolo ng pagmamahalan namin—”

“Enough. Hindi mo ako maloloko. Umupo ka na lang.”

Napangiwing umupo ang piniks habang pinaglalaruan ang tubig. “Gusto kong kumain ng ubas,” usal ni Raziel sa sarili habang hinihimas ang tiyan. “Ilang araw na rin simula noong huli akong kumain.”

Napakunot ang noo ni Sefarino nang marinig niyang nagsasalita si Raziel ngunit nang tingnan niya ito ay nakangiti lang itong nagmamasid sa daloy ng tubig galing sa taas.

“I heard him. Weird.” Umiling na lang ang bampira saka tumingin sa kumikinang na tubig.

“Ubas! Gusto kong kumain ng ubas~”

Sa pagkakataong ito ay napangiti ang bampira nang marinig niyang kumakanta ito ngunit gano’n pa rin ang ayos ng piniks at ni isang segundo ay hindi niya nakitang bumukas ang bibig nito.

“His inner voice?” Phoenix’s voice brought shiver down to the vampire’s spine. Ang malamig ngunit nakakagaan ng loob na boses ang dahilan kung bakit matagal na napatitig ang bampira at napapapikit. “The melody… it seems familiar.”

Pangungulila ang nararamdaman ni Sefarino at ni isang kasagutan ay wala siyang mahagilap sa mga katanungang umuusbong sa isip.

“Dito ka muna.”

Bago pa man makatapon ng tanong si Raziel sa bampira ay agad itong naglaho. Napakamot na lang ang piniks sa ulo habang nagmamasid sa kapaligirang isang dekada na niyang hindi nakita.

“Leone,” sambit ni Raziel habang nakatingin sa mga ilaw na nagniningning na parang mga bituin.

Halos mapalundag si Raziel sa talon nang biglang may humawak sa kaniyang braso. Agad siyang napasimangot nang makitang ang prinsipe lang pala ito.

“Here.” Inabot naman ni Sefarino ang plastic na hawak niya saka umupo sa tabi ng piniks.

Agad itong binuksan ng piniks sa sobrang takam niyang kumain. “U… ubas? Paano—”

“I don’t know how but I heard you saying you want to eat some grapes,” pagtatapat na paliwanag ni Sefarino saka tumingin sa napakabilog na buwan. “Huwag kang lalayo. Hindi kita mababantayan dahil may gagawin pa ako,” payo ng prinsipe saka pumalakpak ng dalawang beses at manghang nakanganga na si Raziel nang dahan-dahang nagkaroon ng mga kandila. “At kapag gusto mong umuwi, sundan mo lang ang mga kandila.”

Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon