“Maligayang pagbabalik, Ginoong Raziel,” masayang bati ni Ios.
“Nahulog na ba talaga ako, Ios?” Taimtim na nakatitig si Raziel sa umaagos na tubig.
Bumuntong hininga si Ios at tumabi sa piniks. “Ang katanungan na iyan ay para sa iyong sarili.”
Ilang minuto bago magsalitang muli si Raziel. “Naghahanap na siya ng mapapangasawa.”
“Dahil isa siyang bampirang prinsipe, may mga tungkulin siyang dapat gampanan,” paliwanag ni Ios.
Mapait na ngumiti si Raziel saka tumingin sa tagapangalaga. “At isa ang mag-aasawa?”
“Wala kang magagawa, Ginoo.”
“Sa simula pa lang ay wala na talaga. Minarkahan na ako ni Leone at ang mahulog sa kapatid niya ay napakalaking kasalanan.” Tumayo na si Raziel at nagpagpag. “Kailangan kong makaalis sa lugar na ito.”
Bumalik na rin si Ios sa tubig at nakayuko na ngayon sa harap ni Raziel. “May opinyon akong nais ibahagi kung ako’y iyong pahihintulutan.”
“Ano iyon?”
“Huwag kang aalis sa mga Lazarus at doon mo malalaman kung nasaan si Ginoong Leone,” makahulugang suhestiyon ng tagapangalaga.
“Ngunit ang sabi ni Ina ay matagal na siyang wala. Hindi magkatugma ang inyong mga kwento,” nalilitong wika ng piniks.
“Nasa sa iyo ang desisyon kung saan ka maniniwala. Ngunit, umaasa pa rin akong magkita kayong muli, Ginoong Raziel.”
Nasa kawalan pa rin ang utak ni Raziel habang naglalakad papauwi sa mansyon ng mga Lazarus. Hindi niya namalayan na nasa isang masikip na pasilyo na siya dumadaan. Siya’y napahinto ng ilang segundo at nagpalinga-linga upang maalala kung saan siya dumaan. Napakamot na lang sa ulo si Raziel dahil hindi niya alam ang daan papalabas. Ipinagpatuloy niya na lang ang paglalakad at nagbabasakaling siya’y makalabas na.
Bawat hakbang na ginagawa ni Raziel ay siya namang pagbukas ng mga kandila na nakasabit sa pader. Ilang silid na rin ang nadadaanan niya at napahinto na lang nang may naalala. Napatingin siya sa pinto at walang pagdadalawang isip na pinihit ito at pumasok. Pagpasok niya’y bumukas na naman ang mga kandila at lumantad sa kaniyang paningin ang lumang piyanong nagpabalik sa mga alaalang pinagsaluhan nila ni Leone.
Alikabok ang sumalubong sa piniks nang buksan niya ito kaya napaatras siya habang umuubo. Pinunasan niya ang isang silya saka umupo at inihanda ang mga kamay sa keys at nakagawa ito ng melodiyang nakapagpangiti kay Raziel.
“Kailangan kong malaman kung nasaan ka, Leone.”
Tahimik na tumungo si Raziel sa shelves na puno rin ng alikabok. Kumuha siya ng isang libro na halos hindi na niya mahawakan gamit ang isang kamay sa bigat at kapal nito.
“Exile Ariem,” basa niya sa pabalat nito bago basahin ang mga pahinang nasa loob. Nakangiti niyang binasa ang libro. Ito ay tungkol sa iba’t ibang uri ng bampira.
“Sa edad na dalawampu’t isa, ang pagsilang ng isang itinakda bilang isang ganap na bampira ay mas magiging matindi ang paghihirap na makukuha,” pagbabasa ni Raziel na nagpakunot sa noo. Nagbuklat na naman siya. “May pagsisilang pa palang magaganap?”
Pagkatapos niyang basahin ang libro ay kumuha na naman siya ng panibaho at binasa ito. Wala siyang pakialam kung ilang oras na siyang nagbabasa ng iba’t ibang libro tungkol sa mga bampira. Sa pagkakataong ito ay napagdesisyunan niyang kumuha ng pamghuling librong babasahin. Sa rami pa nito ay isang kulay lila ang kaniyang napili at kinuha ito ngunit umuga ang sahig at unti-unting bumukas ang isang shelf at lumitaw sa kaniya ang isang silid na puno ng iba’t ibang obrang nakasabit.

BINABASA MO ANG
Vampire Series 1: Twisted Fate - [MPREG]?
Vampire[Published under Grenierielly Book Publishing!] Isang bampirang nahulog sa isang piniks ng hindi niya namamalayan. Sa unang pagkikita nila ni Sefarino Lazarus na isang bampira ay hindi naging maganda pero habang tumatagal ay nagiging malapit na sila...
Kabanata VII-2
Magsimula sa umpisa