抖阴社区

[6th CHAPTER]: Disclosure

Magsimula sa umpisa
                                    


Me:

Iba ka talaga, ang bilis mong magsend kahit na ang aga pa.

Kai:

Ganun talaga para iwas cramming, ikaw leader ha.


Sipag talaga nito, madalas umandar ang pagiging responsable niya kaysa sa akin.


Me:

Walang ganyanan, bakit kaya hindi na lang yung isa sabihan mo na siya na lang leader?


Kai:

Kilala natin si Axel at alam natin na hindi siya papayag kasi may pagka-shunga siya pagdating sa mga paper works.

Me:

HAHAHAHA

May lumabas na namang isa pang chat head.

Kai Jung created this group

Kai Jung added you and Axel Lars Remoto

Kai Jung named the group Case study peeps

Kai:

Dito na tayo mag-uusap sa gc na ito tungkol sa case study! Go groupmates! Fighting!~


Mabuti na lang at hindi online si Axel, nagsend lang ako ng like botton. Nagpm ulit sa akin si Kai.


Kai:

Alam kong sinusubukan mo nang hindi maging stalker kay Axel hindi tulad dati pero kung magkakagrupo tayo, wag sana maapektuhan yung paggawa natin ng project na ito.


Me:

Oo alam ko, professionalism katulad ng sinabi ni Kevin noon.


Si Kevin ang isa pa naming close friend na nakakaalam na bakla ako bukod kay Kai pero nag-aaral siya sa US.


Kai:

Sige, matutulog na muna ako ha.

Me: 

Geh, bye na.

Napabangon ako sa sofa nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nakauwi na sila mama na may dala-dalang dalawang box ng pizza galing sa greenwich. Kayang-kaya naming ubusin yun kahit na tatlo lang kami.


"Nagawa mo na ba yung inutos ko sayo kanina?"bungad ni mama.


"Opo,"sagot ko at excited na binuksan ang isang box ng pizza.


"Ikaw ah, bukod pala kay Kai may iba ka na rin palang kaibigan,"nagtaka ako sa sinabi ni mama.


"Kala ko hindi ka na magkakaroon pa ng iba pang kaibigan bukod kay Kai, ano nga ba ulit pangalan nun? Alex? Basta Remoto ang apelyido,"sabi ni Kuya.

Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon