抖阴社区

[10th CHAPTER]: Slice of Life

Magsimula sa umpisa
                                    


Natahimik kaming lahat at parang nawalan na ng gana kumain, nakakakonsensiya dahil ako ang nag-open up tungkol dito.


~~~

Lunes na at bumalik na sa dating sigla si Axel na todo na ang dikit kay Paulyn, siguro para mabantayan ito. Hindi ko pa siya naaasar tungkol sa palayaw niya, sa sunod na lang. Umaga hanggang uwian, kasama niya ito at hindi niya hinahayaang mawala sa paningin niya. Naibalik na rin pala sa akin ni Pau yung jacket ko.


"Alam mo ba Abed, may hindi ako nasabi kay Axel noong Friday sa clinic. Pinili ko na lang na itago kasi panigurado akong malaking gulo ito,"mahinang wika ni Kai habang kumakain ng tanghalian.


Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.


"Nakilala ko ang isa sa mga lalaking muntik nang mang-rape kay Paulyn. Si Renzo, isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Paulyn na kaklase niya noon pang Junior high school,"napatingin ako sa paligid para siguraduhing walang ibang nakikinig.


"Bakit naman gagawin yun ng mismong close friend niya?"sabi ko.


"Hindi ko alam, it's either matagal na siyang pinagnanasahan ni Renzo, o may ibang nangyayari na hindi natin alam, na may kinalaman kay Axel,"kinabahan ako sa sinabi ni Kai.


Posible bang may pinaplano si Renzo kay Axel? O nag-ooverthink lang kami?


"Pero nararamdaman ko talagang may mali,"dagdag pa niya.


Sinenyasan ko si Kai na tumahimik nang makita kong naglalakad si Axel papunta dito.


"Hi,"masaya niyang bati at may nilabas na dalawang pouch na kulay blue.


"Nga pala, cookies na ginawa ni mama pinabibigay niya sa inyo. Masarap yan pramis,"nahihiya naming tinanggap ang cute na pouch.


"Ang bait ng mama mo, salamat ha,"sabi ni Kai at inamoy ang cookies.


"Pakisabi kay tita na salamat,"sabi ko rin.


"Tsaka kailangan niyong pumunta sa birthday ko next week, inaasahan ko kayo lalo na si mama. Magdala na rin kayo ng extrang damit dahil maliligo tayo sa swimming pool,"sa Tuesday, September 13 na pala ang birthday niya siyempre alam ko.


Nakakamiss ring maligo sa pool, sa mahal ba naman ng mga resort dito bihira lang ako makaligo sa pool. Hindi pa man din kami mahilig sumipot sa party, pero mukhang required kaming pumunta.


"Kapag hindi kayo sumipot, sigurado akong hahanapin ni mama ang mga bahay ninyo at sasama rin ako sa kanya. Nararamdaman kong hindi kayo palasipot sa parties eh,"dagdag pa niya.


Sabi ko nga eh, mandatory, ang lakas naman namin sa mama niya.


"Sige pupunta kami, burnok"dahil mabait ako, hindi ko hinayaang marinig ng iba ang sikretong palayaw niya.


Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon