Napakagat siya sa labi niya na parang nagpipigil ng inis.
"Ha, ha, ha,"halata ang kawalan ng humor sa tawa ni Kai nang mapansin naming titig na titig sa akin si burnok na parang may binabalak gawin.
Napatalon ako nang kaunti sa gulat nang hawakan niya ang magkabilang-pisngi ko. Akala ko sasapakin na niya ako.
"Ay, aray!"pinisil niya nang malakas ang pareho kong pisngi.
"Ang lakas lakas mong mang-asar, nakakainis ka Abed!"halata ang asar sa boses niya at paulit-ulit na pinisil ang pisngi ko habang nakangisi.
"Mamamaga pisngi ko sayo eh! Bitaw na,"hindi ko tuloy mabuka nang maayos ang bibig ko.
"Paggigigilan muna kita,"ngumiti siya at patuloy na pinipisil ang pisngi ko.
"Ah!"pinagpapalo ko ang mga kamay niya, at si Kai naman ay napatulala na lang sa amin.
"Tulungan mo naman ako dito Kai,"malalamog na ang mukha ko.
"Di mo na kailangan nun, nag-eenjoy akong panoorin kayo,"best friend pa naman kita naku.
Binitawan na rin niya sa wakas ang pisngi ko at ramdam ko ang init, pulang-pula na siguro ang pisngi ko.
"Para ka nang nakablush-on,"hagikgik pa ni Axel na parang bata.
Humagikgik siya for the first time sa harap ko! Anong magic ang nangyari para humagikgik siya nang ganyan.
"Nagantihan rin kita,"umalis na siya at nakangiting tagumpay pa.
"May pagkaisip-bata rin pala siya noh,"komento ni Kai.
"Oo nga eh, hindi lang halata dahil pa-cool siya kuno,"umiiling kong wika.
"Uy paano na ito, anong ireregalo natin sa kanya?"sabi ni Kai.
"Hindi ko alam, basta sabay tayong bumili ha,"di pa ako nakakapag-isip, sa yaman ba naman niya baka meron na siya ng lahat ng bagay.
Inilagay na namin sa bag yung pouch at mamaya na lang kakainin pagkatapos ng sayaw namin sa swing. Dumiretso na kami sa CR para magpalit ng long sleeves na polo at slacks dahil iyon ang susuotin ng mga lalaki, at long sleeves na black with palda naman sa mga babae.
Nakabihis na ang lahat pagbalik naman at pumunta na kami sa kanya-kanya naming partner. Napansin ko pang magkaterno ng suot sina Pau at Axel at nakangiti sila sa isa't-isa habang nagpapractice.
"Bagay sayo yung suot mo ngayon,"napatingin ako kay Claire na nakangiti sa akin.
"Ikaw din, bumagay sayo kasi maganda ka,"banat ko para naman makabawi ako.
"Salamat, kaya natin to,"sabi niya.
"Kaya natin to,"pag-ulit ko para pakalmahin ang kaba ko.
Nagsimula na ang sayawan, at tutok na tutok si Sir kaya todo-concentrate ako sa pagsayaw. Napangiti naman ako nang matapos ang kanta at hindi kami nagkamali. Nagpalakpakan ang lahat at nawala ang kaba ko. Nagkayapan pa si Axel at Paulyn, at naghiyawan ang lahat.
Nag-apiran ang iba, maging si Kai at ang kapartner niya. Nagulat ako nang idikit ni Claire ang katawan niya sa akin, at nang yakapin niya ako.
"Ang galing natin! Ang galing mo, Abed"pinagtitinginan tuloy kami ng iba, at niyakap ko na lang din siya pabalik.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[10th CHAPTER]: Slice of Life
Magsimula sa umpisa