抖阴社区

[13th CHAPTER]: In the darkness

Magsimula sa umpisa
                                    


Nasundan ito ng mga pagsigaw ko ng pagkabigo at hindi ko na napigilan ang mga luhang pilit kong tinatago.


"Pakinggan niyo ako, palabasin niyo ako! PALABASIN NIYO AKO!"kumawala ang isang hikbi mula sa akin at napaupo na lang ako sa sahig sa pagod. Nagsimulang pumasok sa isip ko ang mga ala-alang hindi ko malilimutan.


"Papa, palabasin niyo po ako! Natatakot po ako dito!"kinalampag ko ang pintuan ng storage room ni papa at nakikiusap akong palabasin niya ako.


Nakita niya ang report card ko, at nagalit siya nang makita ang pinakamababang grado ko na 86 sa math noong Grade 3 ako.


"Kailangan mong magtanda, kung bakit ba kasi kita pinayagang pag-aralin kung ganyang grades ang ibibigay mo sa akin!"napapitlag ako sa sigaw niya, kahit na wala siya sa harapan ko.


"Papa, wag niyo na pong ikulong si Abed, please,"nakikiusap sina Kuya Andre, maging si mama ay pilit akong pinapakalma dahil takot ako sa dilim.


"Kasalanan niyo rin ito! Kinunkunsinti niyong maging mahina itong batang to!"mas lalo akong natakot dahil alam kong aawayin na niya rin sila mama.


"Tama na po!"alam kong naiyak na rin si Kuya sa pagkakataong iyon.


"Napaka-unfair mo! Matagal na sana kitang nilayasan pero nang dahil sa mga anak mo, sinakripisyo ko ang lahat ng meron ako maski ang trabaho ko! At eto ikaw, napakabait sa ibang tao pero sa asawa at mga anak mo malupit ka!"hindi ko na napigilang humagulgol sa sigaw ni mama. Narinig ko lang ang padabog na pagsara ng pintuan sa labas at ang malutong na pagmura ni papa.


Naalala ko rin na hindi ako nakapasok ng ilang araw nang turuan ako ni papa sa math, dahil sa mga natamo kong pasa at sugat sa binti. Namaga ang binti ko sa paulit-ulit niyang paghampas sa akin sa tuwing hindi ko kaagad nakukuha yung tinuturo niya.


Kailanman, hindi ko magawang tumingin sa ibang bata dahil nanliliit ako sa sarili. Palagi akong naikukumpara sa iba at siyempre, ako palagi ang mababa sa paningin nila, lalo na si papa. Hindi ako makapaniwalang kung sino pa ang ama ko, siya pa ang pinaka-unang taong mangmamaliit, ako na nagmula sa sarili niyang dugo.


Napahagulgol ako nang tuluyan, kahit na nahihirapan na akong huminga at masikip ang dibdib ko. Tinakpan ko ang mga mata ko, gamit ang kanang braso ko at nanatili akong nakayuko.


Nakakapagod maging mahina, nakakapagod isipin na wala na akong magagawa dahil ganito na ako, na walang silbi. Nakakapagod nang malagay sa sitwasyon na wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak.


Pakiramdam ko walang nakakarinig sa akin.


Pakiramdam ko walang nakakakita sa akin.


Pakiramdam ko iiwan ako ng lahat dahil walang makakatiis sa ugali ko.


Pakiramdam ko nabubuhay lang ako para pagtawanan at gawin kung ano ang gusto nila, ang umiyak at maging mahina sa harapan nila.


Ang hirap itago sa kanila ang tunay na ako, na bakla ako, na mababaw ang luha ko. Ang sakit sa kalooban sa tuwing kailangan kong pigilin ang emosyon ko at manahimik na lang habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Paano ako nabuhay nang ganito sa loob ng labimpitong taon?


Lumakas ang tibok ng puso at napayuko ako lalo nang maaninag ko ang isang liwanag. Tama ba akong bumukas na ang pintuan? Nakita ko lang ang naglalakad na pares ng sapatos at hindi ko magawang tignan ang taong ito dahil sa itsura ko.


Naramdaman ko ang pagpatong ng blazer ng uniform sa ulo ko na parang tabon upang hindi makita ang mukha ko. Napapitlag ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko at inalalayan ako sa pagtayo. Napansin kong maingat ang paghawak ng taoing ito sa akin. Nanginginig ang buong katawan ko, pero may humawak sa braso ko at hinatak ako paalis sa madilim na lugar na ito kaya nabawasan ang takot ko.

.

.

.

Wings [c. yj ? c. sb] ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon