"Hindi mo kailangang solohin ang problema, alam kong iniisip mo na magkakagulo kapag nakialam kami. Kasama mo kami sa laban mo at malinaw na sila ang may mali,"seryosong wika ni Kai.
Tinanggal ko na ang blazer at ipinatong ito sa kandungan ko. Sigurado akong namumula ang ilong at mata ko nito kakaiyak. Huminga ako nang malalim at uminom sa Smart C na galing kay Kai. Nagulat ako nang tapikin ako ni Axel sa balikat, at mukhang kumalma na siya.
"Paano nga pala si Paulyn? Diba kasama mo siya kanina?"naalala kong si Pau pala ang number 1 priority niya.
"Sinabi kong umuwi na ako dahil may emergency, ayoko naman sabihing nag-cutting ako baka mamaya maturn-off siya,"casual niyang sagot.
"Bakit hindi mo sinabing may ginawa ka na may kinalaman kay Abed?"pagtatanong ni Kai, maski ako naisip ko rin yan.
"Matampuhin kasi siya eh, hindi lang siya nakakaangal kapag sinabi kong emergency,"nagkatinginan kami ni Kai sa sinabi niya.
Ano kayang meron sa ganung pag-uugali ni Pau na matampuhin? Masama naman mapasobra yung pagiging matampuhin.
"Salamat sa inyong dalawa, lalabhan ko na lang itong blazer mo Axel, puro ko na kasi uhog to eh"napabuntong-hininga na lang ako sa nangyari ngayong araw na ito.
"Sige,"ningitian niya ako at ginulo niya ang buhok ko.
Inakbayan lang nila akong dalawa at nagkuwentuhan kaming tatlo tungkol sa masasayang alaala. Alam kong walang permanente sa mundong ito, pero ang makasama sila sa mga pagkakataong kailangan ko ng kasama ay isang napakagandang alaala para magkaroon ako ng pag-asa.
~~~
Lumabas na kami sa school kanina bago pa kami makasalubong at makita ng mga kaklase naming mag-uuwian na. Umuwi na si Axel, salamantalang kami ni Kai ay tumambay pa sa isang playground na malapit sa bahay nila Kai.
"Ayos ka lang ba talaga?"nakaupo kami ni Kai sa dalawang swing na magkatabi,
"Oo naman,"sabi ko.
"Akala ko mapapasabak kami sa suntukan kanina nang dahil sa galit ni Axel, buti na lang at umatras ang dila ng gagong Aiden na yon,"napakurap ako sa sinabi niya, mabuti na lang at hindi talaga sila nagsuntukan.
"Nung umalis ka kasi, naglakad na rin ako palabas ng canteen. Bago ako makapasok sa classroom, nandoon lang pala si Axel kaya nagtaka ako kung bakit ka niya pinaghintay doon. Tinanong ko siya at doon ko nalamang hindi galing sa kanya yung letter. Dali-dali kaming pumunta siya noon at halos hindi ko siya mahawakan dahil nakakatakot yung aura niya lalo na nang sabihin kong takot ka sa dilim at ang dahilan nun. Sinubukan kong tawagan ang cellphone mo pero nagulat kami nang marinig yun sa taong palabas na ng building na si Aiden,"pagkunkwento niya.
Nakakatakot na siya, paano pa kaya kung magsalita siya nang galit? Edi para na siguro siyang si Godzilla, bagay talaga silang pagsamahin ng kapatid kong si Incredible Hulk.
"Ako nga dapat ang magbabanta sa kanila, kaso inunahan ako ni Axel na kulang na lang ay umusok ang ilong. Mukhang pati sila ay nasindak sa tingin ni Axel na nakakamatay. Yung galit niya noong niligtas niya si Paulyn, ganun din ang nakita ko sa kanya kanina, iba pala talaga siya magalit. Hindi na tuloy pa kami napa-away nang kusa nilang ibigay ang cellphone mo,"hindi ko maiwasang mapangiti dahil concern sa akin si Axel.
Kung ganun bukod kay Paulyn, mahalaga din ako sa kanya? Paulit-ulit kong pinaaalahanan ang sarili ko na kaya siya ganun dahil friends kami, hindi na dapat ako maghangad pa nang mas mataas doon lalo na at masaya naman siya kasama ang taong minamahal niya.
"Halata ba sa mukha kong umiyak ako?"tumingin ako nang diretso kay Kai.
"No, you look tough,"siniko ko lang siya at tumawa nang mahina.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[14th CHAPTER]: My Hope
Magsimula sa umpisa