"Ito oh, may nagpapabigay sayo, secret admirer mo ata"diretso nitong wika at may inabot na dalawang bote ng isang juice na kulay orange na may pagka-peach.
Kailan pa ako nagkaroon ng secret admirer? Sana pala hindi na lang ako kumanta, joke.
"Ang galing mo kumanta kanina, see you sa school,"naalala kong Ren ang pangalan ng lalaking ito na nasa ABM.
"Sige, salamat,"tumango lang si Ren at umalis na rin.
Saktong nakakuha na rin si Kai ng inumin niya kaya hindi ko na ishashare pa itong ibinigay sa akin. Pagkatapos ko ay isinabay na rin ni Kai na ibigay ang plato sa nag-iikot na may tinutulak na cart na lagayan ng mga pinagkainan. Nagsibalikan ang iba sa gilid ng swimming pool, nagkantahan ulit, at nagswimming ang iba.
Ininom ko na yung binigay sa akin ni Ren. Napapikit dahil medyo mahapdi sa lalamunan ang inumin, pero nasasarapan ako. Never akong nakainom nang ganito kaya wala akong idea kung ano ito, mamahaling inumin ba ito kaya hindi ako familiar dito? Naubos ko na ang unang bote at kinalabit ko si Kai para magtanong.
"Alam mo ba kung anong inumin ito?"inamoy naman niya ang bote na pinag-inuman ko.
"Ang tapang ng amoy, pero hindi ko alam kung ano yan hndi pa ako nakakatikim niyan,"sagot niya.
"Pero masarap siya eh,"ininom ko naman na ang pangalawang bote at napapansin kong umiinit ang pakiramdam ko.
"Ligo ako sa pool, sama ka?"tanong ni Kai, pero tinatamad pa ako.
"Mamaya na, sige mauna ka na susunod na lang ako,"tumakbo naman kaagad siya at tumalon sa pool. Palibhasa kasi marunong lumangoy, samantalang ako hindi kaya kapag may swimming, nasa gilid lang ako palagi.
Mas lalong uminit ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit may mga pagkakataong nakakaramdam ako ng hilo. Ano bang nangyayari sa akin?
"Aalis na muna ako ha, ihahatid ko lang si Paulyn pauwi,"napalingon ako kay Axel na nagpaalam sa mga tropa niya, habang ka-holding hands niya si Paulyn. Pinagbuksan ni Axel si Pau bago siya pumasok sa itim niyang kotse.
Sa bagay, siguradong may curfew ang mga babae lalo na at may pasok pa bukas. Mag-aalas nuwebe na pala, ang bilis naman ng oras. Nag-ingay naman ang mga tropa niya habang nagkakantahan at nainom ng softdrinks.
Sinubukan kong tignan kung may ganitong inumin sa lagayan ng beverages, pero wala akong nakita dahil lahat ng drinks na nandoon ay pamilyar sa akin. Parang gusto ko tuloy alamin kung sino ang nagbigay nito at kung anong pangalan ng brand nito. Inubos ko na lang ang huling bote na nasa akin at akala ko, mapapawi ang pagkahilo ko pero parang lumala pa. Pero masaya pa rin ako kahit na nahihilo ako nang kaunti, siguro dahil espesyal na araw ito at ang sarap kasi nito. Napatulala ako saglit at hindi talaga maalis sa isip ko kung anong inumin ba ito.
Isa-isa nang nagsisiuwian ang mga kaklase namin, hindi naman na siguro sila maliligaw dahil madaling tandaan ang daan dito sa subdivision. Umoonti ang mga tao, pero maingay pa rin ang paligid. Nakaramdam ako ng init kaya naglakad ako sa gilid ng pool at nagbakasakaling malamigan ako. Kinurot ko ang sarili ko nang makramdam na naman ako nang kaunting hilo.
Pero nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa paa ko at hinatak ako sa pool. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa gulat nang mahulog ako sa tubig. Tumayo kaagad ako at inimulat ang mga mata ko para makita kung sino ang humila sa paa ko.
"Ayan, baka kung ano pang gawin mo kung hindi kita hinatak, nang makaligo ka man lang,"nakangising tugon ni Aiden.
Bakit, hindi naman ako nanggugulo ah, behave kaya ako.
"Mukha ba akong hindi naliligo? Lamang ako sayo ng tatlong paligo noh,"huwag siyang maghamon ng away dahil papatulan ko talaga siya.
"Gusto mo bang malaman kung anong ininom mo kanina? Alam ko kasi kung ano yun,"ano namang kinalaman niya doon, eh si Ren ang nag-abot sa akin nun.
Sa kanya ba galing yung inumin at posibleng kasabwat niya si Ren, o napag-utusan lang si Ren nang hindi alam kung ano ang plano niya?
"Halatang lasing ka na,"sabi pa niya.
Lasing? Nakakalasing ba yung ininom ko?
"Sa akin naman talaga galing yun eh, trip lang kita lasingin,"dagdag pa niya.
Alak ba yung pinainom niya?
"Kung anuman yang binabalak mo, hindi yan mangyayari,"matapang kong sagot.
"Aiden, anong gagawin mo sa kanya ha?"biglang sumulpot si Kai na masama ang tingin sa kanya.
"Uuwi na po kami Tita, salamat po sa lahat, happy birthday tol!"rinig na rinig ang boses ng mga tropa ni Axel na kakatapos lang magbihis.
Hindi ba nakakahiya na uuwi na ang mga tropa niya pero kami nandito pa? May iba pa namang tao na hindi namin kilala, kaya siguro ayos lang ito. Akala ko naman ang mga tropa niya ang huling uuwi.
"Sige, ingat kayo sa daan ha,"kakabalik lang ni Axel at nakipag-fist bump sa mga tropa niya.
"Chill lang kayo, hindi naman ako manggugulo eh,"tugon ni Aiden na may natulo pang tubig sa mukha, galing sa buhok niyang basa.
"Ayos ka lang ba? Bakit namumula ka?"tanong ni Kai.
"Oo buhay pa naman ako,"sagot ko.
"May nakainom ba sa inyo dito? Wala naman akong sinamang cocktail sa drinks ah,"malakas na sabi ni Axel at napalingon sa kanya ang lahat. Hawak niya ang bote na pinag-inuman ko kanina, at ano daw, cocktail?
Umiling lang ang mga tao, at bumalik na ulit sa pagkanta at paglangoy ang iba.
"Ako!"nagtaas ako ng isang kamay na parang sasagot sa recitation.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[17th CHAPTER]: Drunk
Magsimula sa umpisa