"Aalis na po kami, maraming salamat po,"nag-bow pa si doggie sabay tingin kina mama at kuya.
"Sige, happy birthday sayo Axel,"tinignan naman ni mama si kuya nang makahulugan.
"Happy birthday sayo,"monotone na sabi ni kuya.
"Wag ngang mainitin ang ulo mo pagdating kay doggie, dapat patas ka, maging mabait ka rin katulad kay Ningning,"sabay na lang na napa-face palm ang dalawa sa sinabi ko.
"Ingat kayo ha,"mahigpit kong niyakap silang dalawa at parang naka-group hug na rin ako.
Ginulo ko rin pareho ang buhok nilang dalawa, si Kai sa kanan at si Axel sa kaliwang kamay ko.
"Ginawa pa tayong hayop tsk,"masungit pang tugon ni doggie.
"Alis na birthday boy, kapag nakita pa kitang magsungit ipapaaway talaga kita sa ibang aso ng kapitbahay!"hahablutin na sana ako ni doggie, kaso biglang humarang si kuya sa harap namin at biglang nabahag ang buntot ng nang-aaway na si doggie.
"Unggoy lang pala katapat mo doggie eh!"binelatan ko lang si doggie.
"Ang kulit mo talaga manahimik ka na lang!"kinurot naman ako ni kuya sa braso ko at napanguso na lang ako.
Sumakay naman na silang dalawa sa kotse at kumaway lang ako hanggang sa mawala sa paningin ko ang kotse.
"Hindi kita sesermonan dahil alam kong hindi mo intensyon na maglasing, ewan ko lang sa kapatid mong mas masungit sa akin,"sabi ni mama nang makapasok na kami sa loob.
"Matulog ka na, mag-uusap pa tayo bukas,"masungit na wika ni kuya at hinila ako papunta sa kwarto ko.
Nagbihis ako at humilata na rin sa kama, naku may sermon na naman ako kay kuya bukas at panigurado akong hindi lang tungkol sa kalasingan ko ang pag-uusapan.
~~~
"Aminin mo nga sa akin, may nang-bubully ba sayo? Pinag-iinitan ka ba sa school niyo?"nakaupo si kuya sa harapan ko habang kumakain ako ng almusal.
Naalala ko ang lahat ng nangyari, at muntik ko pang masabi kay Axel na gusto ko siya nang maalala ko ang 'baby ko'. Mabuti na lang at kasama ko si Kai kagabi kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Ang naalala ko rin na tinawag ko silang doggie at ningning. Baka galit na sa akin yung dalawa, magpanggap na lang kaya ako na walang maalala?
"Wala nga kuya,"lalo akong mayayari kapag pinagtapat ko ang mga pinaggagawa ni Aiden sa akin.
"Paano mo maipapaliwanag sa akin yung nagpainom sayo kagabi?"sinuri niya ako na parang detective.
"Menor de edad pa lang kami, kaya siguro hindi alam ng babaeng iyon na cocktail drink yung naibigay niya sa akin,"tumingin ako nang diretso sa mga mata niya.
"It's either may tinatago ka sa akin, o wala ka ring alam tungkol sa dahilan kung bakit nagawa iyon ng babaeng sinasabi mo,"halata ang pagdududa sa tono ng boses niya.
"Kilalang-kilala kita Abed, at never kang nagsasabi kung may nangyayari sayong hindi maganda sa school. Rerespetuhin ko kung gusto mo ng privacy at ang harapin iyon nang mag-isa. Pero sa oras na may mangyaring hindi maganda sayo at may nanakit sayo, hindi mo na ako mapipigilan kahit ano pang gawin mo,"seryoso ang mukha niya, pero hindi maitatago ang pag-aalala sa mga mata niya.
Patawarin mo ako kung hindi ako nagsasabi sayo, kuya. Lalo na noong araw na ikinulong ako ni Aiden at nang muntik na akong makapanakit.
"Sorry kung may ginawa akong hindi mo nagustuhan kuya,"ito na lang ang nasabi ko.
"Maging abala man ako sa trabaho ko, pero hindi ko malilimutang kamustahin ka at subaybayan kung ano nang nangyayari sayo,"tumayo na siya at kinuha niya sa akin ang mga pinagkainan ko.
"Ako na maghuhugas niyan, inumin mo na rin yang tsaa diyan, baka matanggal yang hangover mo,"itinuro niya ang tasa na may kulay brown na inumin.
Nagpaalam na ako para umalis at pumasok na sa school. Umupo kaagad ako sa upuan ko nang walang tinigtignan.
"Ang kalmado at mahiyaing si Abed ay ibang-iba pala kapag nalalasing,"binulungan ako ni Axel na umupo pala sa tabi ko.
Naaalala ko na naman yung doggie, lalo na yung part na nasabi ko yung tungkol sa ipapangalan ko sa aso. Yari na, baka mamaya makahalata pa siyang may gusto ako sa kanya.
"Naalala mo pa ba lahat ng sinabi mo sa amin, baby ko?"ngumisi pa siya at napalunok ako, nakakahiya talaga.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[19th CHAPTER]: Stubborn
Magsimula sa umpisa