"Hindi rin ako makapaniwalang kaya niya akong dalhin sa bahay nila nang hindi nababalian ng buto sa bigat ko,"pabiro ko pang wika.
"Ano ka ba, eh halata namang malakas siya at kayang-kaya ka niyang pasanin kahit na mas matangkad ka sa kanya,"sagot pa ni Kai at nanatili lang na nakaandar ang lamp shade ko.
"Sa tingin mo ba, alam ni Cedric na ako ang half-brother niya?"hindi ko napigilang maitanong ito sa kanya.
"Hmmm, may malaking chance na oo at kaya siya naging kabarkada ni Aiden bukod sa magkasundo sila eh dahil may common interest sila sa pangingialam sayo. Maaaring wala ring alam si Aiden sa koneksyon ni Cedric sayo. At may chance ring hindi niya alam iyon dahil nilihim ng papa mo at coincidence lang na sumasama siya sa mga pambubully ni Aiden sayo,"sagot ni Kai.
"Hindi ko inaasahang magiging ganito ang lahat, ang buong akala ko ay ordinaryo at payapang pamilya lang ang meron ako,"napabuntong-hininga na lang ako.
"At sakto pang iyon din ang oras na napalapit si Axel sa buhay mo, na sa tingin ko ay isang magandang senyales na magiging maayos din ang lahat dahil sa magandang pagkakaibigan na meron kayo,"may pagka-optimistic talaga si Kai.
"O di kaya pwedeng makadagdag siya sa sakit na mararamdaman ko, dahil pakiramdam ko natakda akong kalimutan lahat ng romantic feelings ko para sa kanya, para maibigay ko ang kaligayahang dapat niyang makamit,"mahirap umasa sa bright side, pakiramdam ko laging nagkakatotoo yung mga negatibong naiisip ko.
"Makikita natin sa mga susunod na araw, basta nandito lang ako palagi para sayo,"
"Bukod sa pamilya ko, naging lakas din kita para magpatuloy lang sa pag-aaral, kahit na isa sa mga pinakaayaw kong lugar ang school. Maraming salamat sa lahat, Kai,"napatitig na lang ako sa kisame nang maalala ko lahat ng magagandang alaala kasama siya.
"Ikaw naman kaya nga ako nandito para hindi ka malungkot, papaiyakin mo naman yata ako,"pinalo ko siya nang mahina sa braso niya.
"Bawal ka munang magbabad nang matagal sa gadgets kaya matulog na tayo,"ganyan din sinasabi ni mama lalo na noong bata pa ako.
Ano ba yan, gagamit pa naman sana ako ng cellphone.
~~~
Lumipas ang limang araw at naiilang ako dahil kahit hindi namin kasama si Axel, alam kong tingin siya nang tingin sa akin na para bang binabantayan ako. Pakiramdam ko tuloy isa akong alagaing bata.
"Informed naman na siguro siyang wala kang sakit, pero ganyan pa rin siya makatingin sayo. Dinaig pa niya ata ang kuya mo sa pag-alala sayo,"kakabalik lang namin sa classroom, galing sa lunch break namin.
"Ewan ko ba kung kikiligin ba ako o maiilang,"sagot ko habang nakatunganga sa labas ng bintana.
Hanggang kailan ko kaya maitatago itong nalalaman ko tungkol kay papa? Maliit lang naman ang chance siguro na makahalata sila mama at kuya. Pinag-iisipan ko kung itutuloy ko ba ang plano kong harapin siya nang mag-isa para mas maliwanagan pa ako.
"Ano ba, kanina pa kita kinakausap! Kasama nga kita pero napapansin ko pa nitong mga nakaraang araw na parang may iba kang iniisip at parang wala kang pake sa akin!"rinig na rinig sa classroom ang boses ni Paulyn.
Napatingin ang lahat sa kanila, at maging si Axel na katabi niya ay gulat na gulat.
"Hindi naman sa wala akong pake, sorry Paulyn,"sinubukan niyang hawakan si Paulyn, pero tinabig lang ni Pau ang kamay ni Axel.
Ang awkward, nakatingin pa lahat ng mga kaklase namin sa kanil at kanya-kanya pa silang bulungan.
"Hala, ngayon ko lang sila nakitang nag-away"
"Alam ko pakiramdam ng walang pake sayo yung lalaki"
"Sabi ko sayo eh walang forever"
"Baka may ibang babae si Axel kaya kung saan-saan nalipad ang utak niya"
Hindi pa rin talaga maalis sa isip ng karamihan na ang lalaki palagi ang nambababae.
"Pwede bang mag-isip muna kayo nang maayos bago kayo gumawa ng issue? Wag na kayong maki-tsismis,"madiin kong sabi, lalo na sa kaklase naming nagsabi na may ibang babae si Axel.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[24th CHAPTER]: Uneasiness
Magsimula sa umpisa