Napayuko na lang ako sa hiya. Gamit ang kanang palad ko, tinakpan ko ang mga mata kong lumuluha na ngayon, lalo na nang maisip kong wala pa rin akong kwenta sa paningin ni papa. Ang sarili ko nang kadugo ang umaayaw sa katulad ko, paano pa kaya ang ibang tao.
"Kailan ka pa naging burden sa akin? Pinili kong protektahan ka kasi gusto kong maging parte ng buhay mo. Alam kong espesyal kang tao,"naramdaman ko ang mainit niyang palad nang hawakan niya ang kamay ko at maingat itong inalis mula sa pagkakatakip ko sa mga mata ko.
Pakiramdam ko, mapagkakatiwalaan siyang tao at ligtas ako sa kanya. Maingat niyang pinahid ang mga luha ko, gamit ang tissue na hawak niya galing sa tissue box.
"Mas lalo kang nagiging cute kapag uhugin,"pinisil niya ang namumula kong ilong, at bumilis ang tibok ng puso ko.
Kumuha naman ako ng tissue dahil baka himatayin pa ako kapag nagtagal siya sa pagpunas at pinampahid ko sa ilong at pisngi ko. Nakakahiya, ilang beses na niya akong nakitang umiyak at hindi na rin pa ako makaangal nang sabihin niyang uhugin.
"Salamat, dahil napasaya mo ako nang sabihin mong matagal mo na akong gusto maging kaibigan,"hinubad niya ang madungis niyang blazer at naglabas siya ng isang bilog na bagay.
"Mayayari ka sa mama mo kapag nakita niya yan, lalagyan kita nito,"binuksan niya ang bilog na isang ointment pala.
Tila napaatras lahat ng uhog ko nang pahubarin niya rin sa akin ang gusgusin kong blazer. Lumapit siya sa akin at ibinuka ang collar ng polo ko. Kitang-kita ko sa malapitan ang mukha niya na seryosong nakatingin sa leeg kong namumula pala mula sa pagkakasakal. Ang kinis talaga ng maputi niyang balat, ang bango din ng buhok niya at nakakalunod tumingin sa mata niya. Nang lagyan na niya ang gilid na parte ng leeg ko malapit sa tainga ko, ramdam ko ang mainit niyang hininga kaya napalunok ako at bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Ayan,"natauhan lang ako sa kakatingin sa kanya nang magsalita siya.
Tinago na niya ang ointment at nagsimula na siyang magmaneho.
"Kailangan mong mahimasmasan bago kita iuwi sa inyo, hindi rin biro na masakal ka nang ganun. Magpahinga ka kung gusto mo, may dadaanan tayo,"seryoso niyang wika at napatulala na lang ako kasi, ang gwapo niya kahit na nakaputing polo na long sleeves lang siya at nagmamaneho.
Itinago ko na lang sa bag ko ang mga tissue na ginamit ko para madistract ako sa kakatingin sa kanya. Dumaan siya sa isang pharmacy at may binili, pati na rin sa convenience store na katabi nito. May inabot siya sa aking balot na may lamang ointment at drinks.
"Wala akong pambayad, wag na,"nahihiya ko pang sabi.
"Ano ka ba, libre lang yan para sayo malakas ka saken,"may bitbit din siyang strawberry milk.
"Salamat,"ininom ko ang strawberry drink na ibinigay niya at kumalma na ako kahit papaano na parang isang batang nilibre para mapatahan.
Hindi na siya nagsalita at nagmaneho siya patungo sa isang lugar na hindi ako pamilyar. Mga alas tres pa lang pala kaya hindi dapat ako makita ni mama dahil class hours namin dapat ngayon.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[26th CHAPTER]: Quality time
Magsimula sa umpisa