"Mga isang oras pa ang biyahe, pwede ka munang matulog kung gusto mo,"nakadiretso ang tingin ni Axel sa kalsada.
Tumango lang ako at tumingin sa labas ng bintana hanggang sa dalawin ako ng antok.
~~~
"Abed,"napangiti ako nang marinig ko ang boses niya.
Napadilat na lang ako nang simula niyang pindutin ang pisngi ko.
"May pagkatulog mantika ka pala,"tinanggal niya ang seat belt na nakakabit sa akin.
Nasa tapat kami ng isang mataas na building. Dala niya ang bag niya at pumasok kami sa loob ng building. Walang katao-tao dito, pero malinis naman siya. Sumakay kami sa isang elevator at pinindot niya ang 12th floor, ang pinakahuling number ng palapag na nasa pindutan.
Hindi naman siya hotel, hindi rin naman siya mukhang office, ano bang gagawin namin dito? Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang SOGO hotel dahil sa red at yellow na kulay ng building na ito. Hindi naman siguro kami gagawa ng kababalaghan dito noh?
Bumukas ang elevator, at napatulala ako nang makita ang napakagandang view. Kulay orange na ang araw at lulubog na rin ito maya-maya. Kita ko ang mga nagtataasang building, mga bubong ng bahay, at dagat sa kalayuan, kung saan naroon ang araw. Para akong nasa rooftop.
"Tara na,"inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
Malugod kong tinanggap ang malambot, ngunit malakas na kamay at naglakad kami sa dulo nito, kung saan may nakaharang na bakal para hindi mahulog. Kung wala lang sana siyang ibang nagugustuhan, iisipin ko na sanang date na namin ito.
"Naisip kong mas magandang magpalipas tayo ng oras sa lugar kung saan may magandang view, at umaasa rin akong mapagaan nito ang pakiramdam mo,"kaming dalawa lang ang taong ito, at hindi ko mapigilang ngumiti nang matipid sa sinabi niya.
Kung hindi niya siguro ako sinundan, baka mas malala pa ang nangyari sa akin at baka hindi ko na makita pa ang lahat ng ito.
"Paano kung guluhin ni papa ang buhay mo nang dahil sa nangyari? Si Cedric, panigurado idadamay niya si Aiden para pagkaisahan ka,"napatingin ako sa kanya para makita ko ang magiging reaksyon niya.
"Trust me, hindi nila ako kaya Abed. Alam ni Aiden kung ano ang kaya kong gawin,"ngumisi lang siya, at lalo siyang gumagwapo kapag ginagawa niya iyon. Pero nahahalata ko ngang delikado siya, lalo na nang bugbugin niya si papa kanina. Hindi ko na gugustuhin pang makira siyang ganun kagalit dahil malalagay lang siya sa gulo at kapahamakan.
Bigla ko namang naisip si Paulyn, sigurad o kung saan-saan na niya yun nadala nang dahil sa pa-kotse niya.
"Nadala mo na ba dito si Paulyn? Nagdate na ba kayo dito?"pag-iiba ko ng topic.
"Hindi pa eh, yun din sana ang plano ko, ang dalhin dito ang taong espesyal sa akin. Mahalaga itong lugar na ito sa akin, at ikaw pa lang ang pinaka-unang nadala ko dito,"napatulala na lang ako sa view nang maramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
Ang swerte ko naman jusko, naunahan ko pa ang future jowa niya na makapunta dito.
"Hindi ko inaakalang maiisip ko ito, pero simula nang maging kaibigan kita, nagkaroon na ako ng bagong pangarap. Gusto kitang makasama hanggang sa makamit natin lahat ng gusto nating marating sa buhay,"napatingin na ako sa pagkakataong iyon sa kanya.
Abot hanggang mata ang ngiti niya, at mas lalong gumanda ang mata at ngiti niya nang magreflect sa mukha niya ang kulay ng papalubog na araw. Diba sa babaeng gusto niya dapat sabihin yung mga kilig lines na yun, o friendship goals ang gusto niyang maipahiwatig.
"Hindi ko na gugustuhin pang may pagkakaibigang hindi magtatagal,"hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko kung bakit may mga taong umaalis sa buhay natin?
Ang ihip ng hangin na lang ang naririnig ko, at magkasama naming pinanood ang paglubog ng araw.
.
.
.

BINABASA MO ANG
Wings [c. yj ? c. sb] ??
Fanfiction"You'll cure my pain that's why I'm not afraid to suffer,"sabi niya habang nakatitig sa kalangitan na puno ng bituin at ng maliwanag na buwan. "Thank you for loving me even if I'm sad,"ramdam ko ang sincerity sa mga sinabi niya. "Let's be each other...
[26th CHAPTER]: Quality time
Magsimula sa umpisa